Chapter 24 - CIENNE'S SPECIAL CHAPTER

912 29 1
                                    

CIENNE'S POV

Namimiss na talaga namin ng kambal ko si Mika, kaya napagdesisyunan naming dalawa na bibisita kami sa puntod niya, na kaming dalawa lang.

Hay, 5 years na rin ang nakakalipas, at sa limang taon na yun, ni minsan, hindi namin nakalimutan bumisita every week. Sana okay lang si Mika kung nasaan man siya.

"Oy, bilisan mo!!!!!" kinatok ko si Cams sa kwarto niya. Ang bagal magbihis eh. Usually ako ang mabagal, nakakapanibago.

Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya sa kwarto dala ang susi ng kotse. Siya nalang daw magddrive, tumango naman ako....

.

.

.

.

.

.

.

.

Maya maya pa ay andito na kami sa Bulacan. Dumaan muna kami sa flowershop na malapit sa Memorial Park. Binili namin siya ng Tulips, favorite niya kasi yun eh.

"Miss, eto na po bayad." inabot ko ang buong P1000. Walangjuy. Ang mahal, infairness.


"Thank you, Ma'am! Come again!" sabay niya namang ibinigay ang sukli na P1.


Hindi rin nagtagal ay nakapunta na kami sa Memorial Park. Syempre nagselfie muna kami ni Sis. Tas nag powder ng konti at tuluyan nang lumabas ng kotse.

Sobrang swerte talaga namin ni Camille ngayong araw. Puro putik ang cemetery at medyo umaambon pa. Ugh. Hassle talaga. Pero okay lang.

"Shit!"


"Bakit?" tinanong niya sa akin.

"Nakaligtaan ko yung mga bulaklak sa kotse." nanlaki naman ang mata niya at halata ang disappointment dito.

"Babalikan ko nalang. Ako na kukuha, dito ka na muna."


Ako lang mag-isa dito ngayon dahil naglakad na si Kambal papunta sa carpark. Medyo lumalakas na ang ambon kaya naman sumilong na ako sa isang museyo malapit sa grave ni Mika.

Di ko tuloy maiwasan na magreminisce.


flashback


Training nanaman at makikita ko nanaman ang new member ng team namin. Si Mika Reyes. Hindi ko alam, ha? Pero parang, parang lang naman na mag pa-cute effect siya sa lahat ng members pati sa coaches. Parang si Bang din ata to eh.


"Oh, Ci, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Ate Mowky.


"Doon."


"Ha? Anong doon? Lutang ka nanaman!" piningot niya ako ng mahina.

"Ah, eh, haha, oo okay lang ako." ni-tap niya ang shoulders ko at nauna na siya sa shower room para mag bihis.


"Cienne?" tinawag naman ako ni Kim sa di kalayuan na malapit lang sa drinking fountain.


"Oh?"

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon