Blake's POV
Kung se-swertihin ka nga naman, o. Kay Kath pa huminto yung bote na yan. To tell you the truth, I'm avoiding her. Ayokong madamay sa mga kalokohan niya. Pagkapasok namin sa loob ng cabinet, ni-lock nila agad yun. Naiinis ako dati kay Kath kasi laging niyang sinasaktan si Julia pero ngayon hindi na simula nung lumayo na si Julia kay Daniel.
Talaga bang hinalikan ako ni Julia kanina? Napahawak ako sa labi ko. Parang ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng malambot niyang labi. Ganyan nga ng inaasahan ko.
"Oi, congrat, loverboy!"bati sakin ni Kath atsaka niya ko tinapik sa balikat.
"Don't call me by your pet names."
"Sus, Blake. We're accomplices. Pareho lang ang goal natin ang hindi magkatuluyan si Julia at Daniel, diba?"nakangiti niyang sabi. Sa unang tingin, nakakainis talaga siya pero habang tumatagal, nawawala na rin yung inis ko. It's like I'm immune to her annoying presence. I'm getting used to her.
"That's only your goal. Ang gusto ko maging masaya si Julia."Ngumiti siya. "E, ganyan din ang akin, e,"sabi niya. "Hindi, Kath. Sa nakikita ko ang goal mo ay maging kontrabida sa buhay ng Daniel mo,"straight forward kong sabi.
"No. Akala ko naiintindihan mo ko kasi pareho tayong one-sidely inlove sa mga taong mahal natin. Hindi ba't kontrabida ka rin? The silent yet dangerous type of manipulative antagonist,"nakangisi niyang sabi habang nakataas ang isa niyang kilay.
"Ikaw yung tipo ng kontrabidang mabait pero may tinatago. You're manipulating Julia, right? Alam mong masyadong siya mabait at hindi niya kayang saktan ka dahil malaki ang utang na loob niya sa'yo. Mas nakakabahala naman yung mga taong nasa loob ang kulo."She took a step forward.
Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa mga mata niya.
Ipinormang baril niya ang kaliwa niyang kamay atsaka iyon itinutok sa dibdib ko. Then, she smiled. Pretty impressive.
"I know your secret. We are the antagonists. You and I."Hinawi ko ang kamay niya atsaka ko siya hinawakan sa balikat at itinulak sa kabilang gilid ng cabinet.
"Ssshhh."Atsaka ko tinakpan ng kamay ko ang bibig niya. "You have such strong accusations, lady. Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan,"mahina kong sambit.
Kahit gaanong pagtatago ko pala, may makakahalata talaga.
Hinawakan niya ang kamay ko at maingat na tinanggal iyon sa pagkakatakip sa bibig niya. Tapos huminga siya muna bago magsalita.
"Edi, pinakita muna ang tunay mong kulay,"sabi niya. "Behind these glasses, there's so much more,"pagpapatuloy niya. Speaking like she knew me? Annoying.
"Hindi ka pala dapat minamaliit. Nakakapag-isip ka rin pala,"pang-aasar ko. "Ang bad mo talaga,"sabi niya habang nakapout ang lips niya. Well, dahil huli na ko, wala na kong magagawa.
"May ibubuga ka rin pala."Napangisi ako. "Syempre, gaya nga ng sabi mo kontrabida ako kaya nakakaramdam din ako sa mga kauri ko,"proud niyang sabi. "Ano hanggaang kelan mo ko hahawakan sa balikat?"bigla niyang tanong.
"You're really annoying."
Kath's POV
Bakit sa dinami-dami ng pwedeng utusan pumunta sa tamabayan nung eyeglass boy na yun, ako pa?! Ang layo-layo ng SC office, e. Dun pa sa kabilang building. Dapat si Julia na lang inutusan tutal mukha namang mutchacha yun, e. Asar!
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?