Chapter 18

27.1K 763 141
                                    

"Harvie..." Tawag niya sa binata ng nasa biyahe na sila.

"Yes, Leng?" Pagsagot nito.

Sasabihin ba niya nag tungkol sa doktor? Dapat lang. Pero bakit ba nag-aalinlangan siya? Takot ba siya na baka...

Humugot siya ng hininga at binuga rin kalaunan. Napalingon siya bigla sa kamy niya na hinawakan ng binata.

"May problema ba? You seems bothered. Is it about work?" Nag-aalalang taning ng binata habang patuloy pa rin ito sa pagmamaneho.

"H-ha? Hindi..Uhm, sasabihin ko lang sana na gutom na ako." Palusot niya at pasimpleng binawi ang kamay mula sa hawak ng binata. Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi mapansin ng binata ang pag-iwas niya.

Harvie chuckled.

"Sana sinabi mo agad. I was bothered on your silence, akala ko kung ano ng nangyari sa 'yo."

Pilit lang siyang natawa at pinaglaruan ang kanyang daliri.

Kinuha na lang niya ang cellphone niya na bigay ng binata dati at naghanap ng pagkakaabalahan doon. Infairness sa kanya kasi natututo na siya. Unti-unti na siyang nakikiayon sa mundong ginagalawan ng binata.

"Hala, ikakasal na si Chloe." Gulat na balita niya sa binata.

"Yeah, Hendrix informed me. He's beyond happy that they're back together." Sabi naman ng binata.

Napatango siya at saktong nakatanggap siya ng mensahe mula kay Chloe galing sa Flixx. Ito 'yung app na kadalasang ginagamit ng Benjamin.

'Hey, tomboy, may kainan sa Wednesday.' Basa niya sa mensahe ni Chloe.

Agad na nagningning ang mata niya. Foods! Mukhang ito ang araw sa kasal ni Chloe.

'And also my son wants to have haircut so maybe tomorrow we'll drop by in the salon.' Kasunod pa nitong mensahe.

Shuta, ilang araw na pala siyang hindi pumapasok sa salon.

"We're here." Imporma ng binata. Hindi niya napansin na nakapark na pala ang kotse.

Agad na pinasok niya sa malit na drawstring bag ang cellphone at sumunod sa binata. Nakakahiya naman ang postura niya na pumasok sa mamahaling resto tapos naka-janitress na uniform pa rin siya.

Harvie seems to noticed her uneasiness so he removed her coat and let her wear it. Agad siyang napangiti at namula ang pisngi pero agad niyang pinigilan ang sarili.

Shuta ka, bakla. Huwag kiligin, bestfriends lang kayo.

Harvie ordered their food siya naman ay tahimik lang na naghihintay.

"So, how's your first day?" Tanong ng binata ng makaalis ang waiter.

"Okay naman, marami akong nakaibigan doon." Kwento niya at bahagyang sumimsim sa juice na hinanda ng waiter kanina.

"Hmm, sounds good. Mga babae ba?"

Agad na kumunot ang noo niya.

"Alam mo namang mga lalaki ang tropa ko, 'di ba? Kasi kung babae jojowain ko lang sila." Aniya sa binata.

Hindi niya alam kung ano ang tamang reaksyon ng binata. Kung galit, natawa, o nagulat.

"So, you're new friends are...guys?" Dahan-dahang tanong ng binata at uminom rin ng juice.

"Oo, nakakatuwa nga sila, eh. Inimbitahan nila ako sa linggo kasi may sabong sa lugar nila. Nakaka-miss 'yung sabong kaya pupunta---"

"You can't go." Mariing pigil sa kanya ng binata na ikinakunot ng noo niya.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon