Chapter 43

1K 41 10
                                    

Kath's POV

Pareho lang kami, eh.

Pareho lang kaming naghahanap ng taong iintindi sa'min at kaya kaming tanggapin despite of our flaws. Gusto kong tulungan siya pero hindi ko alam kung magpapatulong ba siya.

"Blake, nananaginip ka lang,"assurance ko sa kanya para mawala na ang takot na bakas sa mukha niya ngayon. Nagulat ako ng bigla siyang magsisigaw at ihagis ang anumang bagay na mahawakan niya. "B-blake, anong nangyayari sa'yo?!"natataranta kong tanong.

Hindi niya ko pinansin. Tumayo siya at pinagsusuntok ang pader. Napansin ko na lang na nanginginig ang mga kamay ko. Gusto kong tulungan siya pero hindi ko alam kung paano.

Nagdadalawang-isip ako habang patuloy sa panginginig ang kamay ko. Sobrang kinakabahan ako and at the same time, hindi makapag-isip ng matino.

Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa sakin na yakapin siya. Hindi ko talaga alam. Natatandaan ko lang sabi dati ni Mama, nakakatulong ang pagyakap para gumagaan ang pakiramdam ng isang tao. Sana nga matulungan siya ng pagyakap ko.

Pero duda ko, kung yakap ko ang kailangan niya, o kung makakatulong ba man lang ang yakap ko sa kanya.

"Blake, a-andito lang ako. Diba nga, we're accomplices? Ikaw at ako, tayo mga kontrabida dito, diba? Dapat malakas tayo,"nanginginig kong bulong sa kanya habang yakap-yakap siya. Mas matangkad siya sakin kaya halos nasa balikat niya lang ako.

Tama nga, umpisa palang kami na ang mga kontrabida sa lovestory nila Julia at Daniel. Kami ang kontrabida, kami ang kontrabida kasi pinagpipilitan namin ang mga feelings namin sa kanila kahit na alam namin wala kaming pag-asa. Kasi si Julia at Daniel, they really love each other.

Pero naaalala ko sa mga stories nila mama, sometimes the antagonists are not really evil persons but they're just misunderstood people. Naghahanap sila ng mga bagay na kukumpleto sa kanila and because of that, nakakagawa sila ng mga maling bagay. At ganun kaming dalawa ni Blake. We are searching for something that can make us feel complete.

Nung mga unang sandali nang yakapin ko siya, nagpupumiglas pa si Blake pero mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Mayamaya, tumigil na rin siya. Hindi na mga mararahas na sigaw ang naririnig ko kundi ang paghikbi niya pati na rin ang mabilis na tibok ng puso niya.

"B-blake, hwag kang bibitaw, please,"Alam kong sa kalagayan niya ngayon malaki ang posibility na tuluyan siyang mabaliw and I don't want that to happen.

Napaupo kami dun sa sahig habang naiyak si Blake. Pinipigilan ko na lang ang sarili kong maiyak. Si Blake para siya ngayong isang bata na nangaingalan ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang niya. One more thing, para siya ngayong isang grenade na any minute ay pwede sumabog kapag may nakapatrigger sa kanya.

Dapat hwag niya munang makita ang mga bagay na pwedeng magcause sa kanya para magalit kasi base on my observation, hindi malayong makapatay siya. Dapat hwag niya munang makita si Julia.

"Kath, gising na ba si Blake? Kasama ko si Sir, tinawagan na rin nila ang parents-- Anong gingawa niyo dyan?"Kakasabi ko palang na hindi muna dapat makita ni Blake si Julia tsaka naman dumating ang babaeng yun. Aissst, bwisit naman.

"Bakit? What are they doing?"Patay tayo dyan. Magkasama pa sila Julia at Daniel. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Blake sa braso ko. Ahhh, babaliin ata ni Blake ang braso ko, eh.

"Asan na si Blake?"tanong naman ng isang guidance personnel nga. Nagulat ako nang biglang tumayo si Blake at hablutin ang uniform ko para patayuin rin.

Mabilis ang naging mga pangyayari. Nakakuha ng gunting si Blake sa pencil holder sa table at nasa leeg ko ang isa niyang braso habang may matulis na gunting ang nakatapat sa mukha ko.

"Walang lalapit! Ibabaon ko 'to sa mukha niya!"sigaw ni Blake. At some point, hindi ako nabigla. I know na mangyayari ito kaya hindi na ko gaanong nabigla. Hindi rin ako natatakot.

"Sundin niyo siya!"sigaw ko sa kanila. "Walang lalapit!"dagdag ko.

"Blake, itigil mo yan! Hindi ka ganito, Blake! Ang Blake na kilala ko, laging kalmado at hindi padalos-dalos,"sabi ni Julia. Bahagyang humarap si Julia kay Daniel, may binulong siya dito.

"Dali, umalis ka na,"utos ni Julia kay Daniel. Nag-aalangan nang una si Daniel pero umalis na rin siya. Siguro naman naisip ni Julia yung naiisip ko.

Humakbang si Blake papunta sa pintuan kasama ko. "Atras!"sigaw niya. Umatras naman sila Julia. Ramdam kong nagbabalak sila na sumugod para pigilan si Blake pero tinignan ko sila atsaka ko umiling. "Hwag,"I mouthed.

Isinara ni Blake ang pinto tapos nilock niya bago niya sinara ang mga bintana at binaba ang kurtina.

Binitawan niya na ko.

"B-blake...why...?"I murmured habang nakatingin sa likod niya. Tumigil siya saglit. Lumapit ako sa kanya para sana hawakan ang balikat niya pero bago ko madikit ang kamay ko sa balikat niya, humarap siya at ihawi ang kamay ko.

"Hwag mong sabihing naiintindihan mo ko, Kath. You don't know a thing about me!"sigaw niya. "Hindi mo naranasang bugbugin ng mga magulang mo kada maling bagay na nagagawa mo! Ano bang alam mo? Wala kasi hindi ka naman nabuhay sa hirap!"sigaw niya.

"Blake, I will help you if y-you just gave me a chance. We're accomplices, righ--"Bigla niya kong sinugod at natumba kami. Nasa leeg ko ang isa niyang braso at nakatutok uli sakin ang gunting kanina. Mas bumilis ang paghinga ko.

"Fuck you! We were never accomplices in the first place! Why the hell would I need your help? I'm not sick, okay? Hwag mong ipagpilitan!"He is screaming angrily right on my face.

This made me think na bakit ba kasi ginagawa ko 'to? I could go back to being my usual self. Yung wala akong pake sa iba, the only person I care other than myself and my family is Daniel. Yung konting sanggi lang sakin, kulang na lang mamaditahan ko ang buong pagkatao ng nakabunggo sakin.

"I would never need you kaya hwag kang mangialam. Pwede ba!? Stop pretending that you can understand me, that you can understand everything! You have no idea how damaged I am! Kahit kailan hindi mo ko maiintindihan kasi makasarili ka rin, diba! Sarili mo lang ang iniisip mo!"He thundered.

Sa mga sinabi niya parang gusto ko nang maniwala na napakasama kong tao. All I wanted to do is to help him in all possible ways. Masama nga ako. Sobrang sama.

Everything is wrong. So, am I and this feeling inside me. Why did I let this to happen? Nagpabaya ako. Nagpabaya ako kaya ngayon nahihirapan ako.

"Hindi lang puro sarili kong iniisip ko...kasi kailan lang, iniisip na rin kita. I care about you, kaibigan kita, Blake. Oo, selfish ako, maldita ako, pakialamera pero I can change. No, I did change for the better. Nagawa ko kaya magagawa mo rin yun, Blake.."sambit ko habang sinusukat ang tingin niya. Mabigat siya at nahihirapan ako ng kaunting huminga.

"Putangina!"sigaw niya. Nakita ko kung pano niya sinaksak yung gunting sa kanang dibdib ko. Napasigaw ako sa sakit.

Nang makakita siya ng dugo, nakita ko naman ang panginginig ng kamay niya at kung paano siya parang batang takot na takot na umatras palayo sakin. Sinaksak niya ko pero mas nag-aalala pa ko sa kanya.

Mabilis na kumalat ang dugo. Si Blake andoon sa sulok at yakap-yakap ang kanyang tuhod. Sumigaw ako. Sumigaw ako, hindi lang para humihingi ng tulong par asa sarili ko kundi para saming dalawa. Hawak pa rin ni Blake yung gunting, hawak niya at nagbabalak siyang isaksak rin iyon sa sarili niya.

Naiiyak ako kasi ayokong tuluyan siyang mabaliw. Possibleng mangyari iyon kung titignan mo ang mga kinikilos niya ngayon.

Dumidilim na ang paningin ko nang narinig kong may sumira sa pinto. Naaaninagan ko, may mga nakaputing taong sunod-sunod na nagsipasok. Ang gulo. Sobrang gulo ng mga sumunod na pangyayari hanggang sa magdilim na lang.

xx

Dear DanielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon