"Bebe.." Tawag sa kanya ng binata.
It has been weeks since they live on his mansion. Para na talaga silang naglive-in. Nakakapanibago, lalo pa't nakakalula ang mga gamit sa bahay nito. Mga high-tec. Si Long naman ay mabilis na naka-adjust. Pansamantala itong pinahatid ni Harvie sa dati nilang bahay dahil namiss raw nito si Char. Sana all.
"Hmm?"
Nag-aayos siya ng damit sa closet niya. Naninibago siya sa mga damit palibhasa puro mga dress, hindi pa naman siya sanay pero siguro kailangan na niyang sanayin ang sarili, wala ata siyang nakitang babaeng Benjamin na palaging nakajeans at oversize shirt.
Ay, wow Collie, iniisip mo talagang mag-aasawa na kayo ni Harvie?
"There's a Benjamin's hangout at Hellion's house." Sabi ng binata. Nakaupo lang ito sa kama at pinapanood siya sa ginagawa.
Kumunot naman noo niya.
"Oh, tapos?"
"Uh, all of the Benjamins are present. Can I go?" Paalam nito, na tila ba malaking chansa na hindi niya ito papayagan.
Mas lalong kumunot ang noo niya at lumingon dito. Bakit ito nagpapaalam?
"Sige, okay lang." Sabi niya saka muling humarap sa closet.
"Talaga? Pumapayag ka? Eh, bakit nakakunot ang noo mo?" Paninigurado pa nito.
Ano bang trip nitong si Harbilat---ay, Harburat na pala kasi lalaki na.
"Ha? Nagtataka lang ako kung bakit ka nagpapaalam." Sagot niya.
She arranged her new clothes by its color, nakakatuwa kasi tingnan.
"What? So you're not curious if I'll just went somewhere?" Kahit hindi niya ito nililingon ay alam niyang nakakunot ang noo nito.
"Ha? Ano bang trip mo?" Tanong niya, abala pa rin sa ginagawa.
"Tapos pumapayag ka pa agad na umalis ako.." Nagtatampong saad ng binata.
Tuluyan na niyang nilingon ito. Muntik na siyang matawa sa itsura ng binata, para itong bata na hindi nabigyan ng candy.
"Bakit hindi? Umalis ka na kasi baka ma-late ka." Aniya at lumapit dito.
Napasinghap siya ng hapitin siya nito sa bewang. Binaon nito nag ulo sa kanyang tiyan.
Parang bata pero ang cute.
"Hindi na lang ako pupunta."
Natatawang tinulak niya palayo ang ulo nito pero nagmatigas ang binata.
"Pinayagan na nga kita, 'di ba?" Natatawang saad niya.
"Hindi mo na ba ako mahal, ha?"
Napaawang ang labi niya sa gulat bago bumalanghit ng tawa. Harvie on the other hand was frowning.
"Haist, nag drama mo! Umalis ka na kasi, matagal na kayong hindi nagbonding, 'di ba? At saka bakit naman kita pipigilan?"
Mas lalo lang napasimangot ang binata. Hinila siya nito paupo sa kandungan nito at saka hinaon nito ang mukha sa kanyang leeg.
Shuta, nag-iinit siya.
"No. Dito na lang ako. Let's cuddle all day." Sabi nito.
Ay, cuddle lang? Pero time freeze muna, papahingahin muna niya si vajayjay, grabeng Harvie, naging lalaki lang ay halos oras-oras na siya nitong aaruhin.
"Sira. Sige na, o gusto mo tawagan ko Kuya mo para kunin ka rito?"
Mula sa pagkakbaon sa leeg niya at umangat ang mukha nito, nakakunot ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...