Chapter 27

2.6K 66 16
                                    

Blake's POV

"Hindi ko talaga siya maintindihan! Nag-drugs yata yun sa Imperial Academy, eh. O kaya naman naalog yung utak niya! I hate him!"naaasar na kwento ni Julia habang naghihintay kami ng masasakyan niya.

"Bakit ganon siya?"tanong niya sakin nang lingunin niya ko. I can see sadness in her eyes. Bakit nga ba ganon siya? Paano ko naman malalaman yun hindi naman ako siya?

"Baka mahal ka talaga niya kaya ganon siya."Napaisip siya sa sinabi ko atsaka niya ko hinampas sa balikat habang natawa. "Hahahahahahahaha! Alam naman natin pareho na hindi niya talaga ko minahal, diba?"sabi niya.

"Oi, yan na yung sasakyan kong jeep!"biglang sabi ni Julia atsaka niya ko hinila sa isang jeep. Sumakay agad siya at hinila ako. Doon kami banda sa dulo nakaupo. Napansin ko habang nagkakalkal si Julia sa bag niya para magbayad, nakatingin lahat ng tao sa amin.

"Julia, pahatid na lang kita sa driver namin,"sabi ko sa kanya kasi ang weird ng tingin samin ng mga tao sa loob ng jeep. "Aish! Ano ka ba? Bisyo na 'to. Sa jeep lang ako sanay sumakay. Sa jeep lang ako hindi nahihilo,"sabi niya habang hinahanap pa rin ang wallet niya sa bag.

"Bayad po pa-abot,"biglang sabi ni Julia nang makuha niya na ang wallet niya. Agad siyang tinignan ng lahat ng mga nakasakay dun. "Naku, iho't iha, bumaba na kayo,"sabi ng isang middle aged na babae. "Ha? Teka, bakit naman po ganyan? Magbabayad naman kami, eh,"angal ni Julia.

"Family outing kasi namin 'to,"pagkasabi na pagsabi nun nung ale. Tumawa si Julia. "Hahahahahahaha! Sorry po! Sige bababa na kami. Peace!"Atsaka niya ko hinila pababa ng jeep na yun. Nakakahiya naman yun.

"That was embarassing."

"Oi, arte, ah. Tara na nga, mag-abang pa tayo ng ibang jeep yung hindi pang family outing,"natatawa niyang sabi. "Alam mo mag-taxi na lang tayo. Libre ko,"yaya ko sa kanya.

"Aish. Hindi pwede. Jeep lang dapat!"nakakunot-noo niyang sabi. Ano bang meron sa jeep ang gustong-gusto niya laging sumasakay dun? "Bat ba gustong-gusto mong sumakay ng jeep?"hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Naku-curious lang ako.

"Maliban sa hindi ako nahihilo sa jeep kasi alam mo yung papa ko jeepney driver yun. Pakiramdam ko kasi balang araw makikita ko ulit siya kapag sumakay ako sa jeep,"nakangiti niyang kwento sakin.

"Ganun ba. Simula ngayon kung kailangan mo ng kasama kapag sasakay ka sa jeep, tawagin mo lang ako."


Julia's POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa gate ng school, natigilan agad ako. Bakit ang ingay? Anong meron naman? Mukhang busy ang mga estudyante. Aish. Ano bang paki ko sa kanila ang mahalaga tumaas ang mga grades ko!

"Hello!"bati sakin ng isang lalaki. "Anong kailangan mo?"mataray kong tanong. "Hehehe.. Ano kasi pwede bang mahingi number mo?"Mukhang kinakabahan na nahihiyang tanong nung lalaki. "Hindi pwede. "Atsaka ko siya nilagpasan. Sa dinami-dami ng babaeng kasabay kong naglalakad dun, number ko talaga hiningin niya?

Biglang tumakbo papalayo yung lalaki na mukhang tanga. Labag yata sa kalooban niya talaga ang hingin ang number ko. Well, I don't care. Hindi ko naman kawalan yun.

"Ikaw! Julia Santillan! Tama, ikaw na lang!"sabi ng class vice-president namin. Tinuro ko yung sarili ko para makasiguro although alam kong ako lang naman ang may pangalang Julia Santillan dito.

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon