Chapter 12

3.1K 80 20
                                    

"Wow, ang ganda naman dito,"bulalas ko nang makita ko ang loob ng Avilon zoo. Marami ngang puno at halaman, nakaka-relaxed tignan. Kung di dahil sa field trip na 'to, ni hindi ko nga malalaman na may Avilon zoo pala. Basta, ang alam ko lang na zoo ay Manila zoo.

Iyon lang. Ay, pati pala yung classroom namin, zoo rin. Si Kath yung unggoy! Joke lang! Habang mukhang tangang nakatingala pa, tinawag na kami ni Maam Ocampo. So, sasabihin ko na kung bakit sobrang bait skin ni Maam Ocampo.

Si Maam Marie Curie Ocampo ay pinsan ko. Btw, 25 years old palang siya at single and ready to mingle!

Lunch time na namin, bumili sila Blake at Lance ng lunch. Ang gulo nga nila, eh. Nagtatalo kung sinong manglilibre sakin. Grabe, pinipilit ko ngang tumanggi pero ang kulit nila. So, sabi ko na alng kung sinong mauna. Edi, ayun, nagsitakbuhan sila.

Habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid, nakita kong mag-isa si Daniel. Walang Kath na umaaligid. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lalapitan ko siya. Pero hindi ko alam kung bakit kusang naglalakad ang dalawa kong paa papunta sa kanya..

Umupo ako sa tabi niya. Napatingin siya sakin pero agad niya ding binawi iyon. "Daniel, bat mo ko iniiwasan? May nagawa ba kong mali?"

"Wala kang ginawang mali,"sagot niya. Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Gumaan nga ang pakiramdam ko pero ano na ang sunod kong sasabihin.

"Julia,"mahina niyang pagbanggit sa pangalan ko. Nilingon ko siya. "Bakit?"tanong ko. "Iwasan mo na ko. Hwag ka nang lalapit sakin,"malamig niyang sabi. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong. Ano 'to? Bakit may nagawa ba kong mali na ikinagalit ni Daniel? May nasabi ba akong ikinagalit niya?

"Kalimutan mo na ko. LIive like I didn't exist."

Kahit hindi niya ako tinitignan, pakiramdam ko totoo talaga na gusto niyang kalimutan ko nga siya. Pero bakit? Ever since I first saw him, I started to fall in love with him without a warning. Basta pagkagising ko na lang, umiikot na ang mundo ko sa kanya. Bakit? Akala ko ba ayaw niyang may kasama akong ibang lalaki, hindi ba?

"Pero, Daniel, di ba nagseselos ka pag kasama ko si Blake at Lance? Sabi mo pa nga, bagay sakin ang nakatali ang buhok. Hindi ba ikaw ang nagligtas sakin nung nakulong ako sa cubicle? Hindi ba ikaw din nagsabing sayo lang ako tumingin?"mangiyak-ngiyak kong sabi.

OA na kung OA, pero I cant live in a world where he doesn't exist.

"Julia, I didn't mean every words I said. I dont like you,"sabi niya. Bakit ganun parang napaka-natural lang ng pagkakasabi niya nun? Please, ayokong maniwalang totoo ang sinasabi niya!

"Niloloko mo lang ako, di ba? Di ba, you care for me? Hindi ba gutso mo rin ako? Please, sabihin mong biro lang ito.. Please, sabihin mong totoo ang lahat ng mga bagay na sinabi mo sakin dati.. Kasi sobrang pinanghahawakan ko yun, ehh..."Madrama na kung madrama.

"It was just a game, Julia. What made you think that I would like you? What made you think that I care for you? Bored lang ako at nagkataong ikaw ang napili ko,"may diin sa bawat salita niyang sabi. Kung dati parang nabuhusan lang ako ng isang timba ng malamig na tubig ngayon ay pakiramdam ko binomba na ko ng tubig ng bumbero.

Kahit mismong sa labi na ni Daniel nanggaling ay ayoko pa ring maniwala.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"napatawa ako. "Ikaw, Daniel, di magandang biro 'to, ah! 'Kala mo maloloko mo ko? kahapon lang sumandal ka pa nga sakin, eh!"

Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na nagbibiro lang siya.

"I dont like you. Youre not my type. I was playing with you, Julia. Wake up from your mindless dream. I dont belong to you. My heart wasnt yours. And I dont love you."

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon