"Aray..."
Napangiwi siya kasabay ang kanyang pagbangon sa malambot na kama. Ang malamig na hangin mula sa aircon ay nanunout sa kanyang balat---
Wala silang aircon.
Agad na nanlaki ang kanyang mata at pinalibot ang tingin sa paligid. Napasinghap siya ng matagpuan ang sarili sa estrangherong silid.
"Yumaman ba ako bigla?" Usal niya at pinalibot ang tingin sa paligid.
Nasa hospital siya, at mukhang nasa mamahaling ospital pa talaga siya naka-confine. Kung gayun, anong ginagawa niya rito?
Shuta. Parang kagabi nasa kama lang sila sa silid ni Harvie, paano siya napunta dito? Nagtelegram ba siya? Este teleport?
Agad siyang napalingon sa pinto ng bumukas iyon. Bumungad sa kanya ang kaibigan niyang wumasak sa pagkababae niya.
"Masakit pa ba?"
Agad na nakatanggap ang kaibigan ng sama ng tingin mula sa kanya.
"Anong ginagawa ko dito? Nasa kama mo pa lang tayo kagabi, ah!"
Napakamot ito ng batok saka nilapitan siya.
"Kinabahan ako kasi bigla ka na lang nilagnat kagabi. Kaya dinala kita dito." Paliwanag ng binata.
"Nilagnat ako kagabi?" Nagtatakang tanong niya. Bakit hindi niya alam?
"Oo, nanginig ka na lang at ang taas ng temperatura mo kaya hindi na ako nag-atubling dinala ka rito." Paliwanag pa nito sabay lapat ng palad nito sa kanyang noo para maramdaman ang kanyang temperatura.
"Ang OA naman, parang lagnat lang ospital agad? Sana nilagyan mo na lang ako ng malamig na bimpo sa ulo, dinala mo pa ako rito, mahal ang babayari---"
"Walang bayad, amin naman 'to."
Muntik na siyang mawalan ng ulirat.
"Ano?! Sa inyo 'to? Takte! Ganito ka kayaman?!" Gulat na bulaslas niya.
Napakamot naman sa batok ang binata.
"Hindi directly sa amin but the Ben---Betlogan own this hospital and currently my cousin Homer was handling this."
Her mouth formed 'o' as she nodded her head.
Tangina. Hindi niya matanggap-tanggap na ang baklang boarder niya ay hindi lang basta-bastang mayaman. Ubod pa ng yaman! Kung alam niya lang ay pinikot na niya ito.
Napalingon sila sa pinto ng bumukas iyon at iniluwal ang kamukha ng binata. Sobrang gwapo at matikas, walang tulak kaibigan sa mga Betlogan. Siguro 'yung apelyido lang ang bantot sa pamilya nila.
"She's awake." Usal ng lalaking doktor na pumasok.
Harvie rolled his eyes.
"May tulog bang nakadilat ang mata?" Sarkastikong tanong ng kaibigan.
"May gising ngang nakapikit, eh." Pilosopong sagot pabalik ng doktor.
Nakangiting bumaling sa kanya ang doktor pero agad iyong nawala ng batuhin ito ni Harvie ng mansanas mula sa basket na nasa tabing mesa at sakting tumama sa ulo nito.
"Fuck! Aalis na nga lang ako." Bagot na reklamo ng doktor habang nakahawak sa natamaang ulo.
Harvie smirked and look at her. "So it's true, that apple could make the doctor go away."
Napailing na lang siya sa kalokohan ng kaibigan. Kung sana pinakain na lang sa kanya ang apples kaysa binato.
"What are you feeling? Masakit pa ba vajayjay mo?" Tanong sa kanya ni Betlogan.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...