Chapter 19

2.6K 64 13
                                    

"Julia, hindi ka pa ba gutom?"tanong sakin ni Daniel nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw yung pagkain ko.

"A-ahmm, m-may iniisip lang ako.."

"Hindi mo na ko kailangang isipin, andito lang naman ako,"sabi niya atsaka niya pinisil ang magkabila kong pisngi.

"A-asa ka! Bumabanat ka na naman dyan, ah!"

Tinapos ko na ang pagkain ko. Hindi naman talaga ganun kahalaga yung biglang sumagi sa isip ko, eh. Naisip ko lang gano katagal pa kaya ang hihintayin ko bago maging Delos Reyes ang apelyido ko? Hahahahaha. Landi ko. Well, siya na naman diba ang nagsabi na siya yung papakasalan ko sa future. Kahit laro-laro niya lang yung hula niya na yun, maniniwala ako dun.

Napapangiti tuloy ako ng walang dahilan tapos napansin kong pinapanood niya pala ko habang nagde-daydream ko dito at na ngiti-ngiti pa.

Uwian na nang pabalik ako sa classroom nang mapansin ko ang isang classroom na wala ng mga student. Bilang isang concern citizen, papatayin ko sana yung bukas na ilaw nang makita ko sila Kath at Daniel sa loob.

"You must be kidding me, Daniel. Kung hindi sasabihin ko kay Julia na pinagpustahan niyo lang siya nila Kurt!"

"I don't remember any of that,"sabi niya habang nakatingin ng masama kay Kath.

"Sige lang, magkunwari kang walang naaalala, Daniel. Sinabi sakin ni Aldin. I know everything about you, Daniel. "

Bago pa muling makapagsalita si Daniel ay nahulog ang hawak kong ballpen kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Napatingin sila sakin.

"Julia, its not what you think. Let me explain."

Pakiramdam ko parang sirang plakang paulit-ulit ang mga sinasabi ni Daniel. So, none of it was really true?

Pinulot ko yung ballpen kong nahulog. Kahit nanginginig ang labi ko ay pinilit kong magsalita at humarap sa kanila. Pinilit kong tumawa atsaka ko nakakamot sa ulo ko. "S-sorry kung naistorbo ko k-kayo.."sambit ko atsaka ko agad na tumalikod at umalis. Naglakad papalayo nang tila wala sa sarili.

Pakiramdam ko lutang na lutang ako. Hindi ko alam kung saan na ko dinadala ng dalawa kong paa. Basta ang alam ko, gusto kong lumayo.

Maglaho.

Bakit ganon kung sino pa yung nagmamahal ng tunay yyun pa yung ginagago, no? Hindi naman patas yun!Naramdaman kong may humawak sa braso ko upang pigilan ako. Dun lang nag-sink in sakin na nasa school grounds na pala ko.

Pamilyar ang init ng mga palad niya na ramdam na ramdam ko sa braso ko. Si Daniel. Yung lalaking nasabing siya ang lalaking pakakasalan ko sa future. Yung lalaking ilang beses na akong sinaktan pero minahal ko parin siya.

Yung lalaking pinagkatiwalaan ko pero sinira niya naman ang tiwalang binigay ko sa kanya.

"Bitawan mo ko,"matatag kong sabi. Pagod na talaga ko this time.

"Julia, please hear me out!"

Hindi ko siya nilingon.

"There's nothing to explain. Gets ko na, Daniel. It was just a game. A bet for God's sake!"pasigaw kong sabi nang harapin ko siya atsaka ko pinunasan yung mga tumulong luha sa mukha ko.

"Let me go! Bitawan mo ko! English na tinagalog ko pa para maintindihan mo na gusto kong bumitaw ka na sakin ngayon!"

Mukhang wala siyang balak sumunod sa inuutos ko sa kanya kaya hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinanggal iyon. Naglakad na ulit ako papalayo.

Habang naglalakad ako, mayamaya may pumatak na ulan sa mukha ko. Sunod sa braso ko. Hanggang sa tuluyan na ngang umulan. Pati, langit nakikiramay sa sugatan ko na namang puso. Sana tangayin na lang ako ng baha sa mundo kung saan puro marshmallows at puro ice cream lang ang makikita ko.

Bakit ganito? Ito na ba ang karma ko? Kasi sinaktan ko sila Lance at Blake. Sakit naman nun parang pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Dati, hindi ako gusto ni Daniel, ni hindi niya ko pinapansin o kinakausap tapos naging malapit siya sakin. The next day, pinagtatabuyan niya ko tapos hinalikan niya rin naman ako. Sinabihan niya pa ko ng, "I love you" eh. Tapos, ngayon pustahan lang ang lahat?

Damn.

Oo nga pala, sinabi niya na dati na laro lang ang lahat pero hindi ko in-expect na ganito pala kasakit yun. Akala ko handa na kong masaktan kung ganon man pero hindi eh!

Kasi pinaasa niya ko ng matindi.

Sige lang langit. Umulan ka lang. Damayan mo muna ko dito. Bigla niya akong niyakap mula sa likod.

"Let me explain, please, Julia.. "

Ilang saglit niya palang akong yakap ay tila nawala na ang lamig na kanina ay bumabalot sa buo kong katawan. Masarap sa pakiramdam ang pagkakayakap niya sakin kaya lang sawa na rin ako ng ganito, eh.

"Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo maliban sa mahal mo ko? Alam mo... mas madali sana kung hindi mo ko pinaasa, eh."

"Julia, hindi ako nagloloko ng sabihin kong mahal kita, alam mo yun!"sambit niya habang yakap niya pa rin ako.

I laughed sarcastically.

"Sa tingin mo, makakaya ko pang paniwalaan ang sinasabi mo? I've been hurt not once, not twice but a couple of times because of you! Anong tingin mo sakin? Robot na hindi nasasaktan, ha?"

"Mahal kita, Julia. Iyon ang paniwalaan mo. Please, hwag mong gawin sakin 'to,"sabi niya nang hawak-hawak niya ang magkabila kong balikat. Hinawakan ko siya sa dibdib niya-- sa puso niya. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso niya.

Saglit ko siyang tinignan. Hindi ko na alm kung kaya ko pa abng paniwalaan si Daniel. Mas simple ang lahat dati nung 'di ko pa binigay yung lintik na loveletter na yun, eh. Yung tipong masaya na ko pag nangitian ni Daniel yung katabi ko tapos aangkinin ko yun.

Everything was a lot easier back then.

"Kung mahal mo talaga ko, hindi mo ako sasaktan.."sambit ko habang nakatitig sa mata niya.

Umiiling ito habang umiiyak.

Umiiyak? I dont think so. Baka dinadaya lang ako ng aking paningin. Tinalikuran ko siya atsaka naglakad papalayo.

Hindi pa rin natila ang ulan. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Mayamaya, sumasakit na bigla ang ulo ko. Kasi may sipon ako tapos nagpapaulan pa.

"Alam mo bang nasasaktan rin ako sa ginagawa mong 'yan, Julia?"

Pinayungan niya ko.

"Sorry naman, Blake.. "

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon