Chapter 31

2.3K 69 18
                                    

Julia's POV

"So, tayong dalawa na lang ngayon dito sa loob ng cabinet, Julia."

"Anong gusto mong palabasin, ah?"

"Tayo talaga ang para sa isa't-isa."Oo, medyo madilim sa loob pero naaaninag ko pa ang mukha ni Daniel. Nagulat ako nang bigla niyang itukod yung dalawa niyang kamay sa magakabilang gilid ng ulo ko.

"I hate you,"sambit ko.

"Nah, you love me."

Don't tell me he's planning something?!

Papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. O, Daniel, ano bang ginagawa mo sakin?

Hinawakan ko siya sa dibdib para pigilan yung paglapit niya sakin. Medyo nanginginig pa yung kamay ko pero hindi o dapat ipahalata iyon.

"H-hwag kang lalapit.."Nang huminto siya sa paglapit sakin, halos magdikit na ang mga ilong namin. Please, sana matapos na yung seven minutes! Ayoko nang ganito. Pakiramdam ko lahat nang pinaghirapan ko para kalimutan si Daniel nasasayang.

"E, pano ba yan onti na lang magdidikit na yung mga labi natin?"mahina at mabagal niyang sambit. I could feel the warmth of his breath against my lips. Parang nanghihina ako. O, tukso, layuan mo ako!

"Alam mo bang matagal ko nang gustong mahalikan ulit ang labi mo?"bulong niya sakin. Nakakapangilabot para bang anytime bigla kong bibigay.

"Please, layuan mo ko.."

"Bakit mo ba pinahihirpan ang sarili mo? Tayong dalawa na nga lang dito, maglolokohan pa ba tayo?"Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniharap niya ko sa kanya. Nakakapaso ang init ng palad niya para bang tinutunaw nito ang galit sa puso ko.

Tinignan ko siya sa mata. He's like a predator looking at his prey. Nakakapanghina.

Mula sa pisngi ko, naramdaman kong dumausdos pababa ng balikat ko ang mga kamay niya. Habang tinitignan ko siya, nararamdaman ko na naman ang pamilyar na mabilis pagtibok ng puso ko. Nakakawindang.

I felt my whole body shiver as he gently brushed his warm lips against mine. I was too overwhelm by the tingling sensation as he kissed my lips.

At ayun nga. Nagpadala ako sa halimaw na 'to.

" okay, time's up!"

ASRFGYRRUKKFDD.

Agad kong tinulak si Daniel kaya napasandal siya sa kabila. Ano bang ginawa ko? Napaka-unfair para kay Blake. Kasi, e! Ba't ba ko lumandi? Nagpapaligaw ako tapos magpapalandi ako? Ayoko ng ganito. Kailangan mawala na nang tuluyan ang bwisit na pakiramdam na 'to.

Hindi ko alam kung tama ba talaga 'tong pinaggagawa ko? Pakiramdam ko sinasamantala ko ang kabaitan ni Blake sakin. Masyado na kong baon sa utang na loob sa kanya.

Sa tingin ko, dapat matagal ko nang ginawa 'to, e. Agad kong nilapitan si Blake.

"Blake,"tawag ko sa kanya at nilakasan ko. Nang masiguro kong nakatingin si Daniel, lumuhod ako sa nakaupong si Blake na mukhang nagtaka sa ginawa ko.

"Ba't ka nakaluhod nyan? Dito ka sa tabi ko,"sabi niya.

Daniel's POV

Pagkababang-pagkababa ni Julia nung buksan yung cabinet, nilapitan niya si Blake. "Blake,"tawag niya dito. Ugh. Okay lang, atleast naka-score ako kanina sa cabinet sa kanya.

Kung alam niyo lang kung gaano ka -intense yung pagdadasal ko kanina nung paikutin niya yung bote para huminto yun sakin. Bigla-bigla akong naging madasaling tao.

Napa-angat ang isa kong kilay nang bigla lumuhod si Julia sa harap ni Blake. Kung pwede lang ikulong si Blake sa cabinet na yun para masolo ko na si Julia, e.

"Ba't ka nakaluhod dyan? Dito ka sa tabi ko,"sabi ni Blake. Napakuyom ang magkabila kong kamao dahil sa selos. Intense talaga.

Pakiramdam ko may mali sa ginagawa niJulia. Pakiramdam ko lang yun, a.

Halos lumuwa ang eyeballs ko nang makita kong magmano si Julia sa lolo. Joke. Pero nabigla talaga ko nang makita kong halikan ni Julia si Blake. Hindi sa noo. Hindi sa pisngi. At lalo nang hindi sa kamay para magmano.

She kissed his lips right in front of us. In front of my very own eyes.

Kulang na lang bumaon ang kuko ko sa palad sa sobrang pagkakuyom ng kamao ko. Masakit, e. Ganun pala yun. Ganito pala katindi.

Napasinghap ang lahat. Nagulat ba. Bigla kong naalala yung sinabi ni Kath na si Blake at Julia na. Akala ko gawa-gawa niya lang yun pero hindi pala.

Nakabilog na kaming lahat. Pwede bang manapak?! Tanong pa rin sila ng tanong kung sila ba talaga. Fck.Na-itchapwera ako.

Ganito dapat ang tinatanong nila ngayon, e.

"Uyy, Julia! Anong ginawa niyo ni Daniel dun? At bakit kalat na yung lipstick mo?!"

"Naghalikan ba kayo? Umamin ka!"

Wala, e. Si Blake ang lumabas na bida. That should be me.

"Oi, tama na yan! Game na ulit tayo!"sigaw ni Hannah.

"Daniel, ikaw magpaikot ng bote,"sabi ni Hannah. "Whatever."Atsaka ko pinaikot yung bote na yun.

-Ting-

At kay Blake huminto. Ugh. Sana dun sa pinakapanget na kasali ngayon huminto yung kanya. Tinanggal niya pa yung suot niyang salamin bago niyang paikutin yung bote. Pauso niya.

-Ting-

Napatingin ako kay Kath. Nagulat din siya kasi sa kanya huminto. Napairap naman si Blake. Kabaklaan.

"Ako?!"gulat na sabi ni Kath. "Malamang, sayo nakatapat yung bote, diba?"sagot ni Blake. "Ang bad mo,"sagot naman ni Kath atsaka siya tumayo at hinila si Blake patayo. Kelan pa sila naging close nang ganyan?

"Bitawan mo ko. Kaya kong tumayo mag-isa,"sabi ni Blake tapos binitawan din siya ni Kath. "O, masaya ka na. Binitawan na kita, a,"natatawang sabi ni Kath.

On the second thought, bagay sila. Pauso ko? Shipping Blake to Kath so I can get him out of the picture? Baliw.

Pumasok ka sila sa loob ng cabinet at ni-lock na yun. Hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakaupo ko at ganun din si Julia.

"Psst!"sitsit ko. Lahat ng ibang kasali nakapalibot dun sa cabinet. Kaming dalawa ang naiwan ni Julia dun.

"Psst mo mukha mo."

"Julia,"tawag ko. Tinignan niya ko. "Kelangan mo?"mataray niyang tanong. Magi-emo ako kaya walang kokontra.

"Alam mo bang nasaktan ko sa ginawa mo?"mahina kong sambit. Alam ko nabigla siya sa sinabi ko.

"Nasaktan? Daniel, nagpapatawa ka ba? Hindi ba, ikaw 'tong mahilig manakit sa'ting dalawa?"sarcastic niyang sabi. Sa tuwing sinasabihan niya ko ng ganyan hindi ko maiwasan masaktan.Tama, hindi ko lang pinapahalata.

"Oo, alam ko nasaktan kita at isa akong tanga. Kasalanan ko naman lahat, diba?"

"Oo, kasalanan mo lahat,"sambit niya. It's my fault why everything has fall into pieces. I'm a coward.

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon