Daniel's POV
Three days. Pangatlong araw na kaming hindi nag-uusap ni Julia. Alam kong iniiwasan niya ko. Alam kong ayaw niya na kong makita pa. Sa bagay, kasalanan ko rin. Ang hina kong mag-isip, eh.
Hirap rin akong humanap ng chance na maski lapitan siya kasi nagsisimula na kaming magpractice para sa graduation. Ang layo ng Delos Reyes sa Santillan, eh. Kulang na lang umikot ng 360 degrees ang ulo ko para makita siya sa likuran.
"Danny, are you still angry with me?"tanong sakin ni Lizzy dahil siguro ang tahimik ko. Tinignan ko siya at nginitian, "No, I'm not angry with you in the first place. It's not like it's our fault that we are in this complicated situation."
"I'm so sorry about what happened to you and Julia. Maybe, I should talk to her, right? I'm so sorry for involving you with my problems!"Hindi ako galit sa kanya. There's nothing really special betwen her and me. Siguro, ang tingin ko sa kanya kundi parang kaibigan ay parang kapatid ko.
Sa totoo lang, naaawa nga ko sa kanya kasi napakalaki ng problema talaga. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, hindi ko nga alam kung bakit ako pang napili niyang hingan ng tulong, eh. Hindi ko nga alam kung anong dapat kong sabihin nung sinabi niya na yung problema niya.
"I'm really sorry for involving you, Danny. I know it's my fault that I got pregnant. I really don't know what to do and what to say to my parents when they find out. I'm so, so screwed up! I should've have not trusted guy,"Hinawakan ko siya sa balikat para pagaanin ang loob niya.
Oo, nabuntis siya ng boyfriend niya bago sila maghiwalay nang pumunta sila dito. Isang napakalaking problema. Iyon yung dahilan kung bakit gustong-gusto niya kong kausapin nung araw na nagalit sakin si Julia. Kaya nga hindi ko rin magawang magalit nun sa kanya. She's four-week pregnant.
Pagkadating namin sa bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko habang si Lizzy namam nakikipagkwentuhan kay Mama.
Pagkapasok na pagkapasok ko, agad akong naghubad ng pang-itaas tapos nahiga sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kisame, iniisip kung paano ba naging ganito ang lahat. Bumangon ako ulit nang may maalala akong isang bagay. Ito ang laging nagpapasaya sakin dati nung isang buwan kong hindi nakikita si Julia.
Hindi 'to porn o nude pictures niya, ah. Mas malupit pa don! Ito yung pinakakaingat-ingat kong diary. Ang diary ni Julia. Oo, ang diary ni Julia nasa sakin at hindi ko pa binabalik. Alam kong maling basahin yun pero wala, eh. Nagawa ko na at nag-enjoy naman ako sa pagbabasa ng diary niya.
Ako ang nakapulot ng pakalat-kalat niyang diary sa cafeteria nung maiwan niya yun doon. Simula nang napasakin 'to, hindi ko alam kung anong sumali sa isip ko at sinulatan ko rin.
Bubuklatin ko palang dapat iyon nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. "Sir Daniel, pinapatawag ka ho ng Mama niyo. Gusto niyang sumabay ka hong kumain sa kanila ng tanghalian, sir,"sabi ng isang maid namin na kumatok sa kwarto ko. "Tss. Okay, sabihin mo saglit lang,"sagot ko atsaka ko muling sinara ang pinto at nagsuot ng t-shirt.
Agad din akong bumaba.
Sa totoo lang naiinis ako, akala ko kapag natanggap na ni Kath na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya, wala nang problema. Mga magulang ko na lang. Ewan ko ano klaseng kamalasan ang meron ako at dumating pa sa buhay ko 'tong Lizzy na 'to. Bwisit.
Kath's POV
Nagdadalawang isip pa ko kung lalabas ako ng kotse at papasok ng school ngayon. Kung tutuusin, tapos na naman ang computation ng grades. Gragraduate ako, for sure wala nang magbabago pa don. Pinilit lang ako ni Mama na pumasok para umatend ng kahit isang practice lang daw ng graduation.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?