Chapter 22

879 30 3
                                    

ARA'S POV

"MIKA?"

Kamukhang kamukha niya si Mika. Ang tangkad niya, balingkinitan at ang ganda ganda.

"Who's Mika?" tanong naman niya. Kamukhang kamukha niya talaga ito eh. Sobra.

"Ah, wala wala hehe," from clueless face to happy face again.

"Hi, Kim! Hi Vic!" bati niya sa amin.

"You can call me Victonara. Ara. Vic. Whatever you want." sabi ko naman sa kanya. Ang ganda niya. Ang ganda ni Danica.

"Ang dami naman. Ara nalang. Cute yun eh, hahaha!" ang contagious ng tawa niya.

"Uhm, may we have a moment?" tumango naman ito at iniwan na namin sila ate Kim sa taas.

Bumaba kami at mas serene dito. "Saan ka nakatira, Mika? Ahm I mean, Danica?"

"Ah, sa Pasig ako dati pero ngayon sa Taft na ako," ngumiti siya sa akin. Yung ngiti niya.. Super angelic.

"Ah, san sa taft?" Ugh, bat ba ang dami kong tanong? Ang entertaining kasi netong si Danica eh. Napaka intriguing.

"Secret! Malay ko ba kung holdup-er ka pala." pabiro niyang sabi. Napatawa naman ako ng kaunti.

I don't know why this came out my mouth but...

"May boyfriend ka na ba?" nag iba naman ang tingin niya sa akin. From an angelic face to a... mysterious one I guess? Unexplainable smile.

"Wala." umiwas naman siya ng tingin.

"Okay," yun nalang ang nasabi ko.

"Ano first impression mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Bakit, does it matter to you? Hahahaha!" ayan nanaman yung tawa nya.

"Grabe naman to! Haha." napangiti nanaman ako.

"Uhm, chicboy. Parang ang dami mong babae hahaha.. Joke lang."

"Ang sama mo ah!"

"By the way, sino ba si Mika? Bat parang pinagbagsakan kayo ng langit at lupa nang makita niyo ko?" hindi ko alam ang isasagot ko. Pakiramdam ko may tinik ako sa lalamunan.

"Ah, girlfriend ko." nanlaki naman ang mata niya. "May girlfriend ka?!" akala mo naman pinagtaksilan to! Tsk. Wala. Wala na siya.

"Wala na siya eh," sagot ko naman.

"Where is she? Anong wala na? Wala na kayo, ganon ba ibig mo sabihin?"

"Haha, sana ganun nalang diba? Pero wala na. Wala na siya. She passed away 5 years ago." ngumiti naman siya ng malungkot. Napayuko ako.

"Ouch, ang sakit naman!" napahand-gesture pa siya dun. "Hayaan mo, magiging okay lang ang lahat," dagdag naman niya.

This is the second time I met a girl this sophisticated, pretty and snappy! She's just adorable. Just like Mika. Pero there are differences too. Unang una, hindi party girl si Mika. Eh si Danica kasi kilala na ng mga staff dito pati na rin bouncer eh, so i'm pretty sure madalas siya dito. Pangalawa, masyado siyang conservative para magsuot ng dress na kapit na kapit sa katawan. Pangatlo, never pang humaba ang hair ni Mika tulad ng buhok ni Danica. Pang apat, shy type si Mika pag una mo siyang nakilala. Gradually lang ang pag iiba ng pakikitungo niya, hindi yung mabilisan.

"Tell me more about you, Ara.." bat ba sobrang interested sa akin nito?

"Well, as Kim mentioned a while ago.. We own a restaurant. Sa taft ito and it was established, ahm.. 4 years ago." nagcross legs naman siya bago magsalita ulit. Tang ina! Pamura please! Ang hot hot hot niya! Tsk! Erase, erase.

"Ano pa?" mukhang interesado talaga siya ah.

"Uhm, 26 years old na ko. Birthday ko today... Hehehe."

"What? Ang tagal na nating magkausap ngayon mo lang sasabihin na birthday mo ngayon? Hahahaha!" ayan nanaman yung tawa niya. Natatawa din tuloy ako. "Happy 26th birthday, Ara!"


"Bakit, nagtanong ka ba? Hehe,"


"Haha, hindi. Pilosopo ka pala ah!" kinurot niya yung ilong ko. Ang touchy niya.

"Eh ikaw, Danica.. Tell me more about you."

"Ellise and I handles a coffee shop.. Parents ko nasa Canada, and I love pets.. Vegetarian ako."

"You're astonishing."

"Uhm, di naman.. But thank you, Ara for the compliment!" ngumiti siya sa akin. Full of happiness ang mata naming dalawa ngayon.

"You're welcome!"

Bigla naman nagring ang phone konkaya naman nag excuse ako kay Danica para sagutin ito. Si Cienne pala.

"Hoy! Umuwi na tayo! Ala una na!" nicheck ko ang orasan ko. Nadismaya ako. Ala una na pala at kailangan na namin umuwi. Ihahatid pa namin sila Mela at Kambal.

Binaba ko na ang phone.

"Uhm, Danica.. We have to go.." nalungkot ako at nakita ko rin na medyo na-disappoint siya.

"Ah, ganun ba.. Okay, nice meeting you Ara!" binigyan niya ako ng kiss sa cheek ko na siya namang ikinagulat ko. Para akong nakapako sa kinauupuan ko ngayon.

"Nice meeting you, Danica. This won't be the last time, right?" wag lagyan ng malice. Friendly lang naman talaga ako. Ugh weh, Vic?


Fuck! She really reminds me of Mika! Ugh!

"Of course." sabi niya naman. Sabay kaming umakyat ulit sa taas at sakto, pababa na pala sila Cienne, Cams, FO at Kim.

"MIKA?!" see? Sabay nilang sinabi yan maliban kay ate Kim. Kamukha niya kasi talaga si Mika. Pero, guys, nagkakamali kayo. Marami din silang differences.

Tumingin sakin si Danica. Sinasabi ng mata niya na iintroduce ko sya sa kanila kaya naman ginawa ko yun.

"Bullies, hindi siya si Mika. Her name is Danica.. Danica, this is Cienne, Camille, Mela and --"

"Kim! Right?" oo nga pala. Nagkakilala nansila kanina sa taas.

"Hehe, oo," napatingin naman si Ate Kim kay FO na nakataas na ang kilay.

"Hi, Danica! Uwi muna namin si Vic ah?" nagtaka naman siya at biglang ngumiti. "Ahh, you mean Ara? Okay sige hahahaha!"

"Sige, bye Danica!" hinila na ako pababa at tuluyan nakong nagwave kay Danica. Nagflying kiss naman siya sakin. Ang cute niya!

"Care to explain how out of nowhere, she knows your name?!" hinampas naman ni Mela si Kim. "Explain!"

"Nagkayayaan lang sumayaw sa may counter, tas nagkakilala yun lang babe."

"Ewan ko sayo panget! Let's just talk about this tomorrow masyado nang masakit ang ulo ko."

Ako na ang nagdrive kasi di naman ako masyadong lasing at di naman ako masyadong tinamaan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggal sa isip ko si Danica.

Mika, masama ba kung magustuhan ko siya? Ugh. No, baka attracted lang ako because she looks like Mika.


Oo vic.

Yun lang yun. Si Mika ang mahal mo. Siya lang.

--

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon