Chapter 21

26.7K 777 91
                                    

"Leng..."

"Ano?!" Inis na tanong niya, naka pikit pa rin dahil antok na antok pa.

"Punta tayo sa bahay. Gusto ka makita ni Mommy."

"Ano?!" Napabalik was siya ng bangon sa sinabi nito. Nawala bigla ang antok niya.

"Bingi ka ba?" Yamot na tanong ni Harvie dahilan para sapakin niya ito.

"Eh, kung sapakin kita?"

"Sinapak mo na nga, oh!" Reklamo nito.

Napairap siya sa binata at inayos ang kumot para takpan ang dibdib niya. Hubo't-hubad pa rin siya dahil sa ginawa nila kagabi. Tanginang Harvie umabot na lang ng madaling araw ayaw pang tumigil.

"Let's go. Maligo na tayo." Yaya ng binata at umalis sa kama.

Kumunot ang noo niya.

"Anong tayo? Walang tayo!" Angal niya at tumayo na nga habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kumot para hindi malaglag at baka makita ang kahubaran niya.

Naks, feeling virgin. Parang hindi siya na-expose dito kagabi.

"Gusto mo may tayo na?" Tukso sa kanya ng binata.

Hindi agad siya nakasagot, alam niyang biro iyon pero bakit niya sineryoso? Pucha.

"Shatap, bakla."

"Your lips can only make me shut up, tomboy." He teased.

Sa inis niya ay hinubad niya ng kumot at binato sa direksyon nito.

"Tumigil ka." Pinandilatan niya ito ng mata bago naglakad patungo sa banyo ng silid nito.

Harvie's eyes darken while looking at her.

"Are you seducing me?"

She just raised her middle finger at him.

"Tone down your libido, gago." Aniya.

Harvie's jaw clenched and walks towards her direction. Nanlaki ang mata niya at natuod sa kinatatayuan.

"You're seducing me, damn it." Hindi lang siguro ang pagiging hubad ang umakit dito pati na rin ang pagsasalita niya ng English.

Hindi siya nakapalag ng itulak siya nito papasok sa banyo, tanging pagtili na lang ang nagawa niya.


"BAKIT kasama ako sa breakfast?" Tanong niya ng paplapit na sila sa mansion ng pamilya nito.

"She said she misses you."

Tumikwas ang isang kilay niya.

"Alam ko namang nakaka-miss talaga ang isang tulad ko pero nakakataka naman. Siguro sinabihan mo Mommy mo na may nangyari sa atin, ano?"

Harvie scrunched his nose. Probably disagree with her words.

"It's weird telling your Mom your sex life, Collie."

"Pero malay ko bang pini-flex mo 'ko." Pagpipilit pa rin niya.

"I do. But not in that way. Baka ikaw chini-chika mo kay Justine ang nangyari sa 'tin." Pagbabaliktad pa ng binata.

Teka, paano napasok si Justine sa usapan?

"Ha? Paano mo nalaman?"

Hindi naman niya pinagsabi kay Justine, aksidente niyang nasabi kamu.

"So you told him?"

"Ha? Hindi noh! Aksidente kong nasabi."

Napatungo ang binata. Tila napaisip.

Hidden Desire (4th Gen #12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon