"Buntis ka nga." Basa nito sa resulta.
Nasa clinic sila nito pagkatapos nilang mag-'tea' time sa bahay ng magulang ng binata.
Inaasahan na niya iyon pero tuwang-tuwa pa rin siya, may naramdaman rin siyang takot lalo pa't hindi pa siya handa, pati na rin si Harvie.
"G-gaano na katagal, Tita?"
"Bali isa.."
"Isang linggo?"
"Isang buwan, Collie."
Napasinghap siya.
Kung ganoon, nabuntis na siya nitong 'nung unang may nangyari sa kanila? Ganoon ba ka sharp-shooter ang baklang 'yun?
"Oh my, God. So my instinct is right. Remember on the hospital when you denied that Harvie's the one who devirginized you? Mabuti na lang at hindi kami naniwala ni Heazer."
"Tita naman, eh.." Namumulang saway niya.
Humalakhak si Tita Cham.
"I remember our times, naalala mo tinaggi mo rin na may nangyari sa inyo ni Heazer? Pero nabuo na si Heazen."
"Chameron naman, matanda na tayo sa tuksuhan. Why not interrogate Collie? Lalo pa't nagsimupa sila bilang bestfriends. Are you the walking evidence that never picks a man who have girl bestfriend?"
Agad namang namula ang pisngi niya.
"T-tita naman.."Natigilan sila ng nagring ang phone niya. Si Harvie, tumatawag.
"Hello?"
"Where are you, bebe?" Agad na bungad nito sa kanya.
"Ah, kasama ko ang Mommy mo at si Tita Cham." Sagot niya.
"Can I hear their voices?"
Napairap siya. Inabot niyabsa ina nito ang phone niya.
"Mom?"
"Don't be too possessive, son." Sabi ng ina nito at muling binalik sa kanya ang phone.
"Makakauwi ka mamaya? O bukas na lang?" Tanong niya. Nasa abroad kasi ito, malayo-layo ang biyahe baka pinipilit lang nitong maagang uuwi dahil sa kanya.
"So, you're not excited to see me, huh?"
"H-ha? Hindi naman sa ganoon. Ang sa akin lang ay kung pwede namang hindi madaliin para safe."
"Uuwi ako mamaya, Collie." Mariing saad ng binata at pinatay ang tawag.
Napailing na lang siya.
"My son has change, huh."
Maliit siyang napangiti at napatango.
"Oo, Tita. Pero okay lang naman."
Kahit ata maging dinosaur si Harvie ay okay lang, tanggap niya pa rin ito.
"Just tell us if he's acting weird that you don't like, okay?" Sabi ng ina ng binata.
Napatango na lang siya.
"Do you think he's worst than our generation of the Benjamins?" Tanong ni Chameron dito.
Nagkibit balikat ito. "I don't know. Hindi rin naman natin mapipigilan. It runs on their blood,"
Hindi na lang siya nakisali sa usapan, lalo pa't hindi niya naintindihan kung sino ba ang pinag-usapan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Hidden Desire (4th Gen #12)
Romance"Ano kamo? Magpa-transginger ka?!" Gulat na singhal na kanyang bestfriend na si Collie Felwis. "Transgender 'yun." Pagtatama niya rito pero mukhang balewala iyon sa dalaga. He sighed. "Yes, Coll. And that's final." Napailing ang kaibigan at napatul...