"Thank you, Ma'am. Come again!" sabi sakin ng cashier sa Bear Cuddler. Binili ko kasi ng life-sized bear itong si Mela. 3rd year anniversary kasi namin bukas. Actually pupunta pa ako ng cupcakes sa Vanilla Cupcake Bakery kasi favorite niya yung red velvet doon pati yung oreo cheesecake nila. Tas binili ko din siya ng necklace worth P8,000. Medyo zero balance na nga ako eh, pero ayos lang. All for my baby.
"What's your order, ma'am?" binigay ko naman ang order ko. Dalawang red velvet cupcakes at dalawang oreo cheesecakes. Pagkatapos ay nagbayad na ako.
"Thank you, ma'am! Come again soon."
Lumabas na ako ng bakery at dumiretso sa jewelry shop para kunin na yung necklace. At para marinig na yung walang kamatayang "thank you, ma'am! Come again soon."
Pumunta na ako sa may carpark habang pumipito ng 'Statue' na kanta. Kanta kaya namin yun ni Mela. Hehe. Inilagay ko na yung teddy bear sa may compartment kasi di kasya sa loob. Di ko makikita kung ano yung nasa rearview mirror eh.
"Hahahaha... yh, ano ba! Hahahaha." kinuha naman ang atensyon ko nung dalawang magshota na papunta sa elevator. Nagtago ako sa Everest na katabi ng sasakyan ko. Ang segundong pagsilip ko ay ang segundong pagpatak din ng luha ko. Si Mela. May kasamang lalaki. Kilala ko yun ah! Si Jeric Teng.
Nakapalupot ang kamay ni Mela sa braso ni Jeric at naka akbay naman si Jeric kay Mela. Tangina nito. Gusto ko man siyang sugurin pero baka mamaya ako naman ang umuwing luhaan at may blackeye. Nagtago nalang ako sa likod ng poste at napanganga. Ang sakit. Parang binabalatan ako ng buhay.
Umuwi ako ng condo at pumasok sa loob ng kwarto namin ni Mela. Inilapag ko yung teddy bear sa kama at inilagay muna ang cupcakes sa loob ng ref. Itinago ko muna yung necklace niya sa cabinet ko.
Dumapa ako sa kama at umiyak. Hindi pangmagkaibigan ang mga galaw nila. Ang sakit sakit kasi hindi siya natuto sa nangyari kay Vic at Mika. Para namang hindi namin siya kaibigan. Bakit ganun? Parang wala siyang pake kung may makakita sa kanya na kakilala namin? Ano ba yun? Pati ba mga mutual friends namin ginagago ako? Ang sarap kong iuntog sa pader! Napaparanoid ako.
We were so in love. We were so in love na hindi talaga kami mapaghihiwalay. I may always seem happy, pero madami na talaga akong tinatago na pain. I had a past relationship. We loved each other so much, pero pinagpalit niya ako sa lalaki.
Her name is Angel. Highschool pa kami nun, so i don't think it's first love. Parang, puppy love lang. Attraction lang. Infatuation lang. Exclusive for girls kasi yung school namin eh, so normal nalang sa loob ng eskwela pag nakakita ka ng babae na magkaholding hands na intertwined pa, na magkadate sa ilalim ng puno malapit sa chapel, na tuwing intramurals, tinitilian ng mga babae yung mga tomboy na naglalaro ng sports, lalong lalo na pagdating sa basketball. Yung tipong minsan, nakakandong yung babae sa lap nung tibo. It may seem gross, pero love yun eh. We have no right to judge anyone. Pag nagmahal ka, nagmahal ka. Period. No erase.
Nakilala ko si Angela dahil nung 3rd year highschool, naging magkklase kami. Seatmates, actually. So lagi nalang siya yung kasama ko at katabi. Naging bestfriends kami nung una, pero eventually, nagustohan namin ang isa't isa. We didn't have a label, but still, may relationship kami. I gave her love notes, her simple joys, etc. Pag naglalaro ako out of the school, lagi kong dinededicate sa kanya. Pero nung nagcollege, napagisipan niya daw na mali yung meron kami. But really, that's not the reason. Nalaman ko na may boyfriend na pala siya dahil tinanong kung kamusta kami ng 'bestfriend' ko. So Angel actually introduced me to her friends na 'bestfriend' at hindi mag-mu or lovers. I was hurt, kaya nakilala ko si Mela.
Mela was my foot then. Siya yung motivator ko and inspiration. Na hanggang nakalimutan ko na si Angel because na-overpower ni Mela ang pagmamahal na naibigay sa akin ni Angel. And that's why i cannot understand kung bakit nagccheat sa akin because she know my past and my first heart broken. Kaya i'm paranoid now and i can't think properly. Iba iba na ang naiisip ko.
Mela has always been my partner in crime. She makes me happy a lot at siya yung nagpaparelax sakin every after training. And i do the same with her. I consider our relationship happy and perfect because parehas talaga kami ng likes, lalong lalo na sa volleyball. Lagi kaming nagaaway pero madali lang naman kaming magbati. Pero sa nangyari ngayon?
I doubt it.
------
Next chapter (chapter 30): MELA'S SPECIAL CHAPTER
:-)
BINABASA MO ANG
This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara Galang
FanfictionYou know it's right, but you also know it is not. The battle of the heart and mind.