Chapter 25

2.6K 70 18
                                    

Julia's POV

"Julia, alam mo kung mag-aaral ka nang mabuti, magaling ka,"sabi ni Blake sakin habang sinosolve ko yung problem na binigay niya sakin.

"Talaga?"

"Oo kasi sa tingin ko, hindi ka lang nakakapag-focus sa mga lesson kaya ka nabagsak sa mga exam."Atsaka ko iniabot sa kanya yung notebook ko. Sabi ko na nga ba, distraction lang sa pag-aaral ko yung pag-ibig na yan, eh. Aalisin ko na si Daniel sa sistema ko! Nang tumaas-taas naman kahit papano yung grades ko.

"And I think you are really a strong woman. Just believe in yourself, Julia."

"Bye, Ma! Pasok na kong school."So, eto na ang moment of truth! Nakalimutan ko na siya. Masaya na ko. Kaya na naman pala, eh. Matapang na ko. Hindi na ko papayag na aapi-apihin ako dahil wala silang karapatan!

Papasok na ko ng classroom, may kumpulan don. At walang dudang dahil kay Daniel iyon dahil ngayon ang balik niya ngayon sa Ashford. Isa buwan na mula nang putulin ko ang ugnayan ko sa heartless na lalaking iyan. Oo, bitter ako sa kanya. Eh, nasaktan alangan naman magpa-party pa ko?

Pagka-apak na pagka-apak ng paa ko sa loob ng classroom, nilingon nila kong lahat. Ay, taray. Head turner lang ang peg ko. Alam ko hindi nila expected ang pagbabagong naganap simula nung last month.

"Oi. Julia! Hindi mo ba ko yayakapin dahil nakabalik na ko?"What the eff?! Tama ba ang rinig ko sa sinabi ng walang hiyang lalaki na 'to?

"Aish. Ano ba? Andyan naman yung mga fangirl mo, oh. Ba't hindi ka sa kanila magpayakap?"atsaka ko siya nilagpasan. Ano bang gusto niyang palabasin? Sus. Isang buwan ka nang huli! Tapos na ang chapter ko sa buhay niya. Tama nang pinaasa ako ng isang beses.

"Sungit. Kami na lang yayakap sayo, Daniel!"sabi nila sakin. At ayun, group hug.

"Dela Cruz- 50, Ordonez- 50.. Wow. Totoo ba 'to? Santillan- 46..."Teka? Tama ba rinig ko? 46 out of 50 ako?! Shet, nagbunga yung pakikinig ko sa klase pati yung pag-rereview ko. Siguro nga, si Daniel talaga distraction sa pag-aaral ko. Kasi kapag andyan siya, sa kanya tuloy ako nakatingin buong klase. Hay, naku.

"I'm sure kumopya siya kay Blake. Jusko, halata naman, diba?"parinig ng isa kong classmate sa sakin. Anu ba yun. Akala ko titigilan na ko ng mga basher kapag nilayuan ko na si Daniel.

"Wow. Ang galing niyo naman, classmate. Kasi alam niyo review-review rin, hwag puro daldal, ah?"nakangiti kong sabi sa kanila. Edi, ayun natahimik sila. Actually, um-absent si Daniel ngayon. So sad naman kasi hindi niya makita na isa ko sa mga highscore sa exam.

Baka magulat siya dahil yung babaeng dating humahabol sa kanya na laging bagsak sa mga exam, eh tignan mo ngayon. Lagi nang highscorer sa mga test at higit sa lahat, wala nang feelings sa kanya. Oo, tama kayo nang rinig. Natauhan na ako sa sinabi ni Blake sakin.

Sa isang buwan na pagkawala ni Daniel sa school, doon ko na-realize na hindi naman pala ganoon kalungkot kapag wala siya. Hindi talaga ko nalungkot kasi kahit saan ako tumingin sa kwarto ko may mukha niya, eh.

"Julia, are you listening?"tanong ni Blake sakin. "Ay, sorry."May debate kasi kami ngayon. Yung topic na pagtatalunan is about kung okay na bang magka-syota daw sa edad namin ngayon o hindi.

"So, class. Start na natin yung debate, ah. Una, yung mga pro."Which is yung kabilang panig na kabilang si Daniel. For sure, maraming relate dito at isa na ko dun.

"Sa panahon, ngayon okay na sa mga estudyante ang magka-syota kasi nasa makabagong panahon na tayo, haler?"pag-uumpisa ng mga pro.

"Ah, kaya pala maraming mga in a relationship ang nawawalan ng focus sa study kasi distraction talaga yung pagkikipag-syota na yan! Oh, ah?"Hoy, naka-one point kami dun ah. Natahimik sila kasi nag-iisip sila ng pangkontra doon.

"Hindi naman dapat isisi sa pakikipag-syota yung kasalanan mismo ng isang estudyante. Nasa isang relasyon lang siya pero hindi ibig sabihin na kailangan niya nang ibigay lahat ng oras niya dun sa syota niya. Tama naman ako, diba?"sabi ni Daniel nung tumayo siya para sa mga pro.

"Ano ba kayo. Masyado pa tayong mga bata para magpapaniwala sa pag-ibig kasi kadalasan dyan. Pinaglalaruan ka lang kasi wala silang mapag-tripan. Kaya talaga dapat kapag nasa right age na tayo! Ano palag pa?"Hindi ko alam kung bakit ko inunahan yung iba kong mga groupmate kong sumagot.

"Kapag nagmamahal ka, walang pinipiling edad yan. Tignan mo, may babae pa palang nagbibigay ng loveletter sa panahon ngayon at kulang na lang ligawan yung lalaki. Diba?"Atsaka niya ko nginitian. Hala, siya!

"Ang problema kasi sa mga lalaki kahit hindi ka naman pala gusto, umaarteng gusto nila."Ako na naman yung sumagot sa sinabi ni Daniel.

"Problema rin kasi sa babae ikaw na nga nagpapakumbaba, nagpapakipot pa,"sabi niya habang nakatingin sakin. So, ganito lang pala ang magiging kahinatnan namin ni Daniel. Ang maging magkaaway.

"Ay, hindi ah. Kayo ngang mga lalaki, mga timer eh!"sagot ng isa kong classmate. Ka-group ko hindi na makatiis, inunahan na ko. "Kayo ngang mga babae, may boyfriend na ang dami-dami pang crush!"ganti naman ng kabila.

Basta, pinaubaya ko na sa kanila yung debate kasi malay ko kung pano napunta sa pag-dodota at wattpad yung debate samantalang ang topic kung okay lang bang makipag-relasyon sa edad namin ngayon o hindi. Basta natapos yung debate nang walang nanalo.

Breaktime na namin. Kakagaling ko lang ng CR tapos hindi ko inaasahan kung sino yung makikita ko pagkalabas na pagkalabas ko. Hindi ko siya pinansin. Bakit ba ganito kung kelan move on pakita pa ng pakita?

"So, bitter ka pala sakin?"nakangisi niyang tanong sakin. "Hindi mo ko masisisi. Sinaktan mo ko, diba? Ano bang expected mo na pabalik mo dito hahabol-habulin pa kita? I'd learn my lesson."Atsaka ko siya inirapan.

"Balita ko, nag-iimprove ka na. Always one of the highscorers sa mga exam. Woah, kaya mo pala yun?"Atsaka siya humakbang palapit sakin. "Ikaw lang naman talaga distraction sa pag-aaral ko. Tignan mo nung isang buwan ka nawala mula sa pagiging kulelat, nakahabol ako. I think it's better if you didn't came back."Nginitian ko siya atsaka tinalikuran. Iiwanan ko na sana siya kaya lang nagbagting ang tenga ko sa narinig kong sinabi niya.

"Dear Daniel, alam mo bang ikaw ang pinakapaborito kong lalaki sa buong mundo?"Nilingon ko siya atsaka tinignan ng masama.

"Stop it,"utos ko sa kanya.

"Ikaw ang dahilan ng pagpasok ko sa school. Promise ko sayo, I will never love someone except for you. You're the only one who had a hold in my heart. I belong to you, Daniel. I know it in my heart,"pagpapatuloy niya pa. Sinugod ko siya atsaka tinulak sa pader.

"Ano bang problema mo?"naiinis kong tanong sa kanya.

"I thought you're over me then why are you still affected?"nakangiwi niyang tanong sakin atsaka niya ko tinitigan sa mata habang hawak-hawak ko ang tie niya. Inilapit niya ang mukha niya sakin. Hindi naman ako makahinga ng maayos. Nararamdaman ko ring umiinit ang pisngi ko.

Why am I still affected?

"I'm over you and I'm not affected. Wala namang magiging problema sating dalawa kung hindi mo ko pakikialaman. Masaya na ko kaya pwede bang hwag mo na kong guluhin?"Atsaka ko binitawan yung necktie niya at inayos iyon.

"I believe I can't do that. You see making you feel miserable is one of my new hobbies."Natigilan ko sa sinabi niya. Tama, baka masaktan masyado ang ego niya daihl sa ginawa ko. Sabi ko na nga ba, niloko niya lang ako.

Inukopa niya ang espasyo sa pagitan namin atsaka niya ko hinalikan sa pisngi at niyakap. "Believe it or not, I miss you."bulong niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

For the first time, I saw what he really was. He is a monster. A very beautiful monster. Without doing anything, he can make everyone loves him and so does, he can hurt anyone if he wanted.

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon