Julia's POV
Kakatapos ko palang maligo nang may biglang kumatok sa pinto. Tanghaling-tanghali, sino kaya yun? Imposible namang si Daniel 'yon. Sinilip ko muna sa maliit sa butas sa gilid. Hindi naman mukhang masamang tao kaya binuksan ko na kahit hindi ko kakilala.
"Julia Santillan?"agad na tanong sakin ng isang lalaking naka-suit. Woah, tirik na tirik ang araw. Tibay nito. "Ako nga po. Sino po sila?"
"Ahh, ako si Kevin Salvante. Ano kasi kaya ko nandito kasi may masamang nangyari sa papa mo. Nasa hospital sila ngayon kasama ng mama mo."
"Ha?! Anong nangyari!?"natataranta kong sigaw. Hala, hindi ko kayang mawala si Papa ngayon pa't buo na kami. Ang tagal kong hinintay na mangyari 'to, eh.
"Sorry talaga! Nabunggo kasi siya ng sasakyan namin."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at natulak ko yung lalaki. Hindi naman siya mukhang matanda na, parang college student palang yung lalaking 'to na business management yatang course.
"Kapag may nangyaring masama sa papa ko, hindi ko kaya mapapatawad kahit kailan! Ipapakulong namin kayo, makikita niyo. Ano pang hinihintay mo? Dalhin mo na ko sa mga magulang ko!"nag-aapura kong sabi. Kaya ayon, wala nang suklay-suklay, tali agad ng buhok. Panindigan ang pagiging messy ng bun. Nilock ko yung bahay bago ko umalis.
Malas.
Nagtaxi kami papunta sa Jose Reyes Hospital. Sinamahan niya ko kung nasaan ang mga magulang ko. "Ma!"agad kong tawag kay Mama nang makita ko siya. "Julia, yung papa mo,"nag-aalalang sambit ni Mama.
Mayamaya, may lumapit samin ni Mama na mag-asawang mukhang mayaman. Kinausap nila si Mama, sila pala yung mga nakabunggo kay Papa. Mukhang mababait naman sila at mukhang hindi nila tatakbuhan ang disgrasang nagawa nila.
"Julia,"rinig kong tawag sakin ni Kevin.
"Bakit?"
"College ka na?"tanong niya sakin. "Incoming freshman sa pasukan kung may pang-aral,"sagot ko ng walang paligoy-ligoy. Tumango-tango lang siya. Sa totoo lang, wala na kong kahit na anong galit o inis na nararmdaman para sa kanila dahil hindi naman sila mga masasamang tao talaga na sinadyang makapanakit.
10pm ng gabi na nang umuwi si Mama sa bahay para kumuha ng mga gagamitin ni Papa dahil magtatagal pa siya dito sa hospital. Ako munang kasama ni Papa dito at nagbabantay sa kanya. Kanina pa, umuwi yung mga nakabunggo kay Papa pero binayaran nila lahat ng mga gagastusin ni Papa ngayon at nangako silang babalik dito para kamustahin si Papa at alamin ang mga kakailanganin ni Papa.
Eto naman kasing mga magulang ko, hindi nag-iingat siguro sa daan. Hay, parang may nakalimutan tuloy akong gagawin kong importante. Dami kasing mga nangyari ngayon. Nakakapagod.
Ano nga ba yun?
"Julia, gumising ka muna dyan. Ala-una na, umuwi ka muna sa bahay para maligo,"gising sakin ni Mama. Nag-unat ako ng katawan. Sakit ng leeg at likod ko, ah. "Ma, okay lang yun. Tayo-tayo lang naman nandito, eh. Tayo-tayo lang magkakaamuyan dito."
"Nako, tigilan mo ko. Pano na lang kung biglang dumating dito si Daniel? Edi, matu-turn off yun sa baho mo."
"Mygosh,"sambit ko. Tama, si Daniel. Ugh! Agad akong tumayo at nag-ayos ng tali ng buhok. Nagtanggal in ako ng muta. "Ma, okay ba itsura ko? Hindi ba halatang di man lang naghilamos?"bigla kong baling kay Mama atsaka ko humarap sa kanya.
"Ayos lang. Mukha pa ring tao. Ano bang meron?"
"Ma, kailangan kong puntahan si Daniel! Atsaka graduation namin kaninang umaga pala! Ano ba yan? Dami kong nakalimutan! Sige, Ma. Wish me luck,"atsaka ko tumakbo palabas. Pinagalitan pa nga ko ng isang nurse. Bawal daw tumakbo sa pasilyo.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?