Chapter 5

28.2K 850 326
                                    

"ANO 'YAN?"

Kumunot ang noo niya sa pagtataka dahil sa inabot ng binata. It's a rectangular box and quite familiar.

"My gift."

Agad niyang tinanggap iyon pero hindi pa rin maiwasan ang pagtataka.

"Salamat pero tinulungan mo na ako sa renovation, ah. Sobra-sobra na ang tulong mo." Sabi niya. Pa-humble.

Sinimulan niyang irenovate ang bahay niya, pinalagyan niya ng second floor. Pinatanggal na niya ang kwarto nila ng bunso niyang kapatid, pinatanggal niya ang plywood na nakaharang para lumawak ang silid ni Harvie. Last week nilang nasimulan at ngayon ang second floor naman ang pinagtatrabahuan ng mga workers.

Galing 'yun sa upa ni Harvie at tumulong pa talaga ito. Syempre hindi niya tinanggihan ang grasya pero nakakahiya minsan.

Tatablan rin pala ng hiya ang kakapalan ng mukha niya.

Naisip niya, siguro kaya binibigyan siya ni Harvie ng pera para hindi siya magnakaw. Takot atang nakawan.

Pero minsan naisip niya... Saan galing ang mga pera ni Harvie? Hindi niya sigurado kung nagtatrabaho ito, dahil nasa bahay niya lang talaga, oo minsan umaalis rin. May kasagutan na siya pero pilit niyang binabalewala. Dahil ayaw niya sa ideyang iyon.

Ang makasalamuha ng mayayaman. Lalo na kung ang mayayaman ay may Benjamin na apelyido.

"Kailan ka pa tumatanggi sa grasya?" Nakangising pang-aasar ng binata.

Ngumisi siya pabalik dito.

"Kung ikaw na ang grasya."

Chos! Naalala niya tuloy ang nangyari last week. He made her wet! And that's a bad thing. Kaya agad siyang naghanap ng distraksyon.

Distraksyon tulad ng...

"Munch?"

Agad na lumaki ang ngiti niya at nilapag ang regalo ni Harvie sa mesa saka nagmamadaking pumunta sa pinto at binuksan iyon.

"Bunch!" Tawag niya sa babae at niyakap ito.

Hinalikan pa niya ito sa pisngi.

Hinila niya ang chinita niyang girlfriend na medyo chubby papasok at inakbayan. Ipapakilala niya kay Harvielat.

"Barbie!---este Harvie, jowabels ko." Nakangisi at proud niyang pakilala kay Chinny, the chinita.

Nakita niyang napaawang ang labi ni Chinny habang nakatingin kay Harvie. Hindi niya napigilang mapairap.

See? Kahit lesbian or bisexual laglag panty kay Harvie.

Nagulat rin si Harvie sa pagpapakilala niya pero agad ring nabawi at ngumiti.

"Hi, Harvie here." Pagpapakilala ni Harvue at kumaway dahil nasa dalawang metro itong layo dahil naghahand ng panghapunan.

"H-hello, Harviher!"

Pucha.

"Harvie lang. Hindi Harvie here at huwag kang magpa-cute diyan. Ako jowa mo, 'di ba?" Paalala niya rito.

Chinny giggled and look at her with puppy eyes.

"Sorry, munch. Minsan pang makakita ng saksakan ng gwapo."

"Eh, kung saksakin kaya kita?"

Gulat ay bumadha sa mata ni Chinny.

"Ng ano?"

"Ng tite ko."

"Wala ka 'nun, munch. Finger lang pwede pa." Bulong nito sa tenga niya.

Napakamot siya ng batok. Ambantot naman! Anong finger? Hindi pa niya nagagawa 'yun, kahit ngabsa sarili niya. Conservative siya.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon