Prologue

5.2K 113 14
                                    

Pakiramdam ko hihimatayin ako sa kahihiyan. Mali, maling-mali ito. Ano bang pumasok sa isip ko?

"Dear Daniel, alam mo bang you're my most favorite man in the world?" natatawang sabi ni Daniel habang binabasa sa harap ng klase ang loveletter ko.

"Please... itigil mo na yan.." parang unti-unti na akong nawawalan ng tinig. Halos na ngingilid na rin ang luha sa aking mga mata.

Isang malaking kalokohan. Sino bang matinong babae ang magbibigay ng love letter sa 21st century? Fairytales and happy endings really dont exist.

"Mas makinang ka pa sa kahit anong bituin. Ikaw ang nag-iisa kong lucky star. Ikaw an g pinakimakinang na tala para sa akin. "pagpapatuloy niya sa pagbabasa.

Namalayan ko na lang na lumuluha na ako. Hindi naman siya si Ate Charo at hindi naman ito MMK para i-broadcast niya ang letter ko, ah.

"Sarap sabunutan ng babaeng yan, ah! Ang lakas ng loob." naiinis na sambit ni Kath, isa rin sa mga may gusto kay Daniel.

Tama, masyadong malakas ang loob ko. Maybe, I was mindless dreaming na gusto niya rin ako. Ang bobo ko.

"Hindi ko alam kung ano talaga itong nararamdaman ko sayo pero pag ngumingiti ka. Shet, silaw na silaw ako! Hindi ako makatingin ng diretso. " pagpapatuloy ni Daniel.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ba ginusto ko naman ito? Nag-assume ako masyado, yan tuloy ang napala ko. Hindi ko rin alam kung patapos na ba si Daniel sa pagbabasa niya.

"Sincerely," sabi ni Daniel tapos tumingin siya sakin. Siguro kung mababasa niya lang ang ibig sabiohin ng mga mata ko ay baka makonsensiya man lang siya sa pinaggagawa niya. Baka sakaling tablan man lang siya ng kahit kakarampot na konsensiya.

"... Secret admirer," nakangising sabi ni Daniel habang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata.

Magwo-walk sana ako kaya lang bago pa ko makalabas ng classroom, inagaw ni Aldin kay Daniel ang loveletter ko.

"Secret admirer? Si ano to, eh. Si Julia Santillan!" proud na proud na sigaw ni Aldin. Nanggigigil ako! Ang sarap pilipitin ng dila!

Samu't saring mga reaksyon at mga side comments ang naririnig ko. Kahit anong pilit kong humakbang ay tila nakadikit sa sahig ang dalawa kong paa. Daniel, please ipagtanggol mo naman ako. Give a reason to continue holding on ang loving you.

Blanko ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung nasasayahan ba siya? Naaawa? O nakokonsensiya? Wala. walang anumang reaksyon mula sa mga mata niyang gustong-gusto ko.

Biglang nanghina ang mga binti ko. Sunod, ang buo kong katawan. Natumba ko at napahiga sa malamig na sahig.Agad na nagkumpulan ang mga chismoso't chismosa kong kaklase palibot sakin.

Unti-unting bumibigat ang mga talukap ng mata ko pero naaninagan ko si Daniel na lumapit sakin at bimuhat ako. Ang gwapo niyang mukha ang huli kong nakita nun.


xx

a/n: Hope you love it! :)))))))

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon