Daniel's POV
"O, Daniel, ba't ka napadaan dito, iho?"Biglang tanong sakin ng mama ni Julia. Oo, mama ni Julia. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi dumadaan dito. "Bakit, ma? Ayaw niyo na po bang makita ang gwapo kong mukha?"biro ko.
"Ikaw talaga, Daniel! Palabiro ka. Kamusta? Bakit parang hindi ka na nakekwento sakin ni Julia?"
"Hmmm. Alam niyo na po yun, diba?"Nakwento ko na yun sa kanya, e. Everything down to the smallest details. Buti nga hindi ako na sampal ni Ma nung nalaman niya yung kalokohan ko kay Julia. Hindi alam ni Julia na sobrang close na kami ng mama niya. Seryoso kasi ako sa kanya. Ayoko namang dahil lang sa tinutulungan ko ang mama ni Julia kaya babalik siya ulit sakin. Gusto ko kapag babalik siya sakin dahil mahal niya pa rin ako, hindi dahil sa utang na loob, awa o kung ano pa man.
"E, diba po sila na ni Blake, ma?"
"Ay, oo nga pala. Ba yan. Makakalinutin na ko, sayang naman ganda ko."Napatawa ko. Ganitong-ganito mga banat ni Julia, e. Like mother, like daughter. "Pero, hwag kang malungkot, anak. Mas boto ko sa'yo. Oo, gwapo rin si Blake pero mas palagay ang loob ko sa'yo talaga. Ang sweet mo pa sakin parang ako si Julia,"natatawang sabi ni Ma.
Sanggang-dikit kami nitong ni Ma. Mas okay pa nga siya kesa sa Mama ko.
"Thank you po pero talaga, ma. Hindi ko po talaga makakalimutan yung pumunta ko dati sa bahy niyo, sabi niyo po sakin mukha kong bading. Grabe po, ah?"Hinding-hindi ko talaga nakalimutan yun. Gabi-gabi naaalala kong may isa nang taong nagsabing mukha akong bading.
Tawa siya ng tawa sabay hampas pa sa balikat ko. Hindi pa ba ko masasanay? E, si Julia rin mahilig manghampas sakin yun, e.
"Ma, tulungan ko na kayong magtinda para hindi na kayong gabihin. Kawawa naman si Julia baka nalulungkot na yun sa bahay."Masarap naman 'tong mga lutong ulam ng mama ni Julia, e. Minsan nga dito ako nakain, mas matino pa kasing kasama yung mama ni Julia kesa sa magulang ko.
"Miss, bilhin niyo na 'tong luto ni Ma, masarap 'to. Promise, hindi kayo magsisisi!"page-endorse ko. Para sa mama ni Julia, ginagawa ko 'to. "Sing sarap mo, kuya?"kinikilig na tanong nung babae na mas bata sakin. I think she's a sophomore highschool student. Napataas ang isa kong kilay sa narinig kong sinabi nung bata na 'to.
"Hehehehe. Joke lang, kuya! Sige, dahil gwapo po kayo bibilhin ko na!"Ayun naman pala. Ang bata-bata palang, e.
"Daniel, talaga! Kaya botong-boto ko sayo, e! Gwapo na, mabait pa. Pero yari ka sakin kapag pinaiyak mo ulit si Julia,"pananakot ng mama ni Julia. Well, she likes me for her daughter. Ganon talaga dapat nililigawan muna yung mga magulang para ipakita na may respeto ka at maganda ang intensyon mo.
"Daniel, sige. Uwi na ko! Bye, ingat ka,"sabi ni Ma sabay beso. I waved her goodbye. Napapaisip tuloy ako bakit kaya hindi na lang kagaya ng mama ni Julia, ang mama ko?
Julia's POV
"Hindi ba sabi ko sayong ayokong makikipag-usap ka sa ibang lalaki?"Ano na naman 'tong, pinagsusungit ni Blake.
"Problema mo?"tanong ko.
"Ikaw. Ano ba, Julia! I'm not joking here. Saang banda ba sa sinabi kong wag kang makikipag-usap sa ibang lalaki except sakin ang malabo pata sa'yo?!"One week na kami, and he was already acting like this. Hindi ko ba alam kung masyado siyang takot na maagaw ako ng iba, e. Mas malala pa siya sa tatay ko!
"Actually, lahat. Hindi malinaw sakin. I mean hindi mo ko pwede bawalang hindi makipag-usap sa ibang lalaki except sayo. Anong gusto mong gawin ko kapag tinanong ako ng teacher nating lalaki o kaya ng mga classmate nating lalaki? Mag-sign language? Isulat sa papel?"natatawa ko sa kanya. He's so possesive. Hindi naman ako basta-bastang mai-inlove kapag kumausap ako ng isang lalaki, e. Haler.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?