Hindi ko alam kung pano ko nagawang muling makasakay sa bus. Basta, ang alam ko nabiyahe na kami ngayon para sa resort na pagpapalipasan namin ng gabi. Tapos na rin naming puntahan ang iba't- ibang mga factory at mga museum na bago mo mapuntahan susuong ka muna sa mga kweba at putikan.
"Julia, pagod ka na ba?"tanong ni Blake sakin. "Medyo pero masaya pa rin!"Grabe, ganito pala ang feeling magfield trip, no? "Ako din, eh pagod na,"sabi ni Blake. "Ano naman kung pagod ka? Kelangan i-broadcast?"biglang parinig ni Lance. "I'm not talking to you. Will you mind your own business?"sagot naman ni Blake.
"Uyy, tama na'yan, guys. Pareho naman kayong gwapo, eh kaya cool lang kayo dyan, ah?"pagaawat ko sa kanila.
Napatingin sila pareho sakin.
"Anong sabi mo?"sabay nilang tanong. Sa wakas, nagkasundo rin sila kahit papano. "Ang sabi ko, huwag na kayong mag-away kasi pareho naman kayong gwapo. Ang bingi niyo, friend!"
"Talaga?"tanong ni Lance.
"Oo naman talaga, eh. Mukha ba kong sinungaling?"Abot-tenga ang ngiti ni Lance bago siya muling tumingin sa bintana. Si Blake naman, napaiwas lang ng tingin. Wow, ang galing kong mag-awat ng nag-aaway.
"Nakakangawit,"mahina kong sabi nang muli akong umayos ng upo dahil di ako makatulog ng maayos. Kahit na ginawa ko ng unan ang bag ko. Kangawit sa backbone!
Pagkatingin ko kay Lance, tulog na tulog habang naksandal dun sa bintana. Pagtingin ko naman kay Blake, naka-crossed arms habang nakapikit. Wow, cool and serious pa rin ang dating kahit tulog.
Sinilip ko si Daniel, nagsusulat siya. Si Kath naman, tulog rin. Ano kayang sinusulat ni Daniel? Nagalit kaya siya sakin dahil sinapak siya ni Lance? Gusto kong mag-sorry dahil sa eskandalong ginawa ko kanina. Siguro, hindi niya naman talaga tototohanin iyon, diba?
Alam mo naman na sa panahon ngayon pati lalaki pagbago-bago na rin ng isip.
Past 7:00 pm na kami dumating sa resort. Kahit madilim na, makikita mo pa rin ang mgga magandang tanawin sa lugar na iyon. Nagsibabaan na kami ng bus, dala-dala yung mga bag namin. Tinulungan ako nila Lance at Blake na magbuhat ng bag. Dalawa kasi ang dala ko so tig-isa na lang sila.
Ka-share ko sa room si Kath kung suswertihin nga naman, oh! Palabas na ko ng room, shet! Nasa playboy party ba ko??
Omygosh.
Nagpakaswinwear na silang lahat at yung iba nagtatampisaw na sa tubig. Napatingin ako sa mga sexy at revealing nilang suot sabay tingin sa suot ko.
Tingin ulit sa kanila.
Sa akin naman.
Bravo, ang manang ko! Pano ba naman ang suot ko yung T-shirt dati ni Mama na super XL tapos shorts. OP ako dito, ah. Ako na lang ata ang natitrang kahit papano ay medyo conservative? Papunta na ako sa isang bakanteng cottage para dun maupo nang banggain ako ni Kath.
"Aray!"sabi ni Kath.
"Ikaw pa talaga um-aray, ah? Ikaw naman 'tong maliwanag na bumunggo sakin,"hindi ko mapigilang sabi. Paano ang arte kala mo nabunggo ng MRT dyan!
"Anu ba yan! Kasi ang mga tulad mo, hindi dapat pakalat-kalat sa daan. Ang dapat sayo itinatapon sa dapat mong kalagyan!"
"Gardo, Aldin, you know what it is!!!!"utos ni Kath sa kanila habang nakaturo pa sa kung saang parte ng planeta. Hinawakan ako ni Gardo sa kamay tapos si Aldin naman sa paa. Binuhat nila ako papunta sa swimming pool atsaka ako hinagis.
Shet. Hindi ako marunong lumangoy! Pagbagsak ko sa swimming pool, sumayad ako sa tiles sa ilalim. At kung papalarin ka nga naman, sa 7ft ka pa talaga hinagis!
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?