Daniel's POV
"Damn it,"I cursed when a sudden wave of dizziness hit me again. "O, ano? Iinom ka pa?"nang-aasar na tanong naman ni Julia sakin. "Julia, naman. Did I do or say something stupid last night?"tanong ko nang makarecover na ko ulit sa pagkahilo.
Napatingin ako kay Julia nang marinig ko siyang nagpipigil sa pagtawa niya.
"Base sa reaksyon mo, meron nga! Damn it, anong kalokohan ang ginawa ko?"tanong ko. Patuloy pa rin kami sa paglalakad papuntang canteen. "Secret! Naku, Daniel, kung ako sayo, hwag mo nang alamin!"sabi ni Julia sakin.
Tatakbo sana siya pero bigla ko siyang inakbayan para hindi siya makatakas sakin. "Come on, say it,"bulong ko sa kanya nang ilapit ko ang labi ko sa tenga niya. "Beg for it,"panghahamon niya naman.
"Ah, so, you're challenging me?"nakangisi kong tanong sa kanya. Tumango naman siya, ngiting-ngiti. Parang ngiti ng isang bata. Nakakagigil.
I planted kisses on her neck. Ang bango-bango niya talaga. Nagulat ako nang may biglang tumikhim sa likod namin ni Julia. Oo nga pala, nasa school kami tapos hinahalik-halikan ko pa si Julia sa leeg. Ang manyak ng labas ko nito.
Pagkatingin namin ni Julia, sila Lance at yung kasam a nitong babae nung isang araw. Malisyosong nakangiti si Lance.
"PDA. Pati ba naman dito sa hallway ng school, Daniel? Parang kailangan lang, dami mo pang drama. Tapos, ngayon patay na patay ka rin pala kay Julia. Pakipot ka pa dati, ah!"sabi ni Lance. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Pwede ba, hwag ka na lang magsasalita, Lance,"sagot ko naman.
"Pasensya na sa bibig ng lalaking 'to, ah. Sobrang daldal niya kasi, di niya alam kung anong hindi dapat sabihin, eh,"sabi naman ng babaeng kasama ni Lance. "Hazel, kumakampi ka na ba sa mukhang paniki na 'to?"hindi makapaniwalang tanong ni Lance sa babaeng kasama niya. "Dahan-dahan ka nga sa pagsasalita mo. Kung hindi lang kita kilala, aakalahin kong bakla ka talaga,"sagot ko sa kanya.
"Pasensya ka, hindi ako bakla. Pareho kayo ni Blake, pinagpipilitang bakla ako. Gusto niyo talagang mahalikan ako, no? Mangarap ka na lang, Daniel. Sa sobrang galing kong humalik, hinamatay yung hinalikan ko,"pagmamayabang niya. Napaka-isip bata niya talaga. Lumalaki pa-urong ata 'to, eh. "Teka, ako yun, ah! Daldal mo talaga, bakit pati mga ganung bagay, sinasabi mo sa iba, halika na nga! Baka kung ano pang masabi mo dyan!"saway sa kanya nung babaeng tinawag niya kaninang Hazel na hinila na siya paalis.
"Alam mo, ang cute niyo rin mag-away,"nakangiting sabi ni Julia. Tinignan ko siya. "Ano na nga yung ginawa ko kagabi, Julia? Akala mo makaka-change topic ka, ah!"sabi ko sa kanya.
"Sigurado kang gusto mo talagang malaman, ah?"
"Oo nga. Kukulitin ba kita kung hindi ko gustong malaman yan,"sagot ko. Napansin kong namula ang mukha ni Julia tapos pinalapit niya ko sa kanya. Ibubulong niya sakin. Nararamdaman ko pa nga yung paghinga niya sa tenga ko.
Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita ulit. "Siguradong-sigurado ka na ba? Baka magsisi ka kapag malaman mo!"natatawa niyang tanong. "Trip mo na ko, Julia, ah."Tinignan ko siya nang masama . "Eto na nga, promise!"sabi niya, inilapit niya ulit yung mukha niya sakin.
"Sabi mo..."Huminga siya ulit ng malalim,"....sex tayo..."dugtong niya dito. "Julia, sex tayo?"casual kong pag-uulit para siguraduhin kung tama ang pagkakarinig ko. Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Sssshhhh! Hwag mong sabihin ng malakas kaya ko nga binulong, eh,"saway niya.
Napatawa naman ako sa naging reaksyon niya.
"Ano gusto mo?"nakangisi kong tanong sa kanya. "Ano na namang gusto ko?"tanong niya. "Yun nga, sex tayo,"pangloloko ko pero kapag pumayag siya, edi, masaya.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?