Kath's POV
"Julia, nakakairita ka talaga,"sambit ko nang makita ko ang eskandalong nangyayari ngayon sa malapit sa garden. Nanapak si Blake ng isang estudyante at wala man lang ginawa si Julia para pigilan iyon. Naiinis ako. Naiinis ako kay Julia. Naiinis ako sa lahat ng mga taong nanghuhusga ngayon sa kanya.
I must stay calm. Hindi na dapat ako dumagdag sa eskandalo dun. Pipigilan ko ang sarili ko kahit gustong-gusto ko na silang sigawan ng,'Anong tinitingin-tingin niyo?!'
Palapit na ko nang tsaka lang maisipan ni Julia na pigilan si Blake. Bago ako makalapit sa kanila, hinila na papalayo ni Blake si Julia doon.
"Ano pang tinitingin-tingin niyo?! Magsibalik na kayo sa mga room niyo!"sigaw sa mga nagbabalak pang sanang sundan sila Blake. Nakakairita kasi napakachismosa't-chismoso nila. "Yabang mo naman,"sabi pa nila sakin. "O, ano naman kung mayabang? Atleast hindi chismosa,"pagtataray ko sa kanila. Hindi ko nahayaang mainis pa nila ko lalo, I turned around and flip my long hair.
Btch.
Sinundan ko sila Blake. As Blake's accomplice, I must be at his back. In case na gumawa ng stupid decision si Julia, atleast andoon ako para umalalay sa dalawang iyon. Aishhh...hassle super.
Mahirap rin palang mag-care sa mga taong weirdo. Mas madali nang yung sarili ko lang ang iniisip ko pero aaminin ko, mas malungkot. Kahit medyo maldita ko, naghahanap pa rin ako ng mga taong talagang mag-aalala para sakin.
Agad ko nang sinundan sila Blake. Patungo sila sa direksyon ng SC Office. Susunod na dapat ako nang may makabunggo sakin. Okay na sana, hindi ko na sisigawan yung bumunggo sakin nang makita ko kung sino yun.
Yung walang hiyang lalaking nagpaligo sakin ng shake sa cafeteria dati. Agad na kumulo yung dugo ko nang makita ko yung mukha niya.
"Sorry,"sabi niya nang mukhang napipilitan. "Ewan ko sayo. Ang luwag ng daan at sa dinami-dami ng mga student, ako talagang binangga mo, ha?"pagtataray ko. Tinignan niya ko. "Tantanan mo ko sa katarayan mo, ha. Nang hahalik pa naman ako ng mga matataray pero exception kung ikaw. Ayaw mo ng sorry ko, game! Okay lang,"nang-aasar niyang sabi. "Maghanap ka ng kausap mo. Bwisit!"sigaw ko sa kanya atsaka na ko tumakbo papuntang SC Office.
Nakakainis talaga yung lalaking iyon. Grrr! Someday matatapunan ko rin siya ng shake, I promise!
Naunahan ako ng isang guidance personnel na makaliko sa hallway kung nasaan yung SC Office. Tatawagin ko sana si Sir para ilihis yung atensyon niya dahil mukhang hinaharass na ni Blake si Julia dun sa tapat ng SC Office.
"S-sir!"Hindi na narinig ni Sir yung pagtawag ko sa kanya dahil sumigaw rin siya kaya napalingon sa kanya yung dalawa.
"Mr. Dela Cruz! What on earth are you doing to her!?"Another voice was heard on the hallway. Ayun nga kay Sir kasi hindi ko nalihis ang atensyon niya. Nakita niya tuloy ang ginagawa ni Blake kay Julia.
"S-sir? A-ano...wala po....wala po siyang g-ginawa.."
"Ms. Santillan, I am talking to him, not to you."
"P-pero, sir!"
"Mr. Dela Cruz, go to the guidance office. We need to talk,"pinal na sabi ni Sir na puno ng pagkadismaya ang mukha kay Blake. "Fuck it! Fuck you! I don't a fuck,"walang pakialam na sabi ni Blake bago siya naglakad paalis doon. "Bumalik ka dito!"sigaw ni Sir kay Blake. Lumingon si Blake pero sa tingin ko, si Julia ang nilingon niya nun. Hindi yung guidance personnel.
Nanlaki ang mata ko. What's happening to him? Ganyan din siya nung huling pagkikita namin. He almost hurt me.
Kulang na lang banggain ni Blake si Sir nang lagpasan niya yun. Grabe, I'm sure may nagtrigger para magkaganyan siya at sigurado kong si Julia ang may kasalanan nun. Wala na talagang maganda ginawa ang babaeng iyon!
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
أدب المراهقينSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?