Chapter 2

4K 91 7
                                    

Full support nga si mama sa date namin ni Daniel ngayong Sabado kasama si Maam Ocampo. Sabi nga ni Mama, ang ganda ko daw ngayon. Malamang nanay ko yun, eh. Sinundo ako ni Maam Ocampo sabi niya andoon na daw sa school si Daniel hinihintay kami. "Julia, ang ganda mo ngayon! Bagay talaga kayo ni Daniel," kinikilig na sabi ni Maam.

Pinagsusuot nga ako ni Mama ng dress, eh. Nakalimutan ata ni Mama na wala akong dress, eh. Magiging overdress ako masyado pag ganun, no! Ano JS Prom?

Habang naglalakad kami ni Maam papuntang school todo papuri siya sakin. Halos maligo ako sa papuri niya. Grabe. Sabi niya ang ganda daw ng legs ko. Si Maam kung ano-anong lumalabas sa bibig. Daming naiimagine!

Pagdating namin dun sa school agad kong nakita si Daniel. Looking good in black pants, white V-neck shirt and a pair of black snickers.

"Parang model, no?"tanong ni Maam. Agad akong tumango nang ngiting-ngiti. Buti na lang dumating si Daniel. Namalayan ko na lang na nasa MOA na kaming tatlo.

"Daniel, alam mo ba ang sasakyan pauwi?"tanong ni Maam. Tumango si Daniel habang nagtetext. Ngayon ko lang nakita na nakacivilian si Daniel although gwapo pa rin siya sa uniform niya, ibang level 'to!

Nanonoood kami ngayon ng horror movie request kasi ni Maam Ocampo. Mayamaya nag-excuse si Maam, pupunta daw ng CR.

Mayamaya ulit, tumawag si Maam sa cellphone ni Daniel.

"Hello, Daniel, may emergency kasi samin ngayon. Hindi ko na kayo masasamahan ni Julia. May P2000 akong naiwan kay Julia. Enjoy yourself na lang! Bye!" sabi ni Maam sabay end call. Hindi man lang nakapagsalita si Daniel.

Nung una, hindi pa ako natatakot sa pinapanood namin pero habang tumatagal lumalakas na sa kabog ang dibdib ko. Paano si Shomba kasi papansin, eh! Si Maam, may dahilan nito! Magrerequest-request tapos iiwanan kami.

Tumingala ako kay Daniel, gusto kong tignan kung natatakot ba siya? Grabe, hanging scene na ni Shomba pero si Daniel halos makipageye to eye lang kay Shomba. Titig na titig. Ni walang katiting na bakas ng takot sa gwapo niyang mukha.

Ipinatong ko yung braso ko sa armrest don sa pagitan namin.

Mayamaya, nagulat ako dahil aksidente niyang nahawakan ang kamay ko. Edi, napatili ako buti na lang kagulat-gulat din yung scene kaya marami ring maingay.

"Ay, sorry."

"O-okay lang yun."

Second time na niyang nahawakan ang kamay ko! Omygosh, is this a sign again? Nakakapagtaka nga dahil mas dumagundong pa sa lakas ng kabog ang dibdib ko nung di dinasadya niyang mahawakan ang kamay ko.

After that, kakaibang katahimikan ang bumalot saming dalawa pero duda ko, para sakin lang yun kasi hindi naman umiikot ang mundo niya sakin. Hindi tulad ko na umiikot ang mundo sa kanya. Pag di lang siya nakita, hindi na buo ang araw.

Pagsulyap ko kay Daniel. Naka-earphones siya tapos busy sa cellphone niya. Out of curiosity, sinilip ko yung cellphone niya. He's writing a text message.

And I quote, "Hindi ko nga alam kung anong gagawiin ko, eh. Pakiramdam ko tinamaan na talaga ako sa kanya, eh."

Omygosh! Don't tell-- Aww! Kaya pala hindi siya naimik ngayon! Kunwari na lang hindi ko nabasa yung text niya para hindi mawala ang thrill. Okay, so days na lang ang hihintayin ko bago niya amining gusto niya ko. Ultimate dream come true na 'to!

Pinagpatuloy ko na lang ang panonood ng movie tapos bigla-bigla na lang sumulpot si Shomba. Ang lakas pa naman ng volume sa sinehan. Sa sobrang pagkagulat pati yung softdrinks sa gilid ko, nasanggi. Tapos natapon iyon sa damit ni Daniel.

"Shit,"gulat nitong sabi.

"S-sorry! Sorry talaga!" sabi ko habang nagpapanic na pinupunasan ang natapunan niyang damit.

