Julia's POV
At nakaalis na nga si Mama, bago siya umalis ay pinuno niya ng pagkain ang aming ref atleast hindi ako tag-gutom sa bahay. Mas nakahinga pa ko ng maluwag nang mag-iwan rin si Mama ng pocket money ko. Yes!
Bago pa nga umalis si Mama, may iniwan pa siyang makabagbag damdaming 'words of wisdom kuno-kuno' niya.
"O, Julia, eto pera. Tipirin mo, hwag kang makikipaglaro sa mahihirap, ah."
"Ewan, ma. Ano ko haciendra? Heiress ng isang malaking kompanya?"
Ewan ko kay Mama, ang dami niyang mga pakulo na ganyan. Hindi ko alam kung saan napupulot ni Mama yun, eh. Siguro, nababarkada si Mama sa mga indera dun sa palengke na marami ring hinanakit sa buhay. Ewan ko ba kung bakit ngayon ko pa naalala yun. Siguro namimiss ko lang si Mama.
"O, sige, uwi na ko,"sabi ko nang matapos ko na ang part na nakaatas sakin sa group project namin.
"Ingat!"
Tinext ko si Blake na uuwi na ko. Pano sabi niya text ko daw siya kapag ganun. Ulirang ama lang. Pano hindi pa rin ako makahanap ng magandang timing para hiwalayan siya. Nakokonsensiya kasi akong gawin iyon, lalo't pa't alam ko na may sakit siya. Nakakatakot lang kasi baka ito ang pag-awayan namin ni Daniel.
-Sige, umuwi ka na agad sa inyo. Hindi kita ihahatid, may ginagawa ako.-
Yes. Hahaha. Buti naman at hindi niya ko ihahatid baka mamaya masigawan o kaya masampal niya na naman ako. Kulang na lang magkakalyo ang pisngi ko sa mga sampal niya, eh.
Nagpupusod ako ng buhok ng may tumawag sakin, papunta na kong labasan nun. Actually, nag-feeling lang ako na ako yung tinawag, feel ko lang lumingon rin.
"Miss!"
Lingon naman din ako. Oo, feelingera ako. Isang babaeng nasa mid-30s ang nag-approach sa isang girl na student din dito.
"Yes po?"sabi nung girl na student.
"Hija, kilala mo ba si Blake Dela Cruz? By any chance, alam mo ba kung sino at nasan ang girlfriend niya?"tanong nung babae. Eek! Ako yata ang pinaghahanap niya?! Bakit? Anong atraso ko! Tatalikod na sana ko kasi ayokong makita nila ko.
"Ay, opo. Si Julia po. Kaya lang, I don't-- Ay! Ayun po siya, oh! Yung papalabas na."
Putek.
"Hija, saglit!"Tatakbo sana ko kaya lang napansin na ko bago pa ko makatakas. Oh, man. Edi, nilingon ko na yung babae. "Hehe. Yes po? Ano pong kailangan niyo?"tanong ko nang nakasmile. "Ay, yes, ako po si Julia. Girlfriend po ni Blake,"pahabol ko.
"I really went here to see you, hija. May mahalagang bagay sana kong sasabihin sa'yo about my son."Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Why is she doing this? At ano namang connect ko sa mahalagang bagay na tungkol kay Blake? Ano ko, some sort of missing link? Aminin, medyo kinakabahan ako sa important na bagay na sasabihin niya sakin. Ano ba kasi yun!
"Ay, naku, hwag na po. I think I won't be much of a help kahit malaman ko pa po yan,"tanggi ko. Syempre, kunwari nahihiya muna. Hindi naman kami close, eh. "Please, hija? Kailangan ko sabihin sa'yo 'to, can you come to our house?"pakiusap niya.
Hindi ako bibigay. Hindi ako bibigay. Baka mamaya, sindikato lang siya tapos ako talaga ang target nila kaya alam nila ang mga tungkol sakin!
"O, sige po!"excited ko pang sabi. Wala, eh bigla kong naalala na mayaman sila Blake baka pakainin ako dun. Hindi. Seryoso, nababahala na rin ako kay Blake kasi. Wlang kasiguraduhan na hindi siya mananakit ng ibang tao kapag nagalit siya sa school. Pano kung hindi ako ang kasama niya?
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Novela JuvenilSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?