Nang makalma siya ay bumalik siya sa kumpulan ng mga babae, mukhanh may pinagkaguluhan.
"Ano meron?" Tanong niya at kumuha ng roba, kaya naman niya ang lamig pero kung sakali mang nay laman na ng tiyan niya ay mas safe iyon sa bata, baka lamigin.
"Look, they're fucking sinful on this photo." Hinarap sa kanya ni Chloe ang cellphone nito at halos nalaglag ang panga niya ng makuha agad ni Harvie ang atensyon niya.
Putangina.
Alam niya na matikas talaga ang pangangatawan nito. Palagi rin niyang masilayan ang hubad nitong katawan pero hindi niya masyadong matuunan ng pansin kasi sarap na sarap siya sa pagpapaligaya nito.
"Shuta, ang hot ni Harvie. Parang naging babae ulit ako." Sabi niya habang nakangisi.
Napalingon naman ang iba sa kanya na tila ba tinubuan siya ng isang ulo.
"Joke lang!" Agad na bawi niya.
Kailan ba niya sasabihin na babae na talaga siya?
Nagkibit balikat na lang siya at naki-ayon sa desisyon ng mga babaeng magkuha rin ng litrato para i-post. Nagdalawang isip pa siya kung sasali dahil unang-una, silang dalawa lang ni Harvie ang nakakalam na may something sa kanila, pangalawa ay kinakabahan na siya baka nga may makahalat sa tiyan niya.
Ngayon lang siya na-conscious 'nung sinabihan siya ni Claudia. Wala na rin siyang duda kasi doktor pa namn 'yun, scientist.
"Shit, we're so freaking hot!" Tili ni Cleo.
Kinuha niya ang phone niya para tingnan ang post nito sa IG.
'Hotter.' Basa niya sa caption.
Ang gagnda nga nila at sexy. Parang hindi rin halata na galing lang siya sa kahirapan. Palibhasa panalo rin siya sa ganda, eh.
"Collie maging girl ka na ulit, please!" Pangungulit sa kanya ni Clea.
"True, you're so freaking hot here. Tinalo mo pa kami." Nakangising saad ni Chloe.
Napairap siya.
"Ang plastik niyo."
Mahina siyang napatalon sa gulat ng yumakap si Celine sa braso niya.
"No, we're not. Ang ganda-ganda mo kaya tapos malaki ang cocomelon mo. Sayang." Pamimilit pa nito sabay pisil sa malaki niyang dibdib. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito.
"Ayoko nga." Tanggi pa niya.
"Baka nga babae na 'yan, tas indenial lang." Tukso ni Carma.
"Oh, baka naman tinatago niya lang sa atin." Makahulugang sabi ni Claudia.
Palihim niya itong pinandilatan ng mata. Huwag naman sana nitong masabing buntis siya.
Napabuga siya ng hangin.
"Sige secret lang natin 'to, ah?" Sabi niya.
Agad namang nagsilapitan ang mga marites sa kanya. Nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
"Ang totoo niyan...hindi niyo lang alam, kasi hindi ko pinagsabi.."
"What is it?"
"Nahihiya talaga akong sabihin pero oras na siguro para malaman niyo..."
"Ano nga? Bilis."
"Matagal ko ng tinatago 'to. Pero ngayon gusto ko ng sabihin na..."
"Na?" Bagot na tanong ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...