Hinawi niya ang kamay ko atsaka siya tumayo. Hala! Nagalit siya. Ambilis niya namang mgalakad. Pumasok siya dun sa comfort room. Hinintay ko siya dun sa labas tapos tinawag ko siya nung nakita ko siyang lumabas. Hindi man lang ako pinansin! Snob?

Ambilis niyang maglakad, pilit ko siyang hinahabol hanggang sa nawala na siya sa paningin ko dahil sa dami ng tao.

"Daniel..." tanging kong nsambit.

"Malas naman. Ano ba to?" naiinis kong sabi nang balikan ko ang bag ko sa loob ng sinehan. Wala na ang bag ko. Ibig sabihin wala na akong pera.

Kamalasan. Nakabuntot ka ba sakin lagi? Pwede bang sa iba na lang? Perfect na san, eh! Sumablay pa sa katangahan ko. Ano nang gagawin ko ngayon? Wala akong alam sa mga commute-commute. Mama ko! Dito na ba ko mabubulok? Hindi ako pwedeng mag-jeep kasi wala akong pera. Hindi rin pwedeng magtaxi kasi wala si Mama sa bahay ngayong oras mamayang gabi pa yun uuwi.

Baka isipin ni Mama pag hindi ako nakauwi na nagtanan na kami ni Daniel kaya hindi niya na ko hahanapin! Hala. Okay pa kung ganon ang nangyari, eh. Naluluha na ako habng paikot-ikot sa mall, nagbabakasakaling may makitang kakilala para mautangan.

"Kasi Daniel, asan ka na ba?"bulong ko sa sarili. Para akong nawawalang bata ngayon na hinahanap ang magulang ko. Bumalik na lang ako salabas ng sinehan. Lumong-lumong nakasandal sa pader habang umiiyak. Ang drama.

"Hoy, wag ka ngang umiyak."

Omygosh! Si Daniel yun. Tama nga ako si Danniel yun.

"Ikaw, eh. Bakit mo kasi ako iniwan, ha?! Nakakainis ka, eh! Alam mo bang maliban sa papuntang school wala na akong ibang alam na sasakyan!" Sinisi ko siya. Bakit totoo naman, eh. Na-realized ko yung sinabi ko after ng ilang minuto. Shet. Feeling close agad ako.

"Ahm, sorry. Ikaw kasi bigla mo na lang akong iniwan. Hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta."

"Bat ko naman sasabihin sayo? Nanay ba kita?" mapakla niyang tanong.

Tumatak. Tumama. Tumimo. Nagmarka ang mga salitang iyon saking utak. Nagrereplay pa. Pakiramdam ko nasagasaan ako ng ten wheeler truck. Nabagsakan ng hollow blocks sa ulo. Nag-sky diving sa 50-storey building ng walang parachute tapos nabuhay pa ako.

Pakiramdam ko nabuhusan ako ng isang timba ng malamig na tubig. Bigla akong nagising sa katotohanang wala akong karapatang sabihan siya nga ganun. Para tanungin siya kung saan niya nais pumanta.

Habang nakain kami sa food court, may isang babaeng lumapit kay Daniel.

Si Kath, yung classmate namin.

Nakabog yung shorts ko sa super micro mini shorts niya. Sana nag-panty na lang siya. Pati yung top ko, kinabog din. Ang totoo nasa mall ka o matutulog ka na?

Ako yung nahiya sa suot niya, eh. Oo nga maganda ka na, kelangan ipangalandakan?

Pakiramdam ko invinsible ako kasi sila lang ang nag-uusap. Nahiya naman ako hindi naman ako mukhang upuan, ah para umasta silang parang walang Julia dito.

Sa totoo lang, kanina pa naniningkit ang mata ko. Ang sarap tinidurin ng kamay ng babaeng 'to! Kala mo preso si Daniel kung makapulupot na kamay!

Akala ko hindi na ako ihahatid ni Daniel pero hinatid niya pa rin ako! Omygosh. Good things come to those who wait. Habang nasa taxi kami, hindi ko alintana ang nakakahilong amoy ng aircon na nanunuot sa butas ng ilong ko dahil kasama ko si Daniel sa iisang taxi!

-----

Dear Daniel,

So good to be true. Parang nag-date na rin akmi ni Daniel. At wag ka hinatid niya pa ko. OMYGOSH.

PS.

Hindi niya talaga ako hinatid sa bahay namin hanggang school lang. Epal kasi kasi Kath! Bida-bida. Ang sarap ipasok sa compartment ng taxi!

------

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon