"Julia, may emergency sa bahay. Mauna na ko,"nag-aalalang sabi ni Daniel nang may biglang tumawag sa kanya sa cellphone niya. "Bakit? Anong nangyari?"
"Si Papa, inatake sa puso,"sabi nito atsaka ako nilapitan at hinalikan sa noo. Ahh, how sweet! "Ingat ka, ah,"sabi ko atsaka niya ako nginitian bago siya umalis. Wrong timing kung kelan bibirit na ko dun pa talaga umalis si Daniel. What a waste, hindi niya maririnig ang pagka-songbird ko.
Habang naghahanap ako ng sunod na kakantahin, napatingin ako sa wrist watch ko. 4pm na? Hala, oo nga pala. Si Blake, kamusta na kaya siya?
Bumalik ako dun sa hotel and resto nila Blake. Siguro, natandaan nila na kasama ako ni Blake kanina kaya nakapasok ulit ako.
Pagpasok ko sa VIP room kung saan nandoon si Blake, wala na 'to. Pero napansin kong nandoon pa rin yung cellphone niya sa table. Iiwanan ko na lang sana yun eh kaya lang biglang nag-ring. Kaya sinagot ko yung phone call.
"Ahmm, si Julia po ito, friend ni Blake. Wala po siya dito. Mamaya na lang po kayo ulit tumawag,"sabi ko. Then, I ended the call. Nagulat ako nang makita ko yung wallpaper ng cellphone ni Blake. Kilala ko 'to, ah!
Bakit ako ang wallpaper niya? Ampanget ko pa dito. Parang tanga kasi makatingin pa ko sa kisame ng classroom. Huling-huling hindi nakikinig. Bigla akong na-curious tignan ang iba pang mga photos sa gallery ng cellphone niya. Nagulat ako dahil puro pictures ko ang nandoon. Saglit, dahil sa nalaman ko nagkaroroon ng biglaang pagdagsa ng kung ano-anong dahilan kung bakit mga pictures ko ang nasa gallery niya.
I feel my whole body froze as a realization formed in my mind. Napaluha ako. Ako si Julia Santillan, 17 years old. Ako yung babaeng tinutukoy ni Blake all this time.
Ang manhid ko. Hindi ko alam na may nasasaktan ako. Wala akong ka-ideya-ideya. Oh, gosh. What did I do? Bakit sa dinami-dami ng babae ako pa? Saktong paglabas ko sa pintuan andoon yung babaeng nag-ayos sakin kanina.
"Andoon siya sa balcony,"sabi nung babae.
Agad akong pumunta dun sa balcony pero natigilan ako nung hawak ko na yung doorknob. Naaaninagan ko si Blake mula sa salamin dun sa pinto. Sigurado akong mahal ko si Daniel pero hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para kay Blake. Anu ba yan? Bakit ba pinapakumplikado ko ang lahat ng bagay?!
Kaya pala laging andyan si Blake para sakin kasi mahal niya ko. Gaga ko talaga. Ni hindi ko man lang napansin kasi kay Daniel umiikot yung mundo ko.
I took a deep breath as I opened the door.
"B-blake."
Hindi niya ko nilingon. Nakokonsensya ako. Una si Lance, ang sinaktan ng gandang di ko inakala. Ngayon, si Blake naman. Ni minsan di ko naman ginustong mahalin ako ng marami, ha! Makasabing marami eh dalawa lang naman.
Ang gusto ko lang naman ay yung pagmamahal ni Daniel. Umupo ako sa tabi ni Blake bago ibalik yung cellphone niya.
"In the end, she didn't came."
"I'm sorry talaga, Blake..."He looked at me and still managed to smile. "You don't need to say sorry. Hindi mo naman kasalanan kung 'di dumating yung babaeng mahal ko."Nilingon ko siya. I looked straight in his moist black eyes. I can see it. His heart is breaking eventhough his smiling in my face. It's my fault.
"Hwag ka ng malungkot dyan. Look at me, I'm smiling,"sabi niya atsaka niya ko nginitian. Halatang pilit lang ang ngiti niya na yun.
"Pero, Blake, hindi naman lahat ng nakangiti, masaya.."
"I'm not sad --"
Bigla ko siyang niyakap bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. I started to cry. Parang tanga lang ako ang naiiyak para sa kanya, ehh! Ang OA ko talaga.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?