Blake's POV
Papasok na ko ng SC office nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses na yun at hindi ko iyon gusto.
"Blake!"
Si Kath.
Hindi ko na lang dapat papansinin kaya lang tumakbo na siya at hinarangan niya ang pintuan. Sa balingkinitan niyang katawan, anong pumasok sa isip niya na kaya niya kong pigilan?
"Blake!"
Nasa harap ko na siya pero sumigaw pa rin.
"Blake, nakita mo ba si Daniel?"tanong niya sakin. Mas lalo akong nairita sa kanya nang banggtin niya ang pangalan ni Daniel. That jerk, why would I care where the hell he is?
"Nananadya ka ba?"naiirita kong tanong pero seryoso pa rin ang tingin ko sa kanya. Tinignan ko lang siya at hindi na ko nagulat pa nang bigla siyang tumawa. Lagi naman siyang umaasta na kaibigan ko siya kahit hindi naman. Not in my wildest dreams that I ever imagine having her as my friend. I don't need one.
"Hindi naman. Eh, si Julia? Hindi mo ata kasama? Ahh... Hindi kaya magkasama silang dalawa?"panunukso ni Kath. I glared at her. "Umuwi na si Julia kaya imposible yan,"sagot ko. I tried to stay calm.
"Umuwi saan? Sa bahay nila Daniel?"pang-aasar niya pa. Fvck it! Naaasar na ko. Pakiramdam ko habang tumatagal na nakikita at naririnig ko si Kath, mas lalong umiikli ang pasensya ko. "Stop it,"I growled at her. Unti-unti siyang ngumiti nang makita niya ang pagkainis ko. Am I some sort of entertainment to her? Dammnit!
"Stop what? I'm just asking questions, Blake!"natatawa niyang sabi habang tinatapik niya ang balikat ko. Nakatingin lang ako ng masama sa kanya habang sinasabi niya yun. Ano bang kailangan niya sakin? Naiinis na talaga ko.
"I said stop it."
"What? I can't hear you. Ano bang problema mo, tinatanong lang naman kita,"painosente niyang sambit sakin atsaka siya tumingkayad para ilapit ang mukha niya sakin. "Ano?"dagdag niya pa. "I said stop it,"pag-uulit ko. Malapit-lapit na hindi ko na mapipigilan yung galit ko. Anong bang hindi niya maintindihan sa sinabi ko? I'm certainly not in the mood today. I will never be in mood for any of her games. Ever.
"Galit agad? Tinatanong ka lang, e!"Habang mas naiinis ako, mas lalong lumalaki ang ngiti niya. That's it! Galit na talaga ko. Ubos na ang pasensya ko sa kanya. Paulit-ulit siya.
Tatapikin niya sana ko ulit sa balikat pero hinawakan ko siya sa pulsuhan bago niya pa ko mahawakan. Mahigpit ang pagkakahawak ko kaya nagulat siya. Kitang-kita sa mga mukha niya ang pagkabigla.
"Gad damn it! Ask the right questions, okay?!"
Palalim ng palalim ang paghinga ko. Galit na galit na talaga ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. Nakita kong iniinda niya yun.
"B-bitiwan mo ko, Blake. A-aren't you scared na baka may nakakakita sayo ngayon? N-nasasaktan ako! And I mean it."
"Sana sinabi mo 'yan bago mo inubos pasensya ko,"bulong ko sa kanya. "Pagbilang kong tatlo at hindi mo pa ko binitawan, I'll scream,"pananakot niya habang pilit niyang inaalis ang kamay ko.
"One."
"Two."
"Thre--"
"At ano namang sasabihin mong ginagawa ko sayo?"panghahamon ko sa kanya. In one swift movement, I pushed her inside the SC office then I closed the door immediately.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?