Chapter 24

26.4K 793 111
                                    


"H-harvie.."

Bakit siya nito pinasuot ng singsing? Nakalimutan ba nito ang kung ano ang kaakibat na konsekwensya sa pagsuot nito sa kanya ng singsing?

Nakakabingi. Nabibingi siya sa tibok ng kanyang puso.

Pucha, pinaglalaruan ba siya nito?

"T-tanggalin mo 'to." Pumiyok ang kanyang boses at sinubukang tanggalin ang singsing.

Pero ayaw.

"Puta, bakit ayaw matanggal?!"

Namumula na ang kanyang daliri pero hindi matanggal-tanggal ang singsing. Natanggal naman niya iyon dati, ah! Pero bakit 'nung si Harvie ang nagsuot at hindi na mahiwalay sa daliri niya? Hindi naman iyon masikip, saktong-sakto lang sa daliri niya pero hindi talaga matanggal.

"Stop it, Collie. You're hurting yourself." Pigil sa kanya ng binata.

Kinuha nito ang kamay niya pero agad niyang winaksi ang kamay nito at humakbang palayo.

"Bakit mo kasi sinout?!" Tuluyan na siyang napaiyak sa harap nito. Nagulat ang binata sa reaksyon niya, halatang hindi inaasahan iyon.

"Coll---"

"Pinapaasa mo 'ko, eh! Alam kong hindi mo ako mahal pero bakit mo sinuot sa 'kin, 'to? Harvie, alam mo ba ang ibig sabihin ng pagsuot mo ng singsing na 'to sa 'kin?" Suminghot siya at pinahid ang luha sa kanyang mata.

Harvie's jaw clenched. Humakbang ito papalapit sa kanya pero maagap siyang umatras kaya napatigil ito.

"I know, Collie." Mahinahong sagot ng binata.

"Tunta! Alam mo, 'di ba? Bakit mo sinuot?" She said in frustration.

Kumunot ang noo ng binata, hindi nagustuhan ang tanong niya.

"What's wrong about it?"

Napatigil siya at napatawa ng mapakla. Ang kanyang hilaw na tawa ay umukupa sa apat na sulok ng silid.

"What's wrong about it? Baliw ka ba? You're trapping us in a situation we both cannot escape!" Sigaw niya.

Ewan kung saan galing ang galit pero naiinis siya. Hindi dapat siya mag-inarte, 'di ba? Pero... Parang pinaglalaruan siya nito.

She didn't give her assurance, walang label, kantot lang ng kantot.

Tapos ngayon pasusuotin siya ng singsing? Ni hindi nga siya sigurado kung may nararamdaman ito sa kanya? Kung pinasuot lang siya nito ng singsing dahil trip nito pero iba ang dating 'nun sa kanya.

Napaka-selfish naman. Alam niyang gustong-gusto niya ang kaibigan...hindi, mahal na niya ito. Alam niyang sa sarili niyang handa siyang tumaya pero hindi kasi doon nagtatapos ang lahat.

Hindi por que mahal niya ito, go lang siya ng go, dahil hindi naman siya Globe.

Ni wala nga itong pasabi kung may gusto ito sa kanya. He's giving her mixed signals. Iyong magpapakilig ngayon, tapos bukas makawala balik sa normal, balik siya sa isipin na bakla ito tapos kinabukasan magpapakilig naman.

Oo alam niyang tinago niya ang katalinuhan at pinaniwala ang sarili na bobo siya pero marami ng tanga at ayaw niyang makisali pa. Alam niyang masasaktan lang siya sa huli.

She doesn't deserved mixed signals. Siya lang ang masasaktan sa huli. Pero ano nga bang magagawa niya kung suot na niya ang singsing?

"Collie, why are you being like this---"

"Kasi mahal kita! Puta. Hindi ka bulag, bingi o manhid pero hindi mo ba pansin na mahal kita?!" Humagulhol pa siya habang binabato ang mga salitang 'yun.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon