Blake's POV
Bakit ba ang init-init ngayon? Pakiramdam ko matutuyot na ang buo kong katawan. I need to drink some water.
"Blake, patambay dyan. Alam ko may aircon dyan, eh. Ang init kasi sobra,"sabi niya habang nagpapaypay sa leeg niya.
Hindi ko alam kung anong problema at napako ang tingin ko sa collar bone niya. I have a thing for collarbones. It's probably because they are easy to kiss. It's the easiest and least controversial expression of a kind of sex appeal. If you know what I mean.
"Ayoko."
"Dali na? Sobrang init, eh! Matutuyot na ang buo kong katawan dito, eh! Blake, please?"
She's stubborn. Too stubborn. It pisses me off a lot, considering once she makes the choice I can't do anything to stop her.
"Ayoko."
But I'm the one who's crying like a fool when she's broken and yet I don't know how I could able to do shit to help her. She's also stupid, well not like that. I mean she doesn't think right. She'd hurt herself for him and it makes me upset.
Why can't she ever think for herself?
"Hindi ko alam na may kadamutan ka rin pala! Madamot ka. Aircon lang pinagdadamot mo pala? Ganyan ka ba? Aircon lang, hindi nga ko nangongopya sayo kahit pigang-piga na utak ko, eh."
All her imperfections make her perfect. And I am definitely way too attached. Hindi ko pa rin maalis ang mata ko sa leeg niya. Bampira ba ko? Whatever, Blake. But her soft neck is silently calling for me.
Napailing ako nang magsink in sakin kung ano yung biglang pumasok sa isip ko.
"Just do what you want."Atsaka na ko lumabas ng SC office at pumunta ng cafeteria para bumili ng bottled water.
Nadi-dehydrate na yata ako kaya kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Siguro, daihl lang 'to sa pabago-bagong panahon. Noong isang araw ang lakas ng ulan tapos ngayon sobrang init naman. Climate change.
Pagkabili ko ng bottled water, binuksan ko na agad at naglakad na pabalik ng SC office habang nainom.
Pagkabukas ko ng pinto ng SC office, muntik ko nang maibuga yung ininom ko. What the hell is that guy doing here? Ang init na nga ng panahon, andito pa yung lalaking ito na nagpapainit din ng ulo ko.
It's frustrating.
"Why are you here? I don't remember inviting you here."Atsaka ko naglakad papunta sa table ko at umupo dun sa upuan ko.
"Naku naman, Blake. Talagang wala kang maaalala na inimbita mo ko dito kesa hindi naman talaga. 'Ba yan, Blake. Isip-isip din,"sagot ni Lance sakin habang pinapaypayan si Julia.
"Get out."
"Ayoko. Masyado kong gwapo para mainitan sa labas, no? 'Kala mo siguro pumunta ko dito dahil sayo, no? Asa ka, Mr. president. Andito ko dahil naiinitan ako at kailangan ko ng aircon. This is heaven!"
Hindi naman talaga ko naasar dahil andito siya kundi dahil sa posisyon nila ni Julia dun sa ma couch. He was sitting on the other edge of the couch while Julia's legs were on his lap. I say, that's the heaven.
"Blake, hindi ka ba naaawa sa kanya? Ang init sa labas baka ma-heat stroke 'to. Iba-bash tayo sa twitter ng mga fans nito. Ikaw rin baka i-impeach ka!"Nabaling yung atensyon ko kay Julia nung nagsalita siya habang nakatingin sakin.
"Lance, wala na bang ilalakas yang pagpaypay mo? Hina mo naman!"sigaw niya kay Lance.
"O, sige! Ito oh ina-number 5 ko na yung lakas ng paypay ko. Baka tangayin ka, ah!"Atsaka parang tanga niyang nilakasan talaga yung pagpaypay.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?