"Nakikipag-away ka pa talaga. " Iiling-iling na saad ng binata ng makapasok sila sa bahay niya."Aba, simula 'nung dumating ka hindi na ako nakipag-away." Palatak niya at pabagsak na umupo ng sofa.
"Oh, bakit parang kasalanan ko, parang kasalanan ko pa?"
Napairap siya. Naalala niya tuloy na dapat pala niya itong sitahin kapag palaging wala.
"Saan ka galing? Akala mo siguro hindi ko nababantayan na minsan ka na lang umuwi." Seryosong saad niya.
Harvie looked at her then raised his brow.
"Astang asawa tayo, ah? Landlady lang kita, oi." Natatawang saad ng binata. Rephrasing her words that she darted to him before.
Pinagkrus niya ang kamay sa dibdib. Her tongue poke the inside of her cheek to stop firing words at him but she can't help to laugh mockingly and walk towards him.
"Kung astang asawa ako, baka kanina ka pa nakatali para hindi ka makalabas ng bahay." Nakangising saad niya.
"At jajakulin kita ulit." Dugtong niya
Nakita niyang nanlaki ang mata nito. Napailing siya at tinapik ang balikat nito.
"Concern lang ako biglang landlady mo. Assuming mo, tol." 'Yung itlog mo naman parang bunga ng santol. Boom panes. Pash pash.
Shuta. Hindi pa ata siya nakamove on sa chip flattops bottle nila kanina.
Napailing ang binata. Hinila siya nito papuntang silid nito. Napalunok siya.
"B-bakit mo 'ko dinala rito? Gusto mo ulit na jak---"
"Shut up, tomboy. May dala akong pasalubong." Irap sa kanya ni bakla.
Agad na nagningning ang mata niya at tinulak ang binata para makalapit sa kama nito kung saan may plastic bag na may lamang masasarap na pagkain.
Amoy pa lang masarap na! Baka galing 'to sa sugar daddy ni Harvie? Sana all. Makahingi nga.
"Galing 'to sa sugar daddy mo?" Walang habas na tanong niya sabay kain sa dala nitong pagkain. Hindi niya alam kung ano 'yun. First time niyang kumain ng mamahaling pagkain--- shuta si Long. Kailangan niyang bigyan.
Napailing ang binata.
"Galing sa pamilya ko. Birthday ni Kuya. Dinalhan na kita ng pagkain alam ko naman na..." Hindi nito matuloy ang sasabihin dahil sa sama ng tingin niya.
"Ano? Patay gutom ako? Ikaw nga 'yung patay gutom sa ating dalawa, eh! Inubos mo 'yung beplop ko!" Paratang niya.
Naalala niya dati na kinain nito ang tinaguan niyang paboritong beef loaf pero nahanap nito. Hanggang sa nag-stock siya ng maraming beef loaf pero ang binata ang kumakain.
"Ayan ka na naman sa patay gutom, eh. Akala mo hindi masakit 'yung mga pinagsasabi mo sa akin? Na patay gutom ako?"
Inirapan niya ito. "Drama mo."
"Bakit? Hindi ba 'yun masakit? Ikaw nga inulam mo ang kalapati, eh!"
Agad na nanlaki ang mata niya sa gulat. Pinandilatan niya rin ito ng mata.
"Paano mo nalaman? At huwag mong lakasan ang boses mo! Kalapati pa naman 'yun ng kapitbahay natin." Asik niyabsa binata.
"Wala ka man lang awa. Sinabi mo pa sa akin na roasted chicken 'yun."
Napanguso siya at tinuloy ang pagkain. Kainis na Harvie kung anong pinagsasabi. Hindi na lang itikom ang bibig.
"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko. Saan ka nga galing?"
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...