Chapter 22

2.7K 68 13
                                    

Daniel's POV

"Kung mahal mo talaga ko, hindi mo ako sasaktan.."sambit niya habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Umiiling ito habang umiiyak. Tinalikuran niya ko atsaka naglakad papalayo. Hindi pa rin natila ang ulan. Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Sinundan ko siya. Alam ko kasalanan ko kasi pumayag ako sa pustahan na yun.

Lalapitan ko na sana siya kaya lang napahinto ako nang makita kong payungan siya ni Blake. Habang tinitignan ko sila, hindi ko napnsin na pinayungan rin pala ako ni Kath.

"Are you happy now?"

"K-kung mahal ka niya, paniniwalaan ka niya, Daniel."

"If you love me, you wouldn't do this bullsht, Kath."

Atsaka ko siya iniwan doon. Damn it. Tama nga, pustahan lang yun nung naglaro kami ng DOTA dati.

"Ito usapan, ah? 'pag natalo si Daniel, liligawan niya si Kath para masaya pero 'pag si Aldin natalo, parada ng naka-boxers sa Ashford tutal sabi niya naman macho daw siya, eh! Edi, pagbigyan!"sabi ni Kyle.

"Ungas. Bakit si Kath? Dapat si Julia para mas masaya. Yung loveletter girl dapat!"sabat naman ni Kurt.

"Oo nga, no? Si Julia dapat para dream come true na rin para sa kanya. Hahahahahahahaha! Syempre, dapat bigyang pangaral ang kalakasan ng loob niya, no! She poured her heart out writing that loveletter. Kaya pasayahin naman natin kahit papano, diba?"pag-sang-ayon ni Aldin.

Nag-thumbs up silang tatlo tapos pinagdikit-dikit nila yung mga hinlalaki nila.

"Ano? Deal? O duwag ka, Daniel?"sabi ni Aldin.

"Whatever. Basta 'pag natalo kita, paparada ka ng naka-boxers sa Ashford."

"Call."mayabang na sagot ni Aldin.

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng maid namin, agad kong nakitang naghihintay sila Mama at Papa sa sala. Hindi ko sila pinansin atsaka ko nagdire-diretso.

"Daniel,"tawag ni Mama.

Hindi ko siya nilingon.

"Daniel, tinatawag ka ng Mama mo. Hindi mo ba narinig, ha?"sabi ni Papa.

Napilitan akong lingunin sila.

"Bakit?"

"Dont tell me, you're acting like this because of that girl?"tanong ni Papa.

"So, what if I am, Dad? Minsan na lang nga ko sumaya, pinipigilan pa. Dad, are you happy now? I just drove her out of my life? Are you contented that you take away my happiness?"

"Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng 'yon, ah? Ang bastusin ang magulang mo?"sabi ni Mama.

"Hindi, Ma. Alam niyo ba kung anong natutunan ko sa kanya? Iyon magpakatotoo sa sarili ko. Mabuti siyang tao. Natatawa nga ko, malay ko ba kung bakit siya concern sa inyo lalo na sayo, Dad nung atakihin ka sa puso. She's a very selfless person unlike you. Kung wala na kayong sasabihin, aakyat na ko."

Hindi na sila nagsalita kaya umakyat na ko. Kakatapos ko lang magbanlaw nang may kumatok sa pinto.

"Daniel, ikaw yung papalit kay Blake para maging exchange student sa Imperial Academy. Sana naman maliwanagan ka habang nandon ka,"boses iyon ni Mama.

Julia's POV

"Julia, umiiyak ka ba, ha?"rinig kong tanong ni Mama nang katukin niya ang pinto ng kwarto ko. Ang lakas naman ng pandinig ni Mama. "Hindi, Ma. Nasinghot lang ako, tulo kasi nang tulo yung sipon ko."Kahit wala naman talaga kong sipon, gumaling agad ang init-init kasi kanina. Buti na lang nanglibre ng ice cream si Blake kanina atsaka pinatambay niya ko sa SC.

"Ah, ganon ba, anak? Isinga mo 'yan para hindi pabalik-balik. Hwag kang suminghot-singhot dyan baka mamugto mata mo bukas. May Balangayan Camp ka pa naman bukas, diba?"

Bakit ba kasi ako umiiyak?

"Uyy, kasama rin pala kayo dito?"sambit ko nang makita ko sila Blake at Lance. At biruin mo nga naman, andito rin sila Daniel at Kath.

"Syempre naman!"

Alam ko na ako mismong nagsabi na ayaw ko na, diba? Pero sa totoo lang, niloloko ko lang yata ang sarili ko, eh. Sabi ko ayaw ko nang masaktan pero hindi maalis ang tingin ko kay Daniel.

"Hindi ka mabubusog kakatingin sa kanya,"boses iyon ni Blake.

"Aiishh... Tama, tara kain na tayo!"Atsaka ko tumayo. Pagkatapos naming kumain, hindi ko namalayan na gabi na kasi parang tanga kong pinapanood ang bawat galaw ni Daniel.

Bakit ba kasi habang tinitignan ko siya lalo siyang gumwagwapo?

"Julia!!"Nilingon ko yung tumatawag sakin. Si Lance nakaway habang tumatakbo papalapit sakin. Nakakahiya naman kung makatawag 'tong si Lance sakin kulang na lang i-broadcast yung pangalan ko. Megaphone na lang kulang.

"Oh, bakit? Wala kong candy,"sabi ko.

"Lower your voice,"saway ni Blake kay Lance.

"Ano ka ba kanya-kanyang volume ang boses ng mga tao, Blake? Ako yung maximum tapos ikaw yung pa-kyeme. Sus, tingin mo sa sarili mo? Quiet type?"Iyan na naman sila.

"Oi, Julia, may party-party sila dun, oh! Sayawan! Tara, sali tayo? Iwan natin si Blake, KJ 'yan ,eh!"yaya ni Lance atsaka niya ko hinila papunta dun.

Pagkalapit namin dun, mukha ngang masaya yung mga tao dun.

Daniel's POV

Alam kong nakatingin siya sakin kanina pa pero ngayon hindi na. Niyaya kasi siya ni Lance dun sa mga nagsasayawan na mga estudyante.

"Daniel, galit ka pa rin ba sakin?"tanong ni Kath atsaka siya umupo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin imbis ay nag-earphones ako.

Pumwesto ako malapit dun sa mga nagsasayawan. Now, its my turn to stare at her. Its my turn to watch her. Kahit malayo ako, nakikita kong masaya siya at natawa pa. Maraming tao doon pero siya lang ang nakikita ko habang nasayaw siya don.

Underneath the moonlit stars, there she was, dancing. I never realized how beautiful the stars were, until I saw her dancing under them.

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon