EPILOGUE

26.3K 790 128
                                    

"For the second time, I pronounced you husbands and wife."

Masigarbong palakpakan ang maririnig sa buong simbahan. Imbitado ang mga kaibigan niya sa Gondo. Pati si Sharmaine inimbita niya! Si Justine at Dustine hindi rin nagpahuli. Kahit nga si Char ay imposibleng wala doon.

"Congrats, ate. Kuya, ikaw na ang bahala nito kay ate. Kung sumpungin 'to ng kabaliwan, ikulong mo lang 'yan." Sabi ni Long ng makalapit sa kanila.

Sinamaan niya ito ng tingin pero napangiti na rin at niyakap ito.

"Mahal kita, Long."

"Mahal rin kita, ate. Ikaw ang pinakada-best na ate sa buong mundo."

Muntik na siyang maluha sa narinig pero hindi siya iiyak! Minsan na nga lang siyang makapagfull make up tapos mabubura lang sa pag-iyak niya.

"Kuya, alam ko namang aalagaan mo ang ate ko kaya panatag ang loob ko sa 'yo."

Harvie smiled and tapped Longs shoulder.

"Thanks, Coal. Your condo is ready, nakalipat ka na ba?" Tanong ni Harvie dito.

Ang Long ba naman ay napaka-arte, ayaw tumira sa bahay nila ni Harvie kasi daw pangpamilya lang 'yun, nagpumilit pang doon nalang sa Gondo para may bantay sa bahay nila doon pero binilhan ito ni Harvie ng condo na mas malapit sa Benj U dahil magkolehiyo na ito sa pasukan.

"Mamaya, bossing. Maraming salamat doon, Kuya Bing."

"Don't mention it." Harvie smiled.

Lumapit na rin ang iba pang mga Benjamin para maki-congrats. The seconed gen trio is also present. Matatanda na ang mga ito pero may sipa pa rin.

"Lolo, Lola..."

Nagmano siya sa tatlo pati na rin sa mga katipan nito. 'Yun din ang ginawa ng binata.

"Hmm, second wedding. The ritual is long overdue but still I will be expecting the both of you."

Ngumiti siya at tumango. Narinig nga niya ang tungkol sa ritwal-ritwal pagkatapos ng kasal pero wala siyang ediya kung ano.

"Tss. I should have shouted Itigil ang kasal, earlier." Iiling-iling na saad ni Simpson pero nakangiting lumapit sa kanila.

Napangiti siya mahinang sinuntok ito sa braso.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Simpson. Gusto mo pa rin ako."

"Collie." That was Harvie.

Sabay silang natawa ni Simpson.

"Nah. I'm with my girl." Sabi nito sabay lingon sa likod para palapitin ang babae.

Harvie gasped upon seeing the woman. Magseselos na sana siya pero ng lingunin niya ang babae ay halos malaglag ang panga niya ng makita ito.

Shuta, ang ganda!

Pero kasal na siya...wait, hindi pa naman siguro huli lahat, 'di ba?  Pero syempre joke lang. Nagagandahan lang talaga siya sa babae, mukhang mas bata ito kay Simpson ng tatlo o limang taon siguro.

"My girl..." Pakilala ni Simpson.

Teka, ang bilis naman. Parang 'nung nakaraan lang ay audience pa ito o baka naman pribado pa lang?

"Hershey.." Tawag ni Harvie dito.

"Kuya.."

Kuya?!

Niyakap ng babae si Harvie habang natuod naman siya sa kinatatayuan.

Sandali...Kuya? Kuya nito si Harvie? Pero bakit hindi niya ito nakita man lang minsan? At saka ito ang jowa ni Simpson? Aba naman, plot twist.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon