"I'm not comfortable that you'll be out of my sight." He groaned.
Napairap na lang siya dito.
"Napag-usapan ma natin 'to kagabi, 'di ba?" Aniya sa binata.
Harvie sighed in defeat.
"Fine. Pero susunduin at ihahatid kita palagi." Kondisyon ng binata.
"Oo na, oo na. Sige alis na 'ko, tol." Tinapik niya ito sa balikat at akmang bubuksan ang pinto para makalabas ng pigilan siya ng binata.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya sa pagpigil nito. Nakasimangot na rin ang binata.
"That's not how you said goodbye to me, Leng." Pagmamaktol nito.
"Ha? Paano ba? Ang dami mo namang arte---oi!"
Napasinghap siya ng hawakan nito ang kanyang bewang at pinaupo siya sa kandungan nito.
Harvie's face angled to claim her lips. Hinapit siya nito sa batok, agad naman siyang napapikit at sinalubing ang halik ng binata.
Shuta! Ito na naman. Parang wala silang usapan kagabi, ah?
Bago pa may milagrong mangyari sa kanila ay kusa na siyang humiwalay sa binata. Mapungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya dahilan para mapalunok siya.
Naku, Bing! Huwag mo akong matignan ng ganyan baka kakkalimutan ko ang usapan natin kagabi.
"A-ano ba, Harvie. Napag-usapan na tin 'to, hindi ba?" Aniya sa mahinang boses.
Disagreement flashed on his eyes.
"Yeah, right." He whispered but what he said opposed on what he's feeling.
Pilit siyang ngumiti sa binata.
"Sige, baba na ako."
Umalis na siya sa kandungan nito at tuluyan na siyang lumabas sa kotse ng binata. Doon niya pinakawalan ang pinipigilan niyang paghinga.
Napahawak siya sa dibdib niya ng bumilis iyon.
Kalma, Collie. Napag-usapan niyo na 'to kagabi, hindi ba?
"I'll forgive you, and we'll continue as bestfriends---"
"Really? Thanks---"
"Hep hep, hindi pa ako tapos. May pero ako.. Pero." Pigil niya sa selebrasyon nito.
"Okay, fine what is it?" He eagerly asked.
"Lilipat ako ng trabaho. Kahit saan, janitress pa rin basta ayaw kong magtrabaho sa kompanya mo."
Agad na bumaha ng pagtutol ang mukha ng binata.
"What? No!---"
"Ah, so ayaw mong magkabati tayo?"
"Gusto! Pero hindi naman sa ganito. I want you always in my sight, Leng." Reklamo ng binata.
Nagkibit balikat siya.
"Ah, ayaw mong magkaayos tayo---"
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...