Julia's POV
"Sorry,"sambit ko atsaka ko agad umalis pero pinigilan niya ko. Eto na naman tayo. "Hindi mo kailangan mag-sorry,"sabi ni Daniel. Nakakainis. Bakit ganito? Umiwas ako ng tingin.
"Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit namumula yan?"biglang tanong ni Daniel. Mas lalo akong umiwas. Nakaramdam ako ng kalungkutan ng maalala ko yung pagsampal sa'kin ni Blake. Hindi ko talaga kasi akalain na kaya niyang gawin sakin yun.
"None of your business. Pwede ba bitawan mo na ko baka makita pa tayo ni Blake."Mas minabuti ko na lang na hwag sabihin kay Daniel dahil baka magsimula pa ito ng away sa pagitan nilang dalawa ni Blake. Maganda ko, eh. Haba ng hair.
"Tell me, is he hurting you?"Hindi ako umimik. "Let me go,"imbis ay sabi ko. Please, ayokong malaman niya. Ayokong malaman niyang mali ang naging desisyon ko. Ayoko. Ayokong ipaglaban niya ko dahil baka pumayag ako. Medyo malandi.
"Sabihin mo kung sinasaktan ka niya at hindi ako magdadalawang isip na agawin ka sa kanya kahit ayaw mo pa."
Napakagat ako sa lower lip ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ito ang ayaw kong mangyari. Ako at si Daniel ay impossible. Kumbaga, lupa ako. Siya, outerspace. Tao ako, alien siya.
Parang sa sinabi niya na yun, gusto kong ipaalam sa kanya na sinasaktan ako ni Blake. Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano, isang napakapamilyar na lalaki ang bigla na alng humablot sa braso ko. Oo, hablot talaga. Hinila niya ko papalapit sa kanya.
Pagtingin ko si Blake. Uh-oh.
"B-blake?"
"Hwag kang mag-aakusa ng mga bagay na wala ka namang patunay, Daniel."Yung boses ni Blake. Alam ko galit siya.
"Wala pang patunay. Kaya mag-iingat ka dahil kapag napatunayan ko, aagawin ko si Julia sa'yo,"hindi nagpapatalong sabi ni Daniel. I felt pain in my heart. "At wala ka nang magagawa kapag nangyari yun,"pahabol ni Daniel. Sa akin lang ba 'to o parang nagkakaroon na ng isang duelo sa isip nila.
Nagulat ako nang biglang sunggaban ni Blake si Daniel. Halata sa mukha ni Blake na nag-init ang ulo niya sa sinabi ni Daniel. Anu ba yan! Ang ganda ko, diba? Walang bakas ng pagkabigla kay Daniel.
"O, ba't ka nagagalit, Blake?"nang-aasar pang tanong ni Daniel.
"Shut the fuck up!"Blake shouted in his face.
"Let go of my shirt, first."Daniel commanded as if he has an authority. "This is the last time, I'll be telling you this, Daniel. Julia is my girlfriend so you better back off. I warned you if you won't listen so be it. I'm gonna beat you up."Blake threatened him. Habang nagkakainitan na dun, wala akong magawa. Nganga lang habang pinapanood ang dalawang magandang nilalang na pag-awayan ang isa pang magandang nilalang.
Harhar, Julia.
"She loved me yesterday so it won't be hard making her love me today,"sabi ni Daniel. Ayan na! Englishan na silang dalawa! Omy. Hindi ko pa sila kalevel, e kaya hindi ako pwedeng sumabat dito.
"You may be her boyfriend but not the man she loves."
Daniel said while grinning from ear to ear.
"Bastard,"inis na inis na sabi ni Blake Nagkakasukatan sila ng tingun simula pa kanina. Siguro kung nakakamatay sa sobrang talim ang mga tingin nila, pareho na silang nasa hospital ngayon.
"Boyfriend ka lang. Hindi ka mahal. Kahit hindi ako maging boyfriend ni Julia, mahal niya ko--"hindi pa natatapos ni Daniel ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinapak ni Blake sa mukha.
BINABASA MO ANG
Dear Daniel
Teen FictionSino bang matinong tao ang magbibigay ng loveletter sa 21st century?