Julia's POV
Wala na kong dapat asahan. Sabi ko na nga ba, hindi magtatagal ang lahat ng mga iyon. Kumbaga, panaginip lang ang lahat ng nangyari samin ni Daniel.
A beautiful dream that had came to an end.
Sabi ni Mama, okay lang daw na ganon ang nangyari. Hwag ko na daw isipin pa kasi mas lalo lang akong malulungkot. Oo, medyo nalungkot rin siya nang malaman nangyari samin ni Daniel pero wala namang magagawa si Mama.
Mahirap lang kami. Mayaman sila.
Move on na lang.
"Alam mo, iha. Hindi ba kailangan mo ng trabaho? Bakit hindi ka na lang magtrabaho samin? Umalis na kasi ang katulong namin and naghahanap kami ng pwedeng ipalit sa kanya,"sabi ng mama ni Kevin, yung nakasagasa kay Papa.
"Ma, ano?"
"Sige, okay lang. Sobrang kailangan natin ng pera para sa pangcollege mo."
"Hwag kang mag-alala. Walang katulong na dumaan samin ang nagreklamo nang kahit ano. Makakasiguro kayong nasa mabuting mga amo ang anak niyo."
Napatingin ako kay Papa na tulog sa hospital bed niya. Ganon talaga ang buhay, mukhang hindi ako makakapag-aral agad ng kolehiyo. Kailangan ko munang magbanat ng buto pero okay na rin ito, diba?
Makakalimutan ko naman siguro siya kasi magiging busy ako at gaano din siya. Magiging busy sa magiging pamilya niya.
Dito na maghihiwalay ang mga landas namin and I hope our paths won't cross again.
Habang nag-uusap sila, tinabihan ko muna si Papa doon atsaka ko kinuha yung notebook na dala-dala ko sa shoulder bag ko. Sorry, hindi ko talaga matiis. Gagawa ulit ako ng diary.
Kinuha ko na rin ang ballpen ko at nagsimulang magsulat. Natigilan ako nang makita ko kung ano pala ang nasulat ko. Walang duda, mukhang mahihirapan ako sa paglimot sa lalaking iyon.
Dear Daniel
Iyon ang nasulat ko, agad kong pinunit iyon at itinapon sa bag ko.
F I N
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?