"Ito ang magiging kwarto mo.." Sabi niya sa binata ng makapasok sila sa magiging kwarto nito sa taas.
Nakita niyang napangiti ang lalaki. She just give him a weird look even tho he can't see it because he's busy looking around.
"Nothing change at all.." Bulong nito.
"Ano?"
"Nothi--I mean--ah, ang ibig kong sabihin ay nagustuhan ko dito."
Ngumisi lang siya dito.
"Dapat lang. Fifty thousand ang bayad mo. Kung ganyan rin kamahal ang ibabayad ko ay tiyak oras-oras akong naglalagi dito."
"Kung bayaran kita ng fifty thousand para oras-oras na manatili dito, tatanggapin mo ba?"
Agad na pumalakpak ang tenga niya sa narinig. Pera na naman 'yun pero teka nga, bakit naman siya maglalagi sa kwarto ni oras-oras.
Sinamaan niya ito ng tingin at kwinelyuhan.
"Hoi, sinasabi ko sa 'yo huwag mo akong malandi-landi, ha? Tandaan mong bakla ka sa pamamahay na 'to." Banta niya sa binata.
Harvie gulped on their closeness. Naamoy niya ang naghalong pabango at amoy ng yosi---wait, she's smoking?!
"Nagyosi ka?" Kunot-noong tanong niya.
Bakit ito nagyoyosi? Alam nitong nakakamatay mag-yosi pero bakit? Alam niyang nag-yoyosi ito dati pero tinigilan rin, ngayon bumalik na naman?
Kumunot ang noo ng dalaga at pabalya siya nitong binitawan. Napaatras siya sa ginawa nito.
"Bakit mo natanong? At saka, wala kang pake! Idagdag ko pa sa kondisyon ko, huwag na huwag kang makikialam sa buhay ko. Tandaan mong boarder lang kita at land lady mo 'ko." Paalala niya rito.
"Collie---" He tried reaching her but she took a step back. Dahil sa ginawa nito ay nauntog ang ulo nito sa pinto.
"Aray ko naman, pucha." Mura ng dalaga.
Nag-aalalang nilapitan niya ito at hinawakan ang ulo. He check her head, baka nagdugo iyon o ano.
"Masakit ba?" Nag-aalalang tanong niya sa dalaga.
Hindi ito umimik. Nang bumaba ang tingin niya at nakita niyang nakatingin ito sa mukha niya...sa labi niya. At dahil sa lapit nila ay rinig niya ang paglunok nito.
"Collie..." He called her gently.
Akmang bababa na ang mukha niya ng itulak siya ni Collie.
"Pwede ba?! Huwag mo akong malapit-lapitan!" Pagsusungit nito.
Napaawang ang labi niya at nakapamewang na humarap dito.
"Aba, nagsusungit ka? Tandaan mo kung gaano ang binayad ko sa 'yo."
Agad na natigilan si Leng atabilis na ngumiti. Nagulat siya ng kurutin siya nito nlsa pisngi.
"Ikaw naman, hindi ka na mabiro." Nakangiting saad nito pero halos mawalay na ang kanyang pisngi sa kanyang mukha.
Ang sakit ng pagkurot nito! May kasamang galit ata.
"Ikaw na ang bahala diyan. Basta 'yung bilin ko sa 'yo."
Collie cooly tap his shoulder before leaving. Napatingin lang siya sa papalayong bulto ng dalaga.
"I will apologized in advance, but ai don't think I could follow your three rules..." He muttered in the air.
But he's curious... Bakit umasta ang dalagang hindi siya nito kilala? At first, he really expect that she'll go berseck upon seeing him. But on what she saw on her eyes, it seems like he's just a stranger.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...