Chapter 19

972 28 5
                                    



MIKA'S POV

Same Day

"She told me na maghahanap kayo ng lot for the business," naiiyak na ko dito. Asan ba si Ara? Wala naman kasi kaming clue kung nasaan siya eh.

"Totoo naman kasi yun eh! We're supposed to look for a lot." Sagot naman ni Kim. I can see the honesty in her eyes.

"Eh nasaan siya ngayon?!" Dagdag naman ni Cienne. "Eh hindi ko nga alam! Sabi niya kasi sick daw siya eh. Kaya nga bibisita sana ako, eh wala naman pala akong bibisitahin." irap naman ni Ate Kim.

Diniall ko ang number ni Ara, pero cannot be reached ito. Ang daming conclusions sa mind ko, like baka naaksidente siya, or nakidnap ba, or nambababae na ba, or ewan! Basta isa lang ang alam ko. Nagsinungaling siya kay Ate Kim.

I don't know if it's a white lie or not. Shit, san na ba nagpunta yun?

"Cannot be reached din sakin." pinakita sakin ni Cienne ang phone niya.

"Ate Kim, nakatrack yung kotse ni Ara sa kotse mo diba? Thru GPS?" pagtatanong ni Cienne. Agad naman napatayo si Kim sa kinauupuan niya.

"Tara sa carpark."

Sumakay na kami sa elevator at talagang kinakabahan ako. Namumuo na ang mga malalaking butil ng pawis sa noo ko.

"Bully, please relax." sabi ni cienne. Ngumiti naman ako.

Binuksan na ni Ate Kim ang kotse niya at pinaandar ito. Natrack naman niya kung nasaan ang sasakyan ni Ara...



..... Subic Grand Seas Resort, National Hwy, Olongapo.



"Sumakay na kayo." sabi ko sa kanilang dalawa at inagaw ang kinauupuan ni Ate Kimy.

Nagulat ang dalawa sa ginawa ko pero i'm pretty sure naiintindihan naman nila kung bakit ako nagh'hysterical ng ganito. Si Cienne ay nasa shotgun seat samantalang si ate Kim ay nasa likuran. Halata sa kanya na kinakabahan siya. Namutla kasi siya at bihira yun sa kulay niya.

"Saan tayo pupunta?" natanong sakin ni Kim. Si Cienne naman ang sumagot para sa akin. "Malamang, sa Subic."


"Ye, ayaw mo bang ako nalang ang magdrive, nakakatakot ka eh." sabi naman ni Kimy. Hindi ako kumibo, ibig sabihin hindi pwede.


Pasalamat nalang ako at nakuha ko pang kumalma kahit papaano. Medyo light lang din naman ang traffic kaya mabilis lang ang takbo ng sasakyan at hindi bumaba sa 80km/hr.

*buzz buzz* biglang may nagtext. Si ara pala.

"Babe, gagabihin ako okay? I'm still with ate Kim. Text you later. Love you!"

"Bullshit." Ugh! Nakakainis! Sinong ginago niya? Hahaha! Nasa likod ko kaya si Ate Kim. Punyeta pinaglalaruan na ko neto ah.

"Napano ka?" tanong naman ni Cienne. Ngumuso lang ako sa phone ko at kinuha niya yun at binasa ang message.

"What the hell, Vic!" ipinasa naman ni Cienne ang phone ko kay ate Kim. Nainis din sya nung nabasa niya na.

"We better put our shits together," sabi ko habang tumitingin sa side mirror.

Chineck ko ulit kung asan ang sasakyan ni Ara, at nandun parin ito sa Subic Grand Seas Resort.

After 3 hours and 30 minutes, andito na kami sa resort.

"Miss, may naka check in po ba na Ara Galang?" mukhang baguhan yung staff. Kumunot naman sya at umiling.

"Wala po." hindi man lang ngumingiti, tsk.

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon