Chapter 28

695 29 2
                                    

MIKA'S POV

"Mika iatras mo!" rinig kong sigaw ni Cienne. Di na ako makagalaw sa pwesto ko. Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko mabubuking kami anytime soon.

"Mika! Ano ba!" dagdag pa ni Cienne.

"Danica, Cienne?" katok ni Vic. Hala. Nadatnan na kami. Hindi pa naman tinted tong sasakyan ko.

"Hiiiii.... viiiiic...." hiyang bati ni Cienne. "Surprise?"

"Ano to?" tanong naman ni Ara. Halata sa mata niya ang pagtataka.

"Hehehehe.. Cake! Nagbonding kami ni Danica.. Alam mo na, making sure she's okay for you." ngumiti ako pati si Cienne. Natatawa ako kay Ci, paano ba naman kulang nalang mapunit na yung labi kakangiti. Mas makakahalata sa Vic sa ginagawa niya eh! Tsk.

"Ah, okay.. Kaya pala hindi ako tinetext ni Danica. Hi, Danica.." bati ni Ara. Ngumiti ako.

"Oo eh, ayoko namang maging bastos sa harap ni Cienne.. Para goodshot ako." palusot ko namaman. Go with the flow nalang, sakyan ko nalang trip netong si Cienne.

"Ahhh.. Now i get it. Hahaha! Oh, ayos naman ba Cienne?"

"Hahahahahahahaha! Better than you think." binatukan ko si Cienne na siya namang ikinagulat ni Ara. Baka makahalata na talaga eh. Tumawa lang naman si Ara.

"Sige, una na ako Ara at Cienne, ha?" tumango naman si Cienne at bineso na ako.

"Aga mo namang aalis? Dinner na tayo sa labas." yaya naman ni Ara. Umiling lang si Cienne.

"Busy ako sa coffee shop, Ara eh.. Sorry! Bukas nalang. I'll see you." kumaway na ako at inabante ang sasakyan. Tangina. Muntikan na kami dun. Pinagpawisan kaya ako ng husto.

****

ARA'S POV

"Danica's weird." sabi sakin ni Cienne nang nakangiti. "But I like her weirdness."

"Wow. Coming from you? That's a lot. Thanks, Cienne." hinug ko siya ng mahigpit na mahigpit.

"Ang oa mo."

"Sama mo! Dati kaya ayaw mo siya. Si Camille lang boto sa kanya eh. At saka si Kim."

"Diba nga okay na?" tumawa nalang ako ng mahina at niyaya siyang umalis bukas papunta sa bulacan para magpaalam sa paalam kay Mika. I know she'll be happy with my decision.


"It's tuesday tomorrow. Punta tayong Bulacan, ha?" yaya ko kay cienne. I waited for an answer.


"Ah..... uhm... Diba magkikita pa kayo ni Danica bukas?"

"Yup. We'll have dinner nalang tomorrow." sabi ko naman with a smile. Excited ako eh. Hehe.


"Ah.. Okay then. Uwi ka na, gabi na oh." she tapped my shoulders at nagwave na ko sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at ipinaandar yung makina. Nag backing na ako at dumaan muna saglit sa Mika's. Madami nanamang tao at busy nanaman ang lahat ng staffs.

"Hi Ma'am." bati sakin ni Andrew. Isa sa mga boy.


Nagthumbs up naman ako at tumuloy sa office namin ni Kim. Unfortunately, nakalock ang kwarto eh. Bumalik ako sa loob ng sasakyan dahil nasa compartment lang naman yung susi ng office.


"Kim?!" pagbukas ko ng pinto ay sya namang ikinagulat ko. Nakapatong sa kanya si... ellise?! Eto yung nakilala namin sa bar ah! Naiinis ako! Sabi nang wag siyang gagawa ng katarantaduhan na ganito eh!


"Gago ka ba?! Gusto mo bang malaman ni Mela to?!" nakikita ko ang lungkot sa mata ni Kim. Anong meron?


"Don't tell." naiiyak niyang sabi. "Malabo kami ngayon, kaya ko nagawa to." pabulong niyang sabi. Nalungkot ako sa nadinig ko. Pero hindi pa din tama to.


"Ellise, lumabas ka na." nagbihis naman siya ng pangtaas at saka lumabas ng pintuan.

"Ate Kim naman! Ano ba? Bakit mo to nagawa kay Fo?!" pasigaw ko nang sabi. Naiinis ako hindi dahil nagcheat siya. Kung hindi dahil hindi pa siya natuto sa nangyari sa amin ni Mika ngayon.


"Malabo nga kami! Victonara, wala kang karapatan suwayin ako!" may halong galit ang boses niya. Nanginginig ito.


"Punyeta! Pag malabo kayo, dapat ayusin nyo. Hindi yung gagawa ka pa ng kagagahan na pwede pang maging rason para magbreak kayo! Mag isip ka nga!"


"Hindi mo alam kung anong pinag-awayan namin... kaya... wag kang makikialam." napaupo na siya sa sahig at napasapo sa ulo niya. Humagulgol na siya ng tuluyan.


"Te Kim.. Ano bang problema nyo? You can tell me.." hinagod ko yung likod niya.


"May lalaki siya. Nalaman kong may lalaki siya."

----

Sorry for the late update! Kim's special chapter naman yung susunod na chapter. Medyo nagsasawa na kasi ako puro sa KaRa umiikot yung istorya. Para naman may bago. :-)

Okay ba yun? Hehehehe. Ingat always, guys! :) god bless.

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon