Chapter 20

2.6K 58 13
                                    

"Alam mo bang nasasaktan din ako sa ginagawa mo?"

Andito na naman siya. Ang galing no? Saktong-sakto ang bawat entrance niya tuwing kailangan ko ng makakasama. Si Blake talaga ang galing-galing tyumempo.

"Sorry, naman."

Pinayungan niya ko.

"Pinaiyak ka na naman niya,"sabi niya atsaka niya kinuha yung panyo niya at humarap sakin. Pinunasan niya ang magkabila kong pisngi atsaka yung ulo ko gamit yung panyo niya.

"Alam mo, ba't mo pa ba ko pinapayungan, Blake? Basang-basa na rin naman ako, eh. No use na rin, diba? Sayang effort lang, dude!"Atsaka ko siya nginitian.

Nginitian niya rin ako atsaka niya na binalik yung panyo sa bulsa niya.

"Walang nasasayang na effort basta para sa'yo,"sabi niya habang tinitiklop yung payong na hawak niya.

"Hoy! Ano yan? Ba't ka nagpapakabasa?! Magalit pa fans mo sakin 'pag nagkasakit ka, eh."

Sinusubukan kong agawin yung payong sa kanya pero nagulat ako nang bigla niyang tuhurin yung payong kaya nasira iyon.

"Hala?! Anong ginawa mo? Baliw ka na ba talaga, Blake?!"Atsaka ko kinuha yung nasirang payong, sinubukan ko pang buksan pero hindi na talaga pwede.

Pagtingin ko kay Blake, tinatawanan niya ko. Nilapitan ko siya.

''Natatawa ka pa sa kalokohan mo, ah! Sayang naman yung payong... Sana binigay mo na lang sakin! Wala na kaya kaming payong sa bahay,"nailing-iling kong sabi atsaka ko tinapon sa malapit na trashcan dun sa school grounds.

Binalikan ko rin agad si Blake dun na parang bata at naiikot-ikot pa sa gitna ng school ground habang naka-stretched out pa yung dalawa niyang kamay. Isa lang ang masasabi ko.

Shocks, ang cute niya!

"Bakit mo ba sinira yung payong, ha?"nakapamewang kong tanong kay Blake nung lapitan ko siya habang mukhang tanga siyang paikot-ikot dun. Tumigil siya sa paghilo niya sa sarili niya atsaka humakbang palapit sakin. Tinignan niya ko sa dalawa kong mata.

"Sabi mo kasi basang-basa ka na kaya hindi na kita kailangang payungan. Sinira ko yung payong. Ang panget naman kasi kung ikaw basang-basa dyan tapos ako tuyong-tuyo."

Napaawang yung labi ko. Talaga? Sinira niya yung inosenteng payong dahil lang dun? Alam mo ang sweet niya pala. HIndi ko naimagine na ganito pala si Blake dati nung hindi pa kami close.

"Mas gugustuhin ko pang magpakabasa kasama mo kesa magpayong."

Shet, please. Pwede ba kahit minsan maging panget ka naman sa paningin ko? Naman, eh. Sana sinabi niya na lang na magpapaulan din siya para hiningi ko na lang yung payong niya. Sayang, eh.

"Sus, kahit umuulan, bumabanat? Wala patawad talaga,"natatawa kong sabi.

Na-realized ka na lang na hawak-hawak nga dalawa kong kamay ang magkabilang pisngi ni Blake. Tapos, seryoso siyang nakatingin sakin habang ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Dun lang nag-sink in sakin na tumatawa ko, ngumingiti ako, na masaya ako ngayon habang kasama ko siya kahit pareho na kaming basang-basa sa ulan. Biruin mo, hindi lang pala si Daniel ang nagpapasaya sakin? Wow.

"Mas na-iinlove ako sa Julia na laging nakangiti at tumatawa,"sambit niya. Natigilan ako. Tinawanan ko siya atsaka tinapik-tapik sa balikat.

"Why are you laughing?"

"Para lalo ka pang mas ma-inlove sakin! Hahahahahahahahaha!"Bigla ring natigil ang pagtawa ko nang ma-realize ko yung sinabi ko.

"Hehehe... joke lang!"alangan kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko. Sa pagdating niya, nawala na naman lahat ng sakit na naramdaman ko kani-kanina lang.

"Tumatawa man o hindi maganda ka pa rin para sakin."

"Ha? Ano?"

"Maglinis ka ng tenga mo,"sabi niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko tapos hinila niya ko palabas ng school.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kahit saan basta kasama kita."

Hinampas ko siya sa balikat. Shocks. Bumabanat na naman 'to, oh! Bigyan ng jacket! Huminto ako saglit kaya napahinto rin siya. Nilingon niya ko.

"Salamat kasi andito ka. Salamat kasi kahit alam kong ang panget-panget ko ngayon sinabihan mo kong maganda. Salamat kasi pinasaya mo naman ako,"nakayuko kong sambit.

Nagulat ako nang lumapit siya sakin atsaka niya ko niyakap. I swear, I could smell his masculine scent while my head rested on his broad shoulder. Kaya nga napapa-english ako eh.

"Sorry."

"Ha? P-para san?"

"Kasi wala ako para protektahan ka sa taong nagpaiyak sayo,"sambit niya habang pahigpit-higpit ang pagkakayakap niya sakin. Bakit ganon kahit basang-basa na si Blake ang init pa rin ng katawan niya.

Napangiti ako.

"Simula ngayon, hindi na ko aalis sa tabi mo, Julia,"sambit niya.

"Naku, Blake. Tinanong lang kita kung saan tayo pupunta, bumabanat ka na dyan! Ihatid mo na nga lang ako para masaya."

-BEEEP! BEEEEEP!-

Bigla kaming napakalas sa isa't-isa nang makarinig kami ng busina ng kotse. Panira ng moment naman oh!

"Ahahahahahahahahaha!!"

"Ba't ka na naman tumatawa dyan? Para mas mainlove na naman ako sayo?"

"Eksena mo? Hindi, ah! Panira ng moment yung kotse eh. Sarap upakan!"

Habang naglalakad kami papunta sa bahay namin. Napalingon ako kay Blake nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko.

"Julia."

"Hmmm? Bakit?"

"Nakita ko kayo kanina ni Daniel. Kalimutan mo na siya, Julia."

"HIndi madali yun. Ano ka ba!"

"Tutulungan kita. You're hurt because of him and I'm willing to sweep you off your feet and become the rebound."

Pakiramdam ko huminto ang lahat sa paligid. I heard it right, diba?

"ACCCHHHHOOOOO!!! "

"ACCCCHHOOOOOOOO!!!"

"Wow, Julia ang galing. Nagsasagutan kayo ng atching ni Blake! Gusto ko ring sumali! Julia, hawaan mo rin ako dali para masaya!"ngiting-ngiting sabi ni Lance.

"Baliw! Akala mo ba napakasaya magkasipon? Hirap kaya! Singhot here, singhot there, singhot everywhere!"

"Okay lang. Para in din ako sa inyo! Ka-OP kaya... Ako lang walang sipon sa'ting tatlo!"pagpupumilit niya.

"Ayaw ko. Masamang magkasakit, Lance!"pagmamatigas ko.

"Oh, ayan. Use it wisely."Nagulat ako nang biglang i-abot ni Blake yung used tissue niya na siningahan niya na kanina. "Eh, Anong gagawin ko dyan, aber?"masungit na tanong ni Lance kay Blake at nag-cross arms pa siya. "You can eat it if you want."Naka-cross arms ring sagot ni Blake.

"Pwede ba, Mr. President. Hindi tayo talo. Kadiri! Tapon mo nga yan. Kakalat ka pa ng lagim mo dito!"Atsaka niya diring-diring pinitik yung tissue pabalik kay Blake. Ang cute talaga nilang dalawa 'pag nagbabangayan.

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon