Chapter 48

742 29 4
                                    

Julia's POV

Hindi.

Oo.

Hindi.

Oo.

Hindi nga kasi! Ayaw kong pumunta dun! Bakit ba nangingialam ka? Dahil sa katangahan mo kaya tayo nasasaktan, eh. Siguro kung nakakapagsalita lang ang isip at puso ko ganyan ang sagutan nila.

Alam mo napaisip ako, eh.

Sisiputin ko ba si Daniel o hindi? Okay, sige. Aaminin ko, medyo naliwanagan ako nung kinausap ako ni Kath. May point siya, napakaraming points. Kung iisipan parang mga engot lang kami nito. Hay. Hay. Hay, buhay.

Kung tutuusin, mas dapat kong problemahin kung saan kami kukuha ng pangcollege ni Mama, eh. Naku, Julia. Wala ka ng pag-asa talaga.

Hapon nang tawagan ako ni Mama, sabi niya pauwi na daw siya. Syempre, natuwa ako dun. Hindi na ko mag-isa sa bahay.

Okay, sige. Pag-iisipan ko, tutal Sabado ng hapon palang naman, eh. Marami pang oras para mag-isip ng mag-isip ng mag-isip.

Kumain ako ng maaga atsaka ko umakyat sa kwarto ko para dun mag-isip. Mas feel ko sanang mag-isip habang nagsha-shower, eh kaya lang wala kaming shower. Tabo-tabo lang kami. Nakakawalang-ganang mag-emote-emote kapag ganun, hassle pa.

Humiga na lang ako sa kama ko habang tulala sa kisame, hinihintay na mahulog yung butiki dun. Yung mga poster ni Daniel, wala na. Basta lahat ng mga bagay na may mukha niya dito sa kwarto ko, wala na. Binigay ko dun sa nangangalakal.

Ang hirap ng ganito. Nai-stress ang beauty ko. Wala kong ganan magkikilos. Sana dumating na sila mama bukas para makahingi ako ng advice sa kanya.

Si Mama kasi, eh. Dapat hindi niya na ko kinunsinti sa kabaliwan ko kay Daniel.

Akala ko makakatulog ako ng matiwasay kapag tinitigan ko lang ang butiking kasama ko ngayon na nasa kisame namin. Hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang mukha ni Daniel.

Alas-tres ng madaling araw na ako dinalaw ng antok nang magbago ang isip ko. O, sige na nga. Makikipagkita na ko kay Daniel.

Daniel's POV

6:30 am ng Sunday, nagising ako. Hindi muna ko tumayo sa kama ko, nakahiga lang ako dun habang nakatingin sa kawalan.

Sisiputin ba niya ko?

Iyon ang katanungang naglalaro sa isip ko. Ilang saglit pa, hindi na ko nakatiis. Tumayo ako atsaka nagsuot ng T-shirt para bumaba at mag-almusal. Hindi ko na kayang tiisin ang gutom ko. Hindi ako makapag-isip ng matino kapag ganitong gutom ako, eh.

Pagbaba ko, gising na ang mga yaya kaya nag-utos ako sa kanilang gawan ako ng almusal habang nakatayo sa glass door palabas sa swimming pool.

Habang nakatingin ako sa swimming pool, naaalala ko si Julia nung muntik siyang malunod.

Natapos na nilang lutuin ang almusal kong bacon at fried rice nang umupo ako dun sa breakfast counter, pagtingin ko sa pagkain may naalala na naman ako. Nakakita lang naman ako ng pagkain pero bakit naaalala ko si Julia? Huh, siguro kasi mahilig sa pagkain yun kaya ganun.

Nang makita kong husgahan ng katulong namin yung kawaling pinagprituhan ng bacon, naalala ko na naman si Julia. Naalala ko siya hindi dahil sa mukha siyang kawali o ano. Naalala ko lang nung pumunta ko sa bahay niya tapos hinampas niya ko ng kawali sa ulo. Naghahanap lang naman ako ng magandang panonoorin nun. At dahil naaalala ko yun, parang kumikirot yung pinaghampasan niya sakin.

Pagkatapos kong kumain, umakyat ulit ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin, para bang lutang na lutang ako ngayon. Pakiramdam ko, wala sakin utak ko ngayon para bang zombie lang akong naglalakad dito.

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon