Chapter 1

45.1K 1K 285
                                    

"Anak anong gusto mo paglaki mo?" Masuyong tanong ng kanyang ina.

"Gusto kong maging pirata, para nasa dagat lang ako."  Bibong sagot niya sa ina.

Mahinang napatawa ang ina niya at napailing.

"Ayaw mo bang maging sirena, anak? Ayaw mo 'nun pa-langoy-langoy ka lang?"

Napa-isip ang limang taon gulang na babae.

"Ayaw ko, Nay. Girl masyado. Ayaw kong katulad kela ate." Tanggi niya.

Hindi niya talaga kasi gusto ang pinanggagawa ng mga ate niya. Puro lang make up at tiktok ang inaatupag. Hindi pa mautusan sa bahay. Hmp. Kaya siya ang palaging kawawa, bunso raw kasi siya kaya siya na ang mag-linis ng bahay.

Tinutukso pa siyang ampon siya. Palibhasa iyan talaga ang pang-aasar sa mga bunso.

"Gusto mo ba talagang maging pirata, anak?" Tanong ng Mama niya.

"Opo, Nanay!" Magiliw na sagit niya sa ina.

Masuyong ngumiti lamang ito sa kanya. At dahil sa ngiting iyom, napanatag siya na matutupad ang pangarap niya.







HAWAK-hawak niya ang binoculars habang may hinahanap. Napangisi siya ng makitang may papalapit galing sa malayo.

"Mga kasama! Maghanda kayo, may mga army! Pirata, ligpit!"

Nagmamadali niyang tiniklop ang banig kung saan nadoon ang mga nakalatag na pirated cd.

Oo, hindi siya naging pirata, bagkus nagbibinta siya ng nga pirata. Piratang palabas.

"Leng, bilisan mo, papalapit na sila!" Untag sa kanya ng ginang na kasama niya.

Mas binilisan niya ang pagligpit. Dahil nakalatag lang sa kumot ay tiniklop niya ang kumot na tila sako saka nilagay sa balikat niya at nagmamadaling tumakbo.

"Hoy! Magsitigil kayo!" Sigaw ng pulis na papalapit na sa kanila.

Napamura siya ng makita ang isang matanda na hindi pa nabugkos ang kumot na may nakalatag na kwentas at pulseras.

"Ako na dito, Nay! Tumakbo ka na." Sabi niya at agad na niligpit iyon. Tumakbo naman ng matanda.

"Huwag kang gagalaw!" Sigaw ng pulis na sampung hakbang ang layo sa kanya.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon