Chapter 30

24.2K 684 115
                                    


"Did you have fun?"

Malawak ang ngiti niyang yumakap dito.

"Oo, ganito pala feeling kapag naka-punta ka sa ibang bansa, 'no? Iba ang simoy ng hangin."

Dinala siya ni Harvie sa Japan, tuwang-tuwa naman siya sa pamamasyal nila, lalo na sa pagkain! Sabik na sabik talaga siyang sumubok ng mga bagong pagkain.

Harvie laughed. Hinapit siya nito sa bewang at binaybay nila ang daan kung saan may mga sakura sa gilid. Halos hindi mawala-mawala ang pagkakangiti niya.

Kaya pala palagi siyang sinasabihan ng Mama niya na mag-asawa siya ng mayaman, alam nitong hindi siya makakapagtapos kaya lalaki na lang daw ang sasalba sa kanya.

Hindi niya napigilang malungkot, agad naman iyong napansin ng binata.

"What's the matter?" Nababahalang tanong ni Harvie. Napatigil sila sa paglalakad at hinarap siya ng binata sa direksyon nito.

"What's with that sad face? Ayaw mo sa Japan? Saan mo gusto sa Australia, America, Thail----"

"Hindi, Harvie. Masaya ako dito, bigla ko lang naalala ang sinabi ni Mama."

Haist. Bakit ba ngayon pa siya nagdrama? Honeymoon nila dapat happy at good vibes lang. Ganito lang siguro kapag buntis.

"Anong sabi ni Mama?"

"Na dapat raw ako mag-asawa ng mayaman kasi hindi ako makakapagtapos. Tingnan mo nga naman, hindi nga ako nakatungtong ng kolehiyo tapos mayaman pa ang napangasawa ko."

Isa rin iyon sa rason kung bakit pinili na lang niyang maging tomboy. Nagalit siya sa Mama niya kasi parang simasabing wala siyang pag-asa at ang tanging pag-asa niya ay ang mayamang mapapangasawa. Hindi naman ganoon ang Mama niya, nagbago lang 'nung namatay ang Pap niya.

Harvie cupped her face. May pag-aalala sa mata nito. Nakonsensya siya doon. Pati tuloy binata pinag-aalala niya.

"Do you want to study in college?"

Tumango siya.

"Okay. I'll make that happen, don't worry." Hinalikan siya ng binata sa noo, napapikit siya.

Ang swerte talaga niya sa asawa. Wala na siguro siyang mairereklamo dito maliban sa walang sawang bumayo kaya kawawa ang vajayjay niya.

"Salamat, Harvie. I'm so lucky to have you." She hugged her husband and kiss his neck kasi iyon lang ang maabot niya.


"Back at you, bebe."


They continue strolling around. Panay rin ang kuha niya ng litrato. Ilang beses na niyang sinubukang kumuha ng magandang litrato sa kanilang dalawa pero ito lasing si Harvie gusto palaging nagkiss ang pose nila.

"Harvie, isa." Natatawang banta niya ng lumapit na naman ang mukha nito.

"What? Come one let's just kiss." Ungot nito.

Inirapan niya na lang ang binata at isinilid ang phone sa bulsa. Sayang ay hindi siya makakapagpost sa IG. Lowkey muna sila ngayon ni Harvie. Saka na sila lalantad.


"Ikaw na nga lang doon, ano ka bata?" Pakikipagtalo niya sa binata.

"No, I don't want you out of my sight, Col." Kontra nito.

Napakamot siya ng batok. Paano ba naman kasi gusto pa siyang isama nito sa comfort room sa may hindi kalayuan, nalilibang pa nga siya na magtingin-tingin sa produkto sa may stall.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon