Did you even wonder...what happened to Collie within those years without him? What really happened to her, and how did she get back from where she belongs?
If you're wondering and wanna know the answer, then it's the same for Collie.
Dahil kahit siya ay walang alam sa nangyayari sa kanya. Alam niyang may nangyari, alam niya kunti ang nangyari pero hindi detalyado. Na tila ba ang ala-ala niya ay burado.
"Nag-yosi ka na naman."
Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng magsalita agad si Long ng makapasok siya sa bahay nila.
"Parang hindi ka naman sanay." Balewalang saad niya at dumiretso sa kusina.
Akala niya ay tinantanan na siya ng kapatid pero binuntutan pa rin siya nito hanggang doon. Napairap siya, paniguradong sermon na naman ito.
"'Yun na nga ang problema, sinasanay ako, ate pero hindi talaga ako sang-ayon sa 'yo. Alam mo namang may asthma si Scarlet."
Her face softened. He never really questioned Long's love for her daughter. Tinuring nitong si Scarlet na parang prinsesa. He become mature at a young age to take good care of her daughter.
"Sori. May bumabagabag lang." Sabi niya sa nakababatang kapatid.
Lumambot ang mukha nito at kinulong siya sa yakap. Dise-otso palang si Long pero hanngang tenga na lang siya nito.
"'Di ba sabi ko kapag may katanungan ka diyan sa isip mo tanungin mo lang ako?" Marahang paala ni Long sa kanya.
Napatungo siya.
Natatakot siya. Natatakot siyang alamin kung ano ang buong nangyari. Para kasing...para kasing pinili niya na kalimutan ang nangyari doon. That past might be too painful for her.
Pero may parte sa kanyang gusto na niyang maalala. May mga naalala siyang mga pangyayari pero masyadong malabo at hindi niya kilala kung sino ang mga tao sa nakaraan niya.
May mga ala-ala siyang naalala sa bahay na 'to. Lalo pa't nagtagal na siyang tumira dito kaya unti-unting bumabalik ang memorya niya pero hindi siya makapaniwala. Lalo na 'nung pumitik ang ala-ala kung saan naroon siya sa silid sa ikalawang palapag na pinapaligaya niya ang isang lalaki.
Nakakahiya 'yun! Hindi naman siguro totoo 'yun, 'di ba? Kasi, babae ang trip niya. At astig siya, eh! Nakakabawas 'yun ng kaangasan niya.
Pero siguro doon nabuo si Scar?
"Ate, huwag lang masyadong mag-isip dahil wala kang isip." Untag sa kanya ni Long.
Agad niyang kinurot ito bago humiwalay sa yakap ng kapatid. Bahagya na siyang kumalma sa ginawa nito.
"Salamat, Long. Maswerte ako at nandiyan ka. Huwag kang mag-alala kung magiging milyonarya ako, bibigyan kita ng piso."
Napasimangot naman ang kapatid. Lumayo ito at may binulong-bulong.
"Milyonarya ka na sana, eh. Kaso---"
"Mukha kang bubuyog sa ginagawa mo, Long. Lakasan mo 'yan." Sita niya rito.
Inirapan lang siya ng kapatid.
Pakiramdam niya ay may sama ng loob ito sa kanya. Paano ba naman kasi ay palagi siya nitong binabara lalo na kung pera ang usapan.
Napailing na lang siya. Ano bang alam nila sa pera? Kung makareklamo si Long para bang milyones ang nawala sa kanila, ni bihira nga lang siyang makakuha ng isang libo sa isang araw.
"Maligo ka muna bago matulog, ate. Baka maamoy ni Scarlet." Bilin sa kanya ni Long bago lumisan ito sa kusina.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...