"Oh, so you're Collie, hija?"
"I do po, Ma'am." Agad na sagot niya pero nakaramdam siya ng kurot sa kanyang bewang.
Napangiwi siya at sinamaan ng tingin si Harvie.
"Yes po, Madam. Ako ang landlady nitong si Barb--el. Ni Captain Barbel. Hehe."
Pasimple silang nagsipaan sa ilalim ng mesa.
"I heard a lot about you, hija. Palagi kang bukam-bibig nitong anak namin." Nakangiting saad ni Tita Chandrea.
"Yeah, he said that you're pretty and sexy." Singit ni Heazen, kuya ni harvie.
Agad siyang napalingon sa binata. Nakita niyang pinandilatan nito ng matandang kapatid at mukhang sinipa rin.
Pasimple siyang bumulong sa binata.
"Pretty at sexy, ha?" Tukso niya.
Inirapan siya nito. "I'm more prettier than you." He whispered back. Napairap siya.
"What's in your house, hija? Mukhang ayaw umuwi nitong anak namin." May lihim na panunukso kay Harvie ang tanong nito.
"Ah, wala naman po masyado. 'Nung bago pa lang siya doon, hindi naman kagandahan ang bahay. Ang maganda lang po 'dun ay ako." Sagot niya.
Mahinang natawa ang mga ito. Nakakahiya naman pala dito! Bawal 'yung tawa niya dapat may itek...ano ulit 'yun? Etiquette?
"Uuwi na nga ako dito, sawa na ako sa kayabangan mo." Pagsisimula ni Harvie ng away.
"Okay lang, sawa na rin naman ako sa tit--"
"Bastos!" Putok ng binata.
"Ha? Titig! Sawa na ako sa titig mong inggit na inggit sa ganda ko." Inirapan niya ang binata.
His parents were just looking at them with amusement. Si Heazen naman ay pasimple pang nag-video sa kanila habang malaki ang ngisi.
"We're thank you for taking care of my son. As I can see hindi mo naman siya pinapabayaan. If you want we can pay--"
"Mom." Pigil ni Harvie.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Ano ba, Harvielat. Pera na 'yun, syempre tatanggapin ko. Kung bibigyan niya nga ako ng isang milyon layuan ka gagawin ko." Bulong niya sa binata.
Napailing ito. Muli siyang umayos ng upo at ngumiti sa ginang.
"Uhm, actually po. Pwede ba akong magpatulong na mkahanap ng trabaho? Para hindi ako nakadepende sa upa ni Harvie." Magalang na tanong niya.
Nabigla nga siya sa sarili. Napakabarumbado niyang tao pero tila isa siyang mahinhin sa harao ng magulang nito. Kay Heazen naman, mukhang magkakasundo sila. Parang parehas silang maloko.
"Oh, sure! May bakante pa naman sa companya mo, Heazer?" Baling nito sa asawa.
"Yes. Anong gusto mo? Manager, Director, Board Member...which do you like?" Tanong nito.
Napakagat labi siya at kiming ngumiti.
"Janitress po."
"How was it? Meeting my fam?" Konsulta sa kanya ni Harvie habang naglilibot sila sa mansion ng bahay nito.
Manghang-mangha siya sa paligid, halatang mamahalin ang mga gamit! Mayaman talaga ang binata. Nagsinungaling lang talaga ito 'nung una nilang pag-uusap na may nag-adpot rito. Okay lang naman, hindi naman siya galit. Mas mabuti nga na ganito, maperang-mapera ang binata. Hehe.
"Okay naman. Mabait pala parents mo, 'no? Akala ko naglayas ka baka ma-attitude sila pero ikaw pala 'tong rebelde." Anas niya.
Napailing ang binata.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...