Chapter 31

23.2K 709 119
                                    


NAUWI nga sila ng Pilipinas. As much as she wanted to start an argument ay pinili na lang niyang manahimik ay inobserbahan ang binata. He's really in foul mood.

Nang makababa na sila sa limousine ay pinagbuksan siya ng butler. Bumaba na rin ang binata sa kabila at tumungo sa direksyon niya. Muli siyang hinila nito papasok sa bahay nila.

Wala si Long dahil ibinilin ni Harvie si Long sa bahay ng magulang ng asawa. Ang plano talaga ay magtatagal sila ng tatlong araw pero isang araw palang ay nakauwi na sila agad. Mabilisan dahil private plane nito ang gamit.


"H-harvie..." Tawag niya ng makarating sila sa kwarto nilang mag-asawa.


"Napagod ka ba sa biyahe? Magpahinga ka na." Turo nito sa malaking kama nila.

Umiling siya at niyakap ang bewang nito.

She sighed. "I'm sorry if I made you updset."

Natigilan ang binata sa ginawa at sinabi niya. Unti-unti na rin kumalma ang katawan nito at niyakap siya pabalik.

"You don't have to say sorry, Leng. Hindi sana ako nagpadala sa init ng ulo. Tingnan mo, nauwi na tayo sa pinas."

Oo, gonggong ka kasi! Ang cherry blossom ko, huhuhu.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.

"Wala ka naman dapat ipagselos 'dun, sinabi ko naman sa lalaki na may asawa ako." Paliwanag niya.

"I trust you, Col. But I don't trust any guy around you. I don't want them to take you away from me." Seryosong saad ng binata at hinapit pa siya lalo.

Napangiti siya at hinaplos ang likod nito.

"Hindi rin naman ako sasama sa kanila, Harvie."

"Good."

Humiwalay siya ng yakap at ngumiti dito.

"Hindi mo na ako ikukulong sa bahay?"

Harvie sighed. "I will if I have to."

"Harvie!"

"Col, trust me. I would do it in a heartbeat if I saw you talking with another guy."

Seryoso talaga ang kaharap. Hindi nagbibiro. Gusto niyang makipagtalo pero pagod rin siya sa biyahe, at hindi nakabubuti iyon sa dinadala niya.

"Okay, magpahinga na lang tayo."











"NAPA-AGA ata kayo?" Gulat na tanong ng ina ng binata sa kanila ng makita silang papasol sa mansion nito. Nabungaran niya ang ina ng binata at si Long na tinuturuan nitong magpiano sa may malaking piano sa sala.

"Ate Leng! Pasalubong ko?" Tumakbo si Long sa kanya at yumakap sa kanyang bewang.

Natatawang ginulo naman niya ang buhok ng kapatid. Gusto niyang maiyak sa laki ng pinagbago nito. Ang dating sipunin na gusgusing Long ay papasa na mukhang anak mayaman. Maayos na rin ang pananamit nito at hindi na masyadong nagsasalita ng salitang kalye.

Lumingon siya sa binata ng maalalang hindi pala sila nakabili dahil sa pagmamadali nila. Sayang naman.

"It's in the car, Long. Ipapakuha ko lang sa kasambahay." Sabi ni Harvie, lumingon ito sa kanya at kinindatan siya, inirapan niya lang ito.

Oh, maybe he pulled some strings.

"Hindi ka ba maging pasaway?" Tanong niya sa kapatid.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon