Kath's POV
"Hello, manong. Asan na kayo? Pinapapak na ko ng lamok dito! Ano susunduin niyo pa ba ko?"reklamo ko nung tawagan ko yung driver namin. Ito talaga si Manong. Ang tagal-tagal niya na sa'ming nagta-trabaho kaya hindi naman ako masyadong naiinis. Siguro kung ibang tao siya, pinagmalditahan ko na siya mula ulo hanggang paa.
"Maam, sorry na-traffic lang. Papasok na ko ng gate ng school niyo,"napangiti na ko. Buti na naman. Ilang saglit pa nakita ko yung car namin. Lumapit na ko atsaka ko sumakay.
"Manong, ang tagal niyo, ah!"agad kong sabi nung makasakay ako. "Ahh, ganun ba, sorry, maam,"sabi ni Manong. Hwag niyo kong tanungin kung anong pangalan niya dahil hindi ko alam. Basta ang alam ko lang manong na tawag ko sa kanya simula nung bata pa ko. Anyways, why would I care? Ni hindi nga ko nagkakabisado ng mga formula sa math, pangalan niya pa kaya?
Habang nagbi-biyahe kami, nahulog yung cellphone ko. "Omy! My cellphone,"sambit ko tapos yumuko ako para abutin yung mamahalin kong cellphone. Aayos na sana ko ng upo nang may makita akong kalat. Syempre, kahit kinuha ko.
Pagtingin ko, 'kala ko naman kung ano 'to. Driver's License lang pala ni manong. Anong pangalan? J-Julio Santillan. Julio? What the eff?! So baduy naman ng pangalan niya! Tsoge pa ng apelyido. Parang may katunugan yung pangalan nitong ni manong.
Sino ba yun? Teka, nasa dulo na ng tongue ko talaga, e. Si... Si ano! Go, Kath! Kaya mo 'yan, maganda ka kaya dapat kayanin mo 'yan.
Ahhh! Si--
"Maam, andito na tayo,"biglang singit ni manong. "Ookayyyy,"atsaka ko pinasok sa bag yung cellphone ko. "Manong, oh!"sabay abot nung driver's license niya tapos bumababa na rin agad ako ng kotse atsaka pumasok sa bahay.
Ang weird-weird ng araw na 'to. Bigla ko na naman naalala yung batang lalaki na tumulong sakin nung naligaw ako dati. Tapos, ni hindi ko man lang naasar si Blake pero anyways, kasama ko naman si Daniel buong araw. Omy! Pakiramdaman ko ito na ang simula ng pagbabago. Nakakainis lang si Daniel biglang nawala nung malapit na mag-dismissal palibhasa sabi ko sabay kami uwi, e.
Iyon tuloy kung sinong classmate ko na lang hinila ko sa cafeteria para maghintay. Natigilan ako ng bigla kong maalala na naman si Blake kanina nung nakain siya ng ice cream. Hindi sa naiinggit ako kaya halos tunawin ko na siya sa tingin ko kanina. Kasi, naaalala ko sa kanya yung long lost saviour ko! Iyong batang lalaki na may bimpo sa likod tapos may suot na cap at nakain ng ice cream na nagha-humming rin.
Omygoooshh. Please, Kath, stop it. Si Daniel yung batang iyon, although hindi niya lang matandaan yung scenarion na yun. Siya yun! Wala ng iba. Hindi ka na pwedeng umatras pa. Matapos mong awayin lahat ng mga babaeng nagkakagusto at nagiging malapit kay Daniel mula pagkabata? Oo nga, hindi niya matandaan yun pero sapat ng patunay yung bimpo sa likod niya, Kath!
Dapat maging masaya ka na. Nasayo na si Daniel tapos si Julia na kay Blake na. Ano pa bang pinag-iisip mo dyan?!
-BEEP! BEEP!-
Sino kaya 'tong nagtext sakin? Pagkatingin ko, nagulat ako. Si Blake. Hala, anong pauso 'to? Siya ang naunang magtext saming dalawa? Hmmm, siguro, magte-thank you siya sakin kasi kung hindi dahil sakin hindi magiging sila ni Julia!
I opened the message.
"It's okay, dad. I don't need any medications anymore. I'm okay. No more mood swings, I'm fine."
Napa-angat ang isa kong kilay. What's the meaning of this?? Medications? So, may sakit si Blake? Uh-oh.
Nag-reply ako.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?