"Talaga? Wow! Excited na kong makilala siya, Blake!"ngiting-ngiting kong sabi. "Wait, nasabi mo na ba sa kanyang mahal mo siya? Ayyie! Girlfriend mo ba?"tanong ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumapit. Pakiramdam ko nga halos maduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin.
Nakakainis!
Ang gwapo niya ngayon, pano walang suot na salamin. Nakatingin pa talaga siya sa mukha ko! Bigla kong pinigil ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alma kung bakit hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sakin. Ganito na ba kalaki ang epekto ng mga tingin sakin ni Blake?
Tapos yung kamay niya unti-unting papalapit sa maganda kong mukha. Char lang! Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-anon gaya ng hahalikan niya ko! Ano bang inisip ko? Edi, pinikit ko yung mga mata ko. Ang landi ko! Naramdaman ko ang pagdampi ng mga daliri ni Blake sa mukha ko. Ang lamig ng daliri niya! Zombie ata 'to, eh.
Pero mas nanlalamig ang twenty kong daliri ngayon!
Hindi ko alam kung pasimple kong hinihiling na sana halikan niya ko ngayon eh si Daniel naman ang mahal ko. Hindi kaya gusto na rin si Blake???! Hala, sinong hindi magkakagusto sa kanya? Pakiramdam ko safe ako pag nasa labas ko siya. Hala ka, Julia!
Isa pang hala! Hindi kaya nahahati na sa dalawang bahagi ang pagmamahal ko? Hala, san ko nakuha yun? Dumilat ako. Nakatingin lang siya sakin na para bang nagtataka.
Tengeneng. Epicfail po si Ambisyosa!
llusyunada, eh. Feeling niya si Sleeping Beauty siya or si Snow white siya siya na basta na lang hahalikan ng kung sinong gwapong nilalang, no! Pinalaki talaga ko sa mga fairytales, ah.
"Napuwing ka ba? Patingin nga,"sabi nito. He took a step closer. "H-hindi, pinigilan ko lang ang formation ng muta sa mata ko,"sa sobrang kaba ko pati pagkabuo ng muta na damay ko. "Pilikmata, oh. Make a wish."
Kinuha ko yung pilikmata churva. Ano kayang iwi-wish ko? World peace? End of poverty? Matigil na ang climate change? Sana perfect ang quiz ko? Ahhh.. Para kay Blake na lang! Sana po maging si Blake atsaka yung girl na gusto niya.
"What did you wish?"tanong niya.
"I wish na sana maging tayo,"biro ko. "Joke, sana maging kayo na nung babaeng love mo,"sabi ko. He smiled. "Sana nga tayo na lang,"bulong nito.
"Ah, ano?"Lumapit siya sakin. "Ambingi mo,"bulong nito atsaka ginulo ang buhok ko. "Julia, may naghahanap sayo sa baba. Bilisan mo dyan! Gwapo pa naman baka mainip sa tagal mo dyan!"sabi ni Mama habang kinakalampag ang pinto ng kwarto ko.
Pagtingin ko sa wallclock. 11 am? Ang aga-aga pa kaya! Kasi naman ano bang meron ngayon?! Wala na naman ako sa remedial classes tuwing Sabado. Graduate na ko dun.
Isa pa ayoko nang mangarap ng gising na si Daniel nga yun kasi wala naman siyang pakialam sakin kaya impossibleng pumunta yun dito, no. Bumaba ako para tignan kung sinong pumunta na yun.
"Hell--"
Agad kong tinakpan ang bibig ko atsaka dahan-dahang humakbang paatras. Paano ba naman si Blake ang lalaking sinasabi ni Mama! Napansin niya pa rin ako kahit na anong ingat ko at napalingon siya sakin.
Tumayo ito atsaka ko nilapitan.
Hala! Nakakahiya ang itsura ko ngayon. May panis na laway pa ng yata ko. Pasimple kong pinunasan yung gilid ng labi ko.
"Nahihiya ka pa sakin? Parang di ko pinunasan yung tumulo mong laway nung field trip, ah."
"Grabe ka. Normal lang naman yun, ah,"sabi ko sa kanya. "Iyan na suot mo? You're really prepared, huh?"sarcastic nitong sabi. Atsaka niya hinagod ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?