Julia's POV
Isang linggo matapos ng mga pangyayari dito sa school, di pa din nakakamove on ang iba. Puro kwentuhan pa rin tungkol kay Blake, na baliw daw talaga si Blake. Nasasaktan din ako kapag naririnig ko yun. Kaibigan ko si Blake at alam kong mabuti siyang tao. May sakit siya pero hindi siya baliw.
"Uyy, sama ko, Daniel,"Pupuntahan niya kasi si Kath, dadalawin ba. Actually, hindi na ko ngayon nagseselos sa kanilang dalawa kasi wala namang dapat ikaselos, eh. Si Kath at Daniel ay magkaibigan na simula nung bata palang sila.
"O, sige,"sabi ni Daniel.
"Alam mo, Julia. Minsan iniisip ko kasalanan ko yung nangyari kay Blake. Paano pala kung dahil din sakin kaya siya lumala?"Nauna siyang maglakad kaysa sakin. Nakakuyom ang mga palad niya. Bakit pakiramdam ko may iba pang bumabagabag sa kanya?
"Wala kang kasalanan, Daniel. Kung meron mang dapat sisihin dito, ako yun at wala nang iba."Bakit ba sinisisi namin ang mga sarili namin? Siguro kasi guilty kami. Nakokonsensya kami.
Dahil din sa mga nangyari, napapaisip ako kung tama ba itong ginagawa ko? What if itigil ko na lang to at lumayo na kay Daniel?
Gragraduate na kami. May mga bali-balita na kahit ganoon ang nangyari ay si Blake pa rin ang Valedictorian. He deserves it. Sana nga siya pa rin. Undecided pa nga ko kung anong kukunin kong course. Parang ayaw ko pang grumaduate, eh.
Nang dumating kami sa hospital, agad na kaming dumiretso sa kwarto ni Kath. Naglalaro siya sa Ipad niya. "Hi, Kath. Kamusta na?"bati ni Daniel. "Hello!"bati ko naman.
"What are you doing here, Julia?!"
"Binibisita ka."
"Pagkatapos nang ginawa mo? It's really all your fault! Alam mo na ganun ang condition ni Blake, hindi ka pa nag-ingat sa mga pinaggagawa mo!"paninisi niya. At some point, tama siya. Kumpara saming lahat, ako ang naunang makaalam ng kondisyon ni Blake. Pero ipinagwalangbahala ko lang.
Inisip ko na hintayin ko na lang pumayag si Blake na magpagamot. Masyado kong maging pabaya. Dapat hindi ko na ginaya ang masyadong pagiging martir ng mga magulang ni Blake.
"Oo, alam ko, Kath. K-kasalanan ko talaga. Tanga ko kasi, no. Hindi ako nag-iisip ng matino,"pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya. "Buti alam mo,"sabi ni Kath.
"Itigil niyo na yan. Wala na nga tayong magagawa dyan. Nangyari na ang nangyari, we learned our lessons,"saway ni Daniel. "Yeah, tama ka nga, Daniel. Pero hindi ko mapigilan na manisi, eh. I'll get over it rin naman, pasensya na,"sabi ni Kath. So, we all feel sorry for Blake.
Siguro mabuti na rin na hindi pa makakapasok sa school si Kath, for sure kasi aayawin niya lahat ng marinig niyang magsabi ng masama tungkol kay Blake.
"O, sige. Mauna na ko sa inyo,"Ayun nga, naisip ko na lang na umalis. Kahit ganun ang sinabi ni Daniel, pakiramdam ko kasalanan ko pa rin talaga. Naiinis ako sa sarili ko at sa katangahan ko.
"Sigurado ka ba, Julia? Hatid na kita kahit sa baba lang,"sabi ni Daniel. Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Kath.
Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Ewan ko ba, pakiramdam ko kailangan kong gawin iyon. Naprapraning na ba ko? Ganito siguro epekto kapag mag-isa ka lang sa bahay niyo. Hindi pa rin kasi nabalik si Mama.
"Sige,"sagot ko. Hinawakan niya ko sa bewang atsaka kami muling naglakad.
"Hwag mo kong iiwan, ha,"sambit ko. Tinignan ko siya sa gilid ng nga mata ko. Parang hindi niya ata narinig ang sinabi ko. Mukhang may iba pang iniisip si Daniel. "May problema ba?"nag-aalala kong tanong. Nilingon ko na siya this time. Mukhang hindi niya pa rin anakinig ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?