Chapter 2

1.8K 41 2
                                    

CIENNE'S POV

Ramdam ko ang sakit na nararanasan ni Vic ngayon. Alam kong masakit sa kanya na hiniwalayan sya ni Jessey, but she has no choice but to move on. Alam nya sigurong masakit ngayon, but sooner or later, maghihilom din yan. 'All scars heal' ika nga. Depende na lang kung may hemophilia. Joke lang.

Mag hahating gabi na at naisipan naming mag swimming. May damit kasi kami ditong magbabarkada sa loob ng unit ni vic, parang bahay na din kasi namin to ng barkada e. Tipong si Ditse nga may damit rin eh.

"Pweeeeee!!!!!" bigla nalang umahon si Yeye sa paglalangoy.

"Anong nangyari daks?!" Mula naman sa pagkaupo habang nag yoyosi si Ara, napatayo siya sa pag aalala.

"Tomsssyyy!! Nakainom ako ng water mula sa pool!!!!" sabi ni yeye habang yamot na yamot ang mukha.

"Hala, umihi pa naman ako kanina!!!" pang asar pa ni kim.

"Kaya pala uminit ung tubig kanina Kimmy!!!!" Sabi naman si ate aby sabay tawa nila ni Camille. Tong mga to, lakas talaga ng mga tama! Inaasar pa si Yeye.

"Ew mga kadiri kayo!!!!" habang pinupunasan naman ni yeye ang bibig bya gamit ang panyo ni Ara.

"Tomsy suntukin mo sila!!!"

"Hala Daks? Eh takot nga ako sa ipis eh!"

"Yh Tomsy naman eh!"

"Hahahahahaha! Biro lang, pero totoo. Binibiro ka lang nyan daks. Swimming ka na ulit."

"Di ako mag s'swimming kung di kita kasama," sabi naman ni Mika. "Dapat kasama kita mag swimming!" 

"Oo nga Vic, tara na." yaya naman nila ate mowky na kanina pang walang imik.

"Kung si Ate Mowky magyayaya, osya sige."

"Aba e bakit si Ate Mowky isang yaya lang papayag ka na pag ako kailangan muna kita pilitin?" tanong naman ni mika habang pumamewang.

"Eh kanina pa walang imik si ate mowky e, e kanina ka pa nagsasalita, rinding rindi na nga ako sa boses mo e!"

"Ah ganon?"

"Oo ganun nga... Tapon kita dyan eh!"

"Okay, pero uunahan na kitang itapon!!!" tinulak ni mika si ara sa pool, basang basa tuloy sya na pati ang hawak nyang towel para sana punasan si mika, nabasa din.

"Hahahahaha!"

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